KABANATA 50: FALLING APART

32 0 0
                                    

ALEXA'S POV

Hindi ko mapigilang ngumiti habang sinusuklay ang aking buhok at nakaharap sa salamin sa loob ng kwarto ko. Hindi kasi ako makapaniwala na buhay talaga si ate Cassie at kasama namin siya ngayon. Muli ko na naman naalala ang mga kaganapan noong birthday ko.

* FLASHBACK *

Pagkatapos naming lumabas ni Kuya Sebastian sa event hall ay pinuntahan namin agad sila mommy, daddy at ate Cassie bago kami sumakay ng elevator. Kasunod namin ang bodyguards ng pamilya hanggang sa pinto ng hotel room nila Daddy. Pagpasok namin ay inalalayan ako ni kuya paupo sa sofa at ganun din ang ginawa ni Daddy kay mommy at ate Cassie. Puro hikbi lamang ang maririnig sa loob ng kwarto namin. Maya – maya ...

" Cassie anak, ano ba ang nangyari sa iyo? Paanong buhay ka?" Kalmado ngunit naguguluhang tanong ni Daddy kaya naman pinahid ko ang aking mga luha saka tiningnan si ate Cassie.

Bumuntong hininga muna si ate Cassie bago sumagot. " I am sorry, Dad. I recently remembered who I am. A couple helped me with everything,"

" A-anak, nasaan ka nitong halos dalawang taon?" Tanong ni mommy habang hinihimas ang kamay ni ate Cassie.

" I was on the States, mom. Doon ako pinagamot ng mga kumupkop sa akin," Sagot ni ate Cassie habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

" W-why? W-what happened to you?" Nauutal na tanong ni mommy. Marami ding tanong sa isip ko pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam if galit ba sa akin si ate Cassie.

" Well, nung nahulog sa bangin yung sinasakyan naming ng babaeng kidnapper, nadamage yung mukha ko. Salamat na lang that I have my ID on my wallet kaya napaayos ng mga tumulong sa akin yung mukha ko," malungkot na saad niya.

" We should thank those who helped you. Where are they?" Tanong ni Daddy.

" They are not here anymore, Dad. Namatay po si Grandpa six months ago and grandma died 3 months ago," naluluhang turan ni ate Cassie kaya niyakap siya ni mommy.

" Hush now dear, ligtas ka na sa piling namin," pag-aalo naman ni mommy sa kaniya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o ngumisi talaga si ate Cassie pero mabilis din iyong nawala.

" Princess, " Rinig kong tawag ni kuya kaya napatingin ako sa kaniya ngunit kay ate Cassie siya nakatingin.

" Kuya seb," tawag din sa kaniya ni ate Cassie. Tumayo naman si kuya sa kinauupuan niya pagkatapos ay lumapit siya kay ate Cassie at niyakap ito.

" I am really glad that you are alive. I am sorry I was not there when you need the most," Kuya Sebastian sincerely told ate Cassie.

" Huwag ka na mag-alala sa akin, Kuya. Ang importante buo tayo ngayon, right Alexa?" Turan ni ate Cassie at tumingin sa akin. Hindi ko alam ngunit may iba sa tingin niya sa akin pero agad ko din itong nawala. Weird baka guni-guni ko lang. Marahan naman akong tumango upang sagutin ang tanong niya.

" What? Aren't you happy that I am here?" Tanong ni ate Cassie. Napatingin tuloy sa akin si mom, dad at kuya.

" H-hindi na-naman s-sa ga-ganun," nauutal kong sagot sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin sabay sabing, " Then what?"

" Akala ko lang galit ka sa akin," malungkot na turan ko saka yumuko.

" Ano bang sinasabi mo diyan? We are twins, right?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pag-angat niya ng baba ko upang tingnan siya.

" Sorry ate Cassie," Naiiyak kong turan.

" Sssh, ang laki-laki mo na, crybaby ka pa din, kakambal ba talaga kita?" Natatawang turan ni ate Cassie pagkatapos ay pinunasan ang luha ko. Agad ko naman siyang yinakap at niyakap naman niya ako pabalik. Hindi ako makapaniwalang buhay ang kakambal ko.

* END OF FLASHBACK *

" Anong ngini-ngiti mo diyan?"

Nabalik ako sa realidad noong marinig ko na may magsalita, Tiningnan ko siya sa pamamagitan ng repleksyon niya sa salamin.

" Wala naman, ate Cassie. Masaya lang ako na andito ka," nakangiting turan ko sa kaniya. Ibinaba ko ang hawak kong suklay at hinarap siya.

" Ako din. Finally I can get back everything," nakangiting turan niya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay may kakaiba sa ngiti niya pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

" So, tara na?" Tanong niya sa akin. Saka ko lamang naalala na sasamahan niya pala ako sa school since gusto ko siyang ipakilala kay Caleb at Ken.

" Ah, oo. Tara na," saad ko saka kinuha ang bag ko na nasa kama at umangkla sa kaniya.

Sabay kaming lumabas ng bahay. Ipinagdrive kami ng driver naming since si Dad and Mom ay umalis na para asikasuhin yung sa puntod ni ate Cassie. Maglalabas din ata sila nang announcement as CEO about sa pagpapakitang muli ni ate Cassie.

" Ate Cassie, you stay here muna ah. Pupuntahan ko lang si Ken," turan ko sa kaniya nang makarating na kami sa parking lot ng school namin.

" Sure, I cannot wait to finally meet him again," saad ni ate Cassie.

" Ha?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

" I m-mean, diba nandun siya sa birthday mo kahapon?" Medyo nautal siya ngunit naging compose din agad.

" Ah, yeah. " Kibit-balikat kong sagot sa kaniya.

" You should go na," Turan nii ate Cassie. Tumango na lamang ako saka lumabas ng kotse.

Paglabas ko sa parking lot ay agad kong tinungo ang classroom namin upang hanapin si Ken ngunit bigo ako sapagkat tanging si Caleb at Rhea lamang ang nakita ko roon. Agad ko naman silang nilapitan.

" Nasaan si Ken?" Tanong ko kay Caleb pagkalapit ko sa kanila. Tila naman nagulat silang dalawa sa biglaang pagsulpot ko.

" Andito ka na pala, beshy. Si Ken? Wala pa siya eh," Tugon ni Rhea noong makabawi na siya sa gulat.

" Hindi ba kayo magkasabay?" Tanong ko kay Caleb.

" Well, ang sabi niya kasi is may dadaanan lang daw siya kaya mauna na ako. Pero baka nasa gym na naman yun at pinatawag ni coach. Alam mo na ball captain duties," kibit-balikat na sagot naman ni Caleb.

" Oh, puntahan ko lang,"

Hindi ko na hinintay na sumagot sila at agad ng tumakbo patungo sa gym. Knowing ate Cassie kasi ayaw niya na masyadong naghihintay. Baka ayawan niya si Ken if tumagal ako na dalhin siya kay ate. Pagdating ko sa gym ay hindi ko rin nakita si Ken kaya naman nilapitan ko na lamang ang coach nila.

" Good morning po, Sir. Wala po ba dito si Ken?" Magalang kong tanong sa kaniya.

" Oh, Miss Alcanatara, ikaw pala yan. Wala siya rito eh. Mamayang hapon pa ang training nila," paliwanag naman sa akin ng coach nila.

" Ganun po ba? Marami pong salamat." Yumuko muna ako upang magpaalam bago ako umalis ng gym.

Nasaan kaya yun? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at sinubukan siyang tawagan ngunit out of coverage area ang line niya. Hmm, maybe sa susunod ko na lamang siya ipakilala kay ate Cassie since he was not here naman sa campus. Nagsend na lamang ako ng text message kay Ken kung nasaan ba siya at saka ko napagdesisyunan na bumalik na sa parking lot para rin makauwi na si ate Cassie.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba habang papunta ako sa parking lot. I felt like may bigla na lang aatake sa akin out of nowhere. Though alam ko naman na yung mga kumidnap sa amin ni ate Cassie ay nakakulong na. Pati na rin yung mga kalaban ni daddy sa business na sila ring mastermind sa kidnapping. Huminga na lamang ako nang malalim at pilit na iwinaksi ang ganoong kaisipan. Napangiti naman ako nang makita ko si ate Cassie pero nagtaka naman ako na magkasama sila ni Ken. Nakilala niya na agad si Ken?

" Do you love her? Or you just love her because we exactly look the same?" rinig kong tanong ni ate Cassie kay Ken. Wait? Ako ba ang pinag-uusapan nila?

" Cassie, stop," ma-awtoridad na turan ni Ken. Teka, nag-aaway ba sila.

" Cassie? You never called me like that," mapaklang ngumiti si ate Cassie. Teka magkakilala ba sila?

" Uulitin ko ang tanong Ken. Mahal mo ba talaga siya o nakikita mo lang ako sa kaniya?" Tila huminto ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang tanong na iyon ni ate Cassie.

" Sandra,"

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon