KABANATA 24: SEE YOU?

38 4 0
                                    

ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong nakangalumbaba sa desk ng chair ko dahil sa boredom ko sa History class namin. Bukod kasi sa History na nga ang subject namin ay para pang lullaby ang boses ng teacher namin. Bumuntong hininga ulit ako dahil sa boredom na nararamdaman ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita ko na malapit na pala ang uwian kaya itinuon ko na ang mga mata ko sa discussion ni Sir.

" Class dismissed. " wika ni Sir saka lumabas ng classroom

Tumayo naman ako sa upuan ko saka nag unat unat bago ko inayos ang mga gamit ko at saka hinarap si Rhea para yayain ng umuwi dahil super Nakakapagod din ang araw na ito at saka medyo masakit pa rin paa ko pero umimpis naman na ang pamamaga nito.

" Let's go. "' wika ko kay Rhea at Caleb

" Sige, tara na. " wika naman ni Rhea

" Hiwalay muna ako sa inyo girls ha, puntahan ko lang si Ken. See you tomorrow Alexa and you too pangit. " wika nito saka tumakbo paalis

Buti na lang ginawa niya yun dahil for sure yari talaga siya kay Rhea. If hinahanap niyo si Ken, wala siya sa class dahil nagpapraktis pa rin siya para sa pageant. Ako naman ay excuse ngayon dahil nga sa nangyari sa paa ko.

" Argh! Nakakainis talaga ang mokong na iyon. " nabubwesit na wika ni Rhea kaya tumawa ako

" At anong nakakatawa beshy?! " kunyaring pagalit sa akin nito

" Diyan nagsimula ang lolo at lola ko. " natatawang wika ko sa kaniya

" Duh! Never as in N-E-V-E-R ! Saka mas pogi pa si Sebastian kesa sa kaniya. " wika naman nito

" Ano na beshy, ilang taon na yang nararamdaman mo, move on ka na kay kuya. " seryoso kong wika sa kaniya

Nag – iba naman ang itsura nito at saka natahimik. Oops, mukhang masakit yung nasabi ko ah.

" Sorry. " puno ng paumanhin kong turan sa kaniya

" Okay lang, tanggap ko naman eh. Na gaya nang lesson natin kanina sa Math about asymptote, never din kaming magtatagpo ng nararamdaman ng kuya mo. " malungkot na wika nito

Niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. Childhood crush niya kasi si kuya hanggang sa naging deep na ang nararamdaman niya rito. Pero si kuya, di niya talaga napapansin yung feelings sa kaniya ni Rhea.

" Pasama naman sa yakapan niyo. " wika ni Caleb

Kaya naman napakalas kami sa pagkakayakap at doon ay nasilayan ko ang nakangiting si Ken. Aish, matunaw ako niyan ! Namula naman ako sa naisip ko jusko

" Aray ! "

Nabalik ako sa katinuan nung humiyaw si Caleb. Mukhang nasapak ito ni Rhea.

" Oh ano ka ngayon?! Sinong panget ha? " nakangising wika ni Rhea

" Ket sapakin mo ako, panget ka pa rin. " wika ni Caleb saka tumakbo

At nagpaikot – ikot ang dalawa sa habulan nila. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang may hawak na walis tambo na si Rhea at ang tawa ng tawang si Caleb. Nakalimutan siguro ni Rhea na athlete si Caleb kaya for sure siya lang ang mapapagod.

" How's your day? " wika ni Ken kaya naman napabaling ako sa kaniya na kasalukuyang nakasandal sa pader.

" Teka, bakit ang pogi niya ngayon. " wika ko sa isip ko kaya naman napamental face palm na lang ako sa iniisip ko.

" Okay naman. Masaya " nakangiti kong turan sa kaniya

" Really? Kahit wala ako? " wika nito

" Sira, bakit pala andito ka? Hindi ba hanggang 7 pa ang praktis? " pag – iiba ko nang usapan at baka kung saan pa mapunta

" Oo nga, nagpaaalam lang ako na ihahatid kita kaya andito ako. " wika niya sabay lapit sa pwesto ko at kinuha ang bag ko

Napataas naman ako nang kilay sa sinabi nito.

" Kaya ko naman saka susunduin naman ako nang driver namin, sana di ka na nag – abala. " wika ko sa kaniya

" Hindi ka abala para sa akin. " wika naman nito nang nakangiti

Napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya dahil ramdam ko ang kilig sa buong katawang ko. Ano kaya pinakain sa akin ng lalaking ito at ganito ang epekto niya sa akin.

" Tara na para makabalik ka dun. " wika ko sa kaniya na hindi ibinabalik ang atensyon ko sa gawi niya.

" Sige tara na. " wika niya

Napapitlag naman ako sa gulat nang hawakan niya ang bewang ko. Agad ko namang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa bewang ko.

" Okay lang ako, kaya ko. " wika ko sa kaniya

" Aalalayan lang kita, wala akong ibang gagawin. " wika naman nito

" Okay lang talaga ako. Saka di ako sanay. " naiilang kong wika sa kaniya

" Ganun ba? Sigurado ka ba na kaya mo talaga? " tanong naman niya sa akin

" Oo saka I know naman na when I fall, sasaluhin mo din ako. " wika ko sa kaniya

" Sabihin mo sa akin kasi ready naman ako na saluhin ka anytime. " wika nito saka kumindat

Napikit na lang ako nang marealize ko na parang double meaning pala ang sinabi ko.

"Aish puro ka kalokohan, tara na nga. " pagalit ko sa kaniya kaya nagsimula na ako maglakad.

" Ano? Diyan na lang ba kayo or ipapadala na namin kayo sa simbahan? " pang – aasar ni Ken kay Rhea at Caleb

Nakabusangot naman si Rhea na lumapit sa pwesto namin at mukhang pagod na pagod habang si Caleb ay tawa pa rin ng tawa. Pinagmasdan ko kung paano niya tingnan si Rhea and I just smell something fishy about it.

" Tara na nga, nakakainis kasi ang isa diyan. " nakabusangot na wika ni Rhea

" Tara na. " wika ko saka umangkla sa braso ni Rhea

Nagsimula na kaming bagtasin ang daan papunta sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang sasakyan ni Caleb at doon na rin ako nagpasundo sa driver namin.

" Hindi ka ba sasabay sa akin? " tanong ni Caleb habang nakaharap kay Rhea

" Ayaw ko. " wika nito saka umirap

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig ko. At bakit may pagsabay na nagaganap?!

" Okay, madali lang naman ako kausap. " wika nito

" Oh pano, mauna na ako sa inyo. Bye bye Alexa. Hintayin na lang kita sa apartment bro. " dagdag pa niya saka sumakay ng kotse niya at pinaharorot ito paalis.

Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha ni Rhea at bahagyang pag nganga nito.

" Pakipot ka pa kasi. " wika ko sa kaniya

" Tsk, kala niya naman magkakandarapa akong umu-oo sa kaniya. " naiinis niyang wika

" Ganun lang si Caleb but he is good man. " wika ni Ken

" Good man naman pala daw. " sigunda ko naman sa sinabi ni Ken

" Tse, pinagtutulungan niyo pa akong dalawa. " nakasimangot na wika ni Rhea

" Sa akin ka na sumabay. Ihatid ka na lang muna namin bago dumiretso sa bahay. " wika ko sa kaniya

" Yay, you are really the best bestfriend. " wika nito saka ako niyakap.

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Ken sa kakornihan namin ni Rhea kaya inirapan namin ito. Maya – maya ay dumating na ang susundo sa akin. Nauna nang pumasok si Rhea sa kotse at ako naman ay humarap na kay Ken upang kunin ang gamit ko.

" Una na kami. Thank you sa paghatid here sa parking lot. Balik ka na doon sa practice. " nakangiti kong wika pagkatapos kong kunin yung mga gamit ko sa kaniya.

" Sure, ingat kayo. See you. " wika nito

" See you? " nagtatakang tanong ko sa kaniya

" Ah wala, sige na, una na ako. " wika nito saka tumakbo sa direksyon papunta sa gymnasium.

Napakibit balikat na lamang ako saka pumasok sa kotse.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon