KABANATA 10: LOVE QUARREL?!

57 5 0
                                    


ALEXA'S POV

Pagkadating ko sa school, agad ko namang tinakbo ang daan papunta sa classroom nagbabaka sakali na nandun na si Ken pero wala. Hinihingal kong nilapitan si Rhea.

" Oh? Anyare sa iyo beshy? Sino na naman ba humabol sa iyo? May bumubully na naman ba sa iyo? " sunod na sunod na tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot.

" Hindi no, hinahanap ko kasi si Ken. Nakita mo ba siya? " tanong ko

Binigyan naman niya ako nang nakakalokong ngiti. Alam ko na nasa utak neto.

" Just answer me Beshy, " asik ko sa kaniya

" Fine fine, ang init agad ng ulo. Ang alam ko nasa gym siya ngayon. Grabe nga pagod na sila sa camp tas may training pa sila ngayon. Bat mo ba siya hinahanap? " tanong niya

" Mamaya ko na ikukwento, I have to go " tugon ko sa kaniya

Halos takbuhin ko na ang daan papuntang gym.I feel so guilty. So sya din pala ang nakita kong nakasilip kagabi sa kwarto ko while I'm talking with Xander. Halos ibalibag ko na ang pagkabukas ng pinto. Nagulat pa nga ang mga players sa ginawa ko pero wala akong pake. Iginala ko ang aking mga mata at hinanap ko agad si Ken kaso wala siya. Asan kaya yung mokong na yun. Dahil di ko siya mahanap, napagpasiyahan ko na tanungin na lamang ang mga nandito.

" Ahm, excuse me po. Wala po ba dito si Ken? " magalang kong tanong

" Bakit naman hinahanap ni beautiful maiden turn to ugly nerd si Ken. Andito naman ako. " tugon ng isa sa mga naroon

Di ko na pinansin ang panlalait niya at hinintay if may sasagot ba sa tanong ko. Akmang lalapitan ako ng sumagot sa akin kanina nung biglang may nagsalita sa likod ko dahilan para lumingon ako sa kinaroroonan ni Ken

" Kung ako sa iyo, di mo hahawakan ang girlfriend ko. " madiin na wika ni Ken

" Easy bro, I am just kidding here. Ang init agad ng ulo mo. " wika nito habang tinataas ang mga kamay niya na parang sumusuko.

" At sa susunod na laitin mo pa ang girlfriend ko, ako na makakalaban mo. " pagbabanta niya

Umatras naman na ang lalaki at lumapit sa ibang ka-team niya na tinatawanan siya. Nilapitan naman ako ni Ken.

" Anong kailangan mo at sumugod ka pa dito. " tanong niya

" Gusto lang sana kitang makausap tungkol sa nangyari kagabi. " mahinahon kong wika sa kaniya.

" Maybe next time, busy ako ngayon. " malamig niyang tugon sa akin.

At nilagpasan na niya ako. Oh my! sa aura niya mukhang galit talaga siya. Pero what exactly the reason? Hinatak ko naman ang kamay niya dahilan upang mapalingon siya muli sa akin.

" Just 5 minutes Ken " I said it with the calmest voice I have

" Ang sabi ko, busy ako ! Mahirap bang intindihin yun?! " asik niya sa akin

Nagulat naman ako sa asta at pagtaas ng boses niya. Nagkaroon na din kami ng audience dahil sa

paglakas ng boses niya. Nangingilid na ang luha ko. First time niya akong sinigawan. Inalis ko na ang pagkakahawak ko sa kaniya at tumakbo ako paalis ng gym .Di ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. Napahinto lang ako ng may yumakap sa akin. Paglingon ko mas lalo akong naiyak. Yinakap niya lang ako ng mahigpit at ako umiyak lang ako ng umiyak sa bisig niya. Kahit di ko maintindihan kung bakit nga ba talaga ako umiiyak. Dahil ba sa sinigawan niya ako or am I ----? No, it is impossible

Maya - maya ay tumahan na din ako. Hinarap ko naman ang lalaking yumakap sa akin.

" Why are you here? " tanong ko sa kaniya

" Well, may practice game kami sa gymnasium niyo. Maaga akong pumunta kasi hinahanap kita then rhea told me na nasa gym ka. So I go there, lalapitan sana kita pero may kausap kang guy so iniisip kong hintayin ka sa labas then I saw you running while crying, I tried to call you countless times but hindi mo ata ako naririnig so sinundan kita. " mahaba niyang paliwanag

" I see, sorry kuya. Di ko inexpect that you will see me like this. " halos bulong kong wika sa kaniya

" What is wrong ba? Who is that guy at ano ang karapatan niya para paiyakin ang prinsesa ko? The last time I saw you like this is with ---- "

Napahinto siya sa sinasabi niya nang itaas ko ang kamay ko as a sign to make him stop talking especially that memory.

" Well, I am too sensitive lang siguro and for the second question, he is my boyfriend. " wika ko

Nanlaki naman ang mga mata ni Kuya Xander sabay sabing, " Pardon me, He is your what again? "

" My boyfriend. " I laughed, " I mean fake boyfriend. "

Biglang sumeryoso ang mukha ni kuya Xander then he said, " paano nangyari ito Alexa? "

I have no choice kundi ikwento kay kuya Xander ang lahat. Habang nagkukwento ako ay pasama naman ng pasama ang mukha ni kuya. Naku, nagagalit ba siya. Maya - maya....

" Did your parents knew this? " mariin niyang tanong sa akin

Napalunok muna ako bago ako umiling sa kaniya. Nagpakawala naman siya nang buntong hiniga.

" Break up with him. " maawtoridad niyang utos sa akin

" I do not want to. " mariin kong sagot

" Is it because sa pangbablackmail nya or there is another reason? " tanong niya ulit

Natahimik naman ako. Oo nga, ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw ko. Moments passed ay wala pa ring akong maisagot kay kuya. Kaya naman nagsalita ulit siya,

" Fine, I will not force you na gawin ang mga bagay na ayaw mong gawin. But the next time, I see you cry because of him, humanda siya sa akin. "

" Thank you kuya and please wag mong sabihin kila Mom and Dad ang tungkol sa amin. " pagmamakaawa ko sa kaniya

" It is your life, malaki ka na. Panindigan mo ang desisyon mo pero wag mo hahayaang masaktan ka. I will not tell them because that is your story at ikaw dapat ang magkwento nun. " wika niya habang bumubuntong hininga

" Tara ice cream tayo kuya, mukhang nastress ka din eh. " nakangiting tugon sa kaniya to assure na rin na I am okay now.

He smiled, "tara"

At nauna na siyang maglakad papunta sa store. Yay, ice cream

KEN'S POV

Nawala na sa concentration ang paglalaro ko dahil sa nangyari kanina between me and Alexa Idagdag mo pa ang nakita ko kanina. Nakakaasar talaga! Magsama sila nung lalaking yun bwesit!

*** FLASHBACK

" Ang sabi ko, busy ako ! Mahirap bang intindihin yun?! " inis kong turan sa kaniya

Mukhang nagulat siya sa sa asta ko at maging ako dahil na rin sa pagtaas ng boses ko. May mga umeesyoso na rin sa amin. Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo paalis habang lumuluha. Jusko ken, what did you do. Pagalit ko sa sarili ko

" Alexa wait " sigaw ko pero siguro di na niya ako narinig

Tumingin ako sa gawi ni coach upang magpaalam. Tumango naman si coach kaya naman umalis na ako ng gym. Hinabol ko pa si Alexa na pinagsisihan ko din. Dahil nakita ko siya na kayakap ang lalaking kasama niya kahapon. Nakakainis bwesit! Umalis na lang ako at bumalik na sa gym at pinagpatuloy ang pag-eensayo.

*** END OF FLASHBACK

Nakakainis pero bakit nga ba ako naiinis? Do not get me wrong wala akong feelings sa babaeng yun, naasar lang ako kasi nasasapawan ako. Hayss makauwi na nga lang sa bahay

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon