KABANATA 28: HIS PLEAD

34 2 0
                                    


ALEXA'S POV

Pagkakuha ko ng first aid kit ay bumalik na ako sa sala ng office ko upang gamutin na si Ken at mabigyan ng ointment si Caleb. Ngunit nagtaka ako ng tanging si Ken na lamang ang nakita ko na nakaupo at nakapikit habang nakasandal ang katawan sa sofa.

" Meron akong comforter bed diyan " basag ko sa katahimikan saka lumapit sa kaniya

" Hmm, hindi na. " wika niya saka dumilat

" Umayos ka ng upo, gamutin natin yang sugat mo. " wika ko pagkatapos kong umupo sa tabi niya

Agad naman niyang inayos ang pagkakaupo niya kaya sinimulan ko ng gamutin ang kaniyang mga sugat. Habang ginagamot ko ito ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Iniisip ko tuloy if galit ba siya sa akin at kung ano ang dahilan ng away nila ni James.

" Kung may itatanong ka, itanong mo na, hindi yung para kang ewan diyan. "

Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang sinabi niya kaya di ko sinasadyang madiin sa sugat niya yung bulak na may alcohol.

" Aray ! " reklamo niya

" Sorry, ikaw kasi kung ano ano sinasabi mo. " wika ko

" Tsk, you are making a weird face kasi kanina kaya pinuna na kita. Baka mabaliw ka pa, kasalanan ko pa. " medyo naiinis na turan niya sa akin

" Ah talaga " wika ko saka diniin ulit ang bulak na may alcohol sa sugat niya

" Aray ko " wika niya sabay kabig ng kamay ko

Sinubukan ko sanang bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak. Inis ko siyang tiningnan pero sinalubong lamang niya iyo ng kaniyang mga mata.

" Bakit ganiyan ka makatingin? " wika ko pagkatapos kong iwasan ang mga tingin niya

" Ano bang ginawa mo sa akin? Ginayuma mo ako no? " bulalas niya

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya saka hinablot ang kamay ko.

" Mukha mo ginayuma, natural ang beauty ko no. Nahulog ka lang talaga. " I said with confidence

" Alam mo naman pala tas kung makapagsabi ka ng nothing else " seryosong turan niya kaya napalunok ako

" Ang s-seryoso mo naman, nagbibiro lang naman ako. " kinakabahang wika ko sa kaniya

" Seryoso ako, seryoso ako sa iyo. " wika niya and I saw sincerity in his eyes

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ramdam ko din ang malalakas na tambol na nagmumula sa puso ko. Pakunwari kong tiningnan ang suot kong wrist watch.

" Anong oras na pala, may praktis pa tayo " wika ko upang baguhin ang usapan

" Ganiyan ka na lang lagi " sambit niya

" Ha? " takang tanong ko

" Lagi mong iniiwasan ang usapan tungkol sa atin. " wika niya

" Wala naman kasing tayo. Peke lang tayo. " diretsang wika ko sa kaniya at nakita ko ang sakit sa mga mata niya

" Ganun lang ba talaga ang tingin mo sa atin? " paos na tanong niya

" Mas magandang ganun na lang " wika ko

" Bakit? Mahal mo pa si James ? " tanong niya

" No " tipid na wika ko

" Then why? Bakit ayaw mo akong paniwalaan? " naguguluhang tanong niya

" Dahil it is the best for us. " Singhal ko pagkatapos ko siyang harapin

" Best? Alexa naman, so ano yung kanina? Palabas lang? " tanong niya

" Of course not " depensa ko naman

" Then why did you that? " tanong niya

" Because I care, okay! Oo may pake ako sa iyo. At oo alam ko na may nararamdaman ka sakin kasi ilang beses mo ng pinaramdam at sinabi iyon pero natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka pag sinubukan ko ulit buksan ang puso ko, madurog lang ulit ito. " naiiyak na wika ko sa kaniya

" It is unfair Alexa, give me a chance naman " turan niya

" Not now, not very soon. " diretsang turan ko sa kaniya

" Ang hirap mo namang mahalin " bulalas niya

" Nahirapan din akong magmahal ulit. Magtiwala ulit. I am just protecting myself sa pain " Singhal ko

" Let me do that. Let me protect you. Let me love you. Let me be part of your life for real. " pagsusumamo niya sa akin

" I --------- "

*** kring kring kring ***

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang vibration at marinig ang tunog ng cellphone ko na nakalagay sa palda. Agad ko naman itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag, Agad namang kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang caller. Dali – dali ko itong sinagot.

" Hello Mom " sambit ko kaya naman napatingin sa akin si Ken

( Come to my office young lady, may pag uusapan tayo ! ) – Mom

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatayan na niya ako ng tawag. Sa boses pa lang ni mom ay himig ko na seryosong usapan ito lalo na nung tinawag niya akong young lady.

" Isara mo dito kapag aalis ka na. Susunod na lang ako sa gym, pakisabing pinatawag ako ng principal. " wika ko sa kaniya pagkatapos kung tumayo at ayusin ang sarili

" Anong sabi ni tita? " nag – aalalang tanong niya

" May pag – uusapan daw kami. " tanging sagot ko sa tanong niya

" Ano daw? " tanong niya ulit

" Hindi ka naman tsismoso no? " natatawa kong turan sa kaniya

" Pagdating sa iyo, dapat alam ko. " seryosong turan niya kaya naman napalunok ako ng wala sa oras

" Tama na yang kakahirit mo, hindi ko alam kung ano pag – uusapan namin. " wika ko

" Baka yung nangyari kanina, samahan na kaya kita para ako na magpaliwanag. " sincere na wika niya

" Nope, kaya ko na ito. Saka kung tungkol yun sa kanina, aba bakit ako ang ipapatawag eh kayo yung nagsuntukan. " pabiro kung turan sa kaniya to ease his feelings

" Pero ---- "

" Hep, okay na. Kaya ko ito. Let us just see each other later, okay? Do not forget to lock this room. " pangpuputol ko sa sasabihin niya dahil sigurado akong hahaba pa ang usapan namin kung di pa siya titigil.

Tumango na lamang ito kaya naman naging signal ko iyon upang umalis na at tahakin na ang landas papunta sa principal office. I wonder ano kaya ang gustong pag – usapan ni Mom because she seems serious a while ago.

ITUTULOY !!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon