KABANATA 32: CORONATION NIGHT

29 1 0
                                    


ALEXA'S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ng naging usapan namin ni Rhea. Buti na nga lang ay pagkatapos noon ay di na nangulit pa si Rhea tungkol sa mga kinuwento ko tungkol kay James at Ken. Lunes ngayon kaya kailangan ko na ding mag - ayos sapagkat ngayon din ang coronation night ng Mr. and Mrs. BEU. Medyo kinakabahan man ay hindi ako aatras. Maybe in this way, ma-gain ko muli ang tiwala ko sa sarili ko.

* tok tok tok *

"Yes? " tanong ko sa kumakatok sa pintuan na nagpatigil sa akin sa pag - iisip

"Señorita, pinapatawag na po kayo ni Ma'am at Sir dahil kakain na raw ho kayo " rinig kong sigaw nung nasa pintuan, marahil siguro ay bagong kasambahay namin dahil señorita ang pagkakatawag sa akin

" Susunod na po ako " tugon ko saka binilisan ang pagsusuklay

Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa paalis sa direksiyon ng kwarto ko, marahil bumaba na rin ang kasambahay na iyon. Tumayo na ako at tiningnan ang aking itsura bago lumabas ng kwarto at bumaba sa dining area.

"Good morning " bati ko kila mommy at daddy pagdating ko sa dining area

" Late ka ng nagising iha, it is already afternoon " sita sa akin ni dad

" Sorry Dad, beauty rest lang for later " paumanhin ko kay Daddy, ayaw niya kasi talaga na bumabangon ako ng tanghali

" By the way, why you are still here? " puno ng pagtataka kong tanong kay daddy saka umupo sa aking pwesto

" Of course I need to witness your coronation night " tugon ni Dad pagkatapos ay humigop ng kape.

" Aww, thanks Dad " nakangiti kong turan sa kaniya, dad really never miss any important events sa buhay ko

" Syempre ako din " rinig kong turan ng nasa likod ko

" Kuya ! " masigla kong tawag sa kaniya saka patakbo siyang niyakap

" Easy sweetie, masyado mo naman akong namiss " natatawang turan ni kuya saka tinugon ang aking pagkakayakap

" I am, sobrang busy mo kasi sa basketball mo, nakalimutan at pinagpalit mo na ako " parang batang pagtatampo ko sa kaniya

" Sorry na sweetie, fast approaching na ang basketball league, last tournament ko na ito kaya puspusan " mahabang paliwanag ni kuya,

" Fine fine " wika ko sa kaniya, I actually understand that kasi graduating na din si kuya

" Tama na yan, halina na kayo at kumain na tayo dahil mag - aasikaso pa ang incoming Ms. BEU natin " pagyaya sa amin ni mommy sabay kindat sa akin

" Mommy naman " nahihiyang saway ko kay mommy

Tinawanan na lamang nila ako at saka ako hinatak ni kuya papunta sa lamesa. Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. I miss this set up, sayang lang wala na si ---

" Sweetie? " rinig kong tawag sa akin ni mommy kaya nabalik ako sa realidad

" Yes po? " magalang na tanong ko kay mommy

" Anong oras na? You should be ready na " wika naman ni daddy

Kaya naman napatingin ako sa relo ko dahil sa sinabi ni daddy. Mag aala - una na pala kaya mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan.

" Maliligo na po ako " nagmamadaling wika ko dahil 2PM pa naman ang coronation night

" Go ahead, mag aasikaso na rin kami " wika ni mommy saka iwinaksi ang kamay na parang sinasabi sa akin na go ahead.

Kaya tumango na lamang ako saka umakyat na sa kwarto. Inilagay ko lang sa kama ang aking dress na susuotin saka dumiretso na sa banyo upang maligo.

After 20 minutes ay natapos na ako maligo. Dali - dali na ako nagbihis dahil 1:30 na din, kailangan kasi ay andun na kami bago mag alas dos dahil may final reminder pa ang aming trainer bago ang mismong coronation. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso na ako sa sala. Naabutan kong handa na rin sila mommy, daddy at kuya.

" Let's go " tanong sa akin ni daddy ng mapansin niyang pababa na ako ng hagdan

" Yes dad, sorry napatagal po " paghingi ko ng paumanhin sa kanila

" No worries iha, kinakabahan ka? " tanong ni mommy

" Medyo po pero I will be alright naman po " sagot ko kay mommy to assure them I am alright.

" You gonna ace that for sure " pagpapalakas ng loob ni daddy kaso lalo lang ako kinabahan

" Mom, dad, masyado niyo namang pinakakaba ang prinsesa natin niyan eh. Basta sa akin, manalo o matalo, proud of you princess " wika ni kuya kaya napangiti ako

" Thanks kuya " nakangiting wika ko sa kaniya

" Tara na at baka mahuli pa itong prinsesa natin " pag - aya ni daddy

Sabay sabay na kami lumabas ng bahay at saka sumakay sa kotse. Si dad ang nagmaneho at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school. Nakita ko ang mahabang pila papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang coronation night kaya lihim akong napalunok, sobrang kinakabahan na ako kahit di pa nagsisimula. Sumulyap pa ako sa huling pagkakataon sa mahabang pila na yun saka dumirteso sa back door ng gym upang doon pumasok.

" You can do this, whatever happen, we are proud of you, remember that okay? " nakangiting wika ni kuya

" Thanks kuya " wika ko saka siya niyakap

" Andun lang kami sa front seat. You got this, punta na ako doon " sabi ni kuya saka tinuro pa ang daan papunta sa front door

Tumango na lamang ako kaya naman umalis na si kuya. Ako naman ay dumiretso na sa pwesto na naka - assign sa akin para magpamake - up na at magbihis na rin dahil in few minutes coronation night na.

ITUTULOY !

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon