KABANATA 54: FORGIVENESS

34 1 0
                                    

ALEXA'S POV

" Gising ka na pala," Naalis ang paningin ko sa bintana at lumingon sa pintuan ng marinig ko ang boses ni James.

" Andiyan ka pala," Matamlay na turan ko sa kaniya at tumayo.

" Well, this is my house," natatawang biro niya sa akin habang naglalakad patungo sa akin na may bitbit na tray. Napangiti naman ako kahit papaano.

Pagkatapos ko kasi sabihin kay ate Cassie ang buong katotohanan ay umalis ako nang bahay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi rin naman niya ako pinigilan dahil mukhang nabigla siya sa mga sinabi ko. Tinawagan ko si Rhea ngunit busy ang phone niya kaya naman sa bahay na lang ako ni James pumunta. Pagdating ko roon ay saktong nandoon siya kaya naman pinatuloy niya na ako at hinayaang manatili mo na sa bahay niya.

" What is wrong?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni James. Ngayon ko lang napansin na nakalapit na siya sa akin at naibaba niya na ang tray na hawak niya kanina.

" Lahat," turan ko saka tumawa ng peke.

Napabuntong hininga naman si James saka hinatak ang upuan upang tumabi sa akin, " Alam mo hindi naman sa mali ang sitwasyon. Sadyang biktima lang kayo,"

" What if alam niya na from the start? What if tama si Cassie nung sinabi niya na nagustuhan lang ako ni Ken kasi kamukha ko siya?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

" Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi naman ako si Ken. Pero alam mo, mahal kita at kahit magtabi kayo ni Cassie, alam kong ikaw yung babaeng mahal ko," sinserong turan niya sa akin.

" Salamat James, ha? " Nginitian ko siya.

Umiling naman siya sabay sabing, " Huwag ka magpasalamat sa akin. Kung nasabi ko na sa iyo noon pa na buhay siya, edi sana hindi ganito kalaki at kasakit sa iyo ang nangyari,"

" James, hindi mo naman kasalanan yun eh. Sadyang ayun lang yung alam mong paraan upang protektahan ako," turan ko sa kaniya pagkatapos kong hawakan ang kamay niya.

" Pero Alexa, masyado na nag-aalala sila tita at tito sa iyo, ayaw mo pa rin bang umuwi?" Tanong niya sa akin saka ako tiningnan sa mata.

" Hindi ko alam James. Masyadong masakit lahat ng nangyari. Sinabotahe ako ng sarili kong kapatid. Niloko ako ng lalaking mahal ko. Hindi ko alam kung kaya ko silang harapin," pag-amin ko sa kaniya.

" Lex, one person at a time. Sino ba yung gusto mo munang makausap? Yung gusto mong linawin lahat?" tanong niya muli sa akin ngunit nanatili akong tahimik.

" Hindi kita pinipilit na makipag-ayos sa kanila. Ang sa akin lang, marinig mo man lang yung side nila kaysa nagooverthink ka diyan," seryosong pahayag ni James. Naiintindihan ko naman yung punto niya kaso lang hindi ko kasi alam kung saan magsisimulang ayusin tong buhay ko.

" Okay, kung ayaw mo, hindi ko na ipipilit pa pero send a message to your parents. Masyado na silang nag-aalala sa iyo," payo niya sa akin saka tumayo.

" Kainin mo na yang breakfast mo. May aayusin lang ako sa baba," saad ni James.

" Salamat," Mahinang usal ko. Ngumiti naman siya saka lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko naman na masamang magtanim ng sama ng loob pero sadyang malaki lang yung sugat na iniwan sa akin ng galit na iyon kaya di naghihilom. Imbes na mag-isip pa ako ng negatibo ay napagdesisyunan ko na lamang na kainin ang inihandang pagkain ni James para sa akin. Pagkatapos ay napagdesisyunan ko nang magshower. May damit naman akong pinadala ni kuya Sebastian dahil alam niya rin na di ako uuwi kung masama pa rin ang loob ko. Nang bumisita si kuya dito kahapon ay nabanggit niya nga din na ilang beses ng pumunta si Ken sa bahay ngunit para sa kabutihan ng lahat ay hindi na ipinaalam ni kuya kung nasaan ako.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon