KABANATA 16: NEW PROBLEM?!

53 5 0
                                    


ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong nasa veranda upang magpahangin ng biglang may kumatok sa pinto ko. Nilingon ko naman ito at iniluwa noon si Rhea, Caleb at Ken

" Antagal niyo naman" pagalit ko sa kanila

May usapan kasi kaming gagawa ng project ngayon since magiging busy kami ni Ken sa pageant. Ang usapan namin ay alas dos ng hapon pero alas tres na sila dumating.

" Eh pano kasi tong si panget, antagal kumilos. Biruin mo ala una nandun na kami sa bahay niya tapos natutulog pa tsk tsk. " halata ang inis sa boses ni Caleb

" Eh pano kasi sabi ko 1:30 kayo pumunta ang aga niyo,nasira tuloy beauty sleep ko. " nakangusong turan naman ni Rhea

Napadako naman ang tingin ko kay Ken na kasalukuyan din palang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya saka inawat yung dalawa na parang aso't pusang nag aaway sa kwarto ko

" Tumigil na kayong dalawa. Ganyan nagsimula ang love story ng lolo at lola ko. " sabi ko

" NEVER" sabay naman nilang sigaw na ikinatawa naman namin ni Ken.

Nagsimula na kaming gumawa ng project. Bale, nasa kwarto sila Rhea at Caleb, habang nasa veranda naman kami ni Ken. Pinaghiwalay ko na kasi sobrang gulo ng dalawang iyon. Lumapit naman sa akin si Ken

" Hey, " panimula niya

Tiningnan ko lamang siya na may pagtatanong sa aking mga mata

" I am just wondering, may sinabi ba ako sa iyo habang natutulog ako sa clinic last time? " tanong niya

" Ahh, wala naman " pagsisinungaling ko

Gustuhin ko mang itanong sa kanya kung sino si Sandra ay wala akong lakas ng loob upang marinig ang sagot niya. Tumango naman ito at bahagyang nagbuntong hininga.

" Buti naman, tara gawa na tayo. " sambit niya

Tumango na lang ako at nagsimula na gawin yung part ko sa project habang iniisip pa din kung sino ang Sandra na tinatawag niya sa clinic nung nakaraang araw.

SOMEONE'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng babaeng pinakamamahal ko. Tahimik kong pinagmamasadan lamang ito habang nakikita ko ang tawa at ngiti niya kasama ang lalaking yun na dati ay sa akin lamang niya nakukuha. Masakit man pero di ko na ata deserve ang bumalik sa kaniya lalo pa at mukhang masaya na siya sa iba.Tiningnan ko langsiya sa huling pagkakataon at pumunta na ng kotse at nagmaneho papunta sa condo na binili ko. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita siya

" Oh? Parang nakakita ka ata ng multo? Wala bang long time no see diyan? " sambit niya

" Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pa bumalik? " tanong ko

" Why? The last time I checked free country naman ito at hindi ako nabanned. " sagot niya

" Nababaliw ka na ba? Ano na naman ang dahilan bakit ka bumalik dito? " marahas kong tanong sa kaniya

" Why? Namiss ko lang naman ang pamilya ko. " nakangiti niyang tugon

" Matagal ka nang burado sa pamilya na iyon. Patay ka na para sa kanila. " asik ko sa kaniya

" Hindi totoo yan, alam kong matutuwa sila pag nalaman nilang buhay ako. " confident niyang turan sa akin

" Masaya na sila kahit wala ka. Nakamove on na sila. Wag ka nang bumalik. " sambit ko

" Sino ka para pagbawalan ko? You are just a loser same as her. Pagsisihan niya na di niya ako naligtas ng panahon na iyon. Babawiin ko lahat ng akin tandaan mo yan! Lahat lahat. Wala akong ititira ni isa sa kaniya. Her life, her happiness. I will destroy it. " galit na galit niyang wika

Saka niya ako itinulak na nagpaupo sa akin sa sahig. Nilingon niya ako muli at binigyan ng nakakilabot na ngiti sabay sabing,

" Kung ako sa iyo, tulungan mo na lang ako. Kung hindi, sisiguraduhin ko na sisirain ko siya hanggang sa mas naisin niyang mamatay. " at saka siya umalis

Kailangan kong mabalaan si Alexa tungkol dito pero paano? Paniniwalaan niya kaya ako despite sa nangyari sa aming dalawa? Iwinaksi ko sa isip ko lahat ng katanungan ko. Basta ang alam ko lang gagawin ko lahat maging safe lang ang babaeng pinakamamahal ko lalong lalo na sa taong iyon.

ALEXA'S POV

Nauna ng umalis si Rhea at Caleb dahil may dinner daw ang kanilang mga pamilya. I really smell something fishy sa dalawang iyon . Maya-maya ay nagpaaalam na din sa akin si Ken na uuwi na din siya kaya naman naisip kong ihatid siya hanggang sa kotse niya.Palabas na kami ni Ken ng bahay nang may mapansin akong kotse na papaalis na.Bakit parang kilala ko ang kotse na yun?

" Hey, are you okay? " tanong niya sa akin

Nilingon ko naman siya at sinagot. " Yes, parang familiar lang sa akin yung kotseng dumaan. Di ko lang matukoy kung kanino. "

" Baka kapareha lang. " sagot niya sa akin

" Siguro nga. " wika ko

" Oh pano, mauna na ako sa iyo. " pagpapaalam niya

" Sige, mag-ingat sa pagdadrive" sabi ko

Tumango naman siya at pumasok na sa kotse niya. He started his engine already kaya tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bumisina siya kaya napalingon ako.

" Nga pala, bago ko makalimutan. May practice tayo para sa pageant bukas. " wika niya

" Okay. " nakangiti kong sagot kahit medyo kinakabahan ako

" Sige, alis na ako. Good night. " nakangiti niyang paalam sa akin

" Good night. " sagot ko

Sinara na niya ang bintana ng kotse niya at saka pinaandar ito. Nanatili ako sa aking pwesto hanggang sa hindi ko na makita ang kotse niya. Tumalikod na ako at pumasok na ng bahay. Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa higaan ko at humiga. Tumitig ako sa ceiling, Hmmm....ano kayang mangyayari sa practice namin bukas?

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon