KABANATA 20: THUG OF FEELINGS

45 6 0
                                    


ALEXA'S POV

*kring kring *

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Nakatulog pala ako kakaiyak dito sa mini office ko dahil sa nangyari kanina. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko na makita ko na may mahigit 30 missed calls mula kay Ken. Matagal siguro akong nakatulog. Dumiretso ako sa banyo at inayos ang mukha ko. Ang pula ng mga mata ko hays, iniyakan mo na naman siya. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik na ako sa room. Katatapos lang ng class namin so lunch break na kaya naman palabas na ang mga estudyante. Pumasok na ako sa room para kunin ang bag ko, nung nagpaaalam kasi ako kay Ma'am di ko naman dinala bag ko. Naabutan ko dun si Caleb at Rhea na kapwa may pag-aalala sa kanilang mga mata.

" I am okay " pilit na ngit ko sa kanila

" Are you sure? How about you go home? " tanong ni Rhea

" Di pwede, may practice kami sa pageant eh. " sabi ko

Iginala ko ang mata ko pero bigo akong makita ang hinahanap ko. Asan kaya yun?

" Wala si Ken, kanina ka pa niya hinahanap. " wika ni Caleb

" I see, lowbat na ako eh, di ko na sya matawagan. " sabi ko habang bumubuntong hiniga

" Ako na lang tatawag sa kaniya, dito muna kayo para sabay sabay na tayo kumain ng lunch. " sabi ni caleb and he excuse himself.

Umupo muna ako sa upuan ko. Tumabi naman ulit sa akin si Rhea saka niya ako niyakap. Pinigilan ko ang mga luha ko na lumabas sa aking mga mata.

"He is not worth it Alexa; your tears are pressure. Be brave. "Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.

Since wala pa naman si Ken at Caleb ay nag-usap lang kami ng random things ni Rhea para aliwin ang aking sarili. Maya – maya ay biglang nanahimik si Rhea. Sinundan ko ang tingin niya, di na ako nagulat ng makita siya. Hinawakan ni Rhea ang mga kamay ko. She knows everything sa naging desisyon ko noon at sa sakit na naranasan ko dahil sa una at akala kong huli kong pag-ibig.

" Pwede ba tayong mag-usap? " mariin niyang tanong sa akin

Tumayo ako at kinuha ang bag ko at sinenyasan si Rhea na labas na kami. Nilagpasan ko na si James pero napatigil ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Inis ko siyang tiningnan.

" Wala tayong dapat pag-usapan. " malamig kong turan sa kaniya

" You know that we have lots of things to talk especially us. " seryosong tugon ni James

Napangisi ako sa huling mga salitang sinabi niya. Ang kapal din talaga ng mukha niya.

" Well, wala akong oras para sa iyo. At about us? Matagal ng tapos ang tungkol sa ating dalawa. " pinatapang ko ang boses ko

" No, I know you still love me. " full of confidence niyang wika

" Nababaliw ka na. Move on James. At sa tingin ko hindi magugustuhan ng boyfriend ko kung di mo pa rin ako bibitawan " sabi ko sa kaniya, well half lied yun but so what.

" Really? Anong pangalan ng imaginary boyfriend mo? Akala mo ba hindi ko alam na wala kang jowa ngayon. " nakangisi niyang turan sa akin

" Outdated ka na kung ganun, now bitawan mo na ako. " malamig kong turan sa kaniya habang sinasamaan siya ng tingin

" Ngayong hawak na kita, tingin mo ba bibitawan pa kita? " wika niya na kinaasar ko

Alam ko na double meaning ang sinabi niya. Napalingon ako sa taong humawak ng isa ko pang kamay.

" Love" wika ko na sakto lang para marinig ni James

Blanko ang ekspresyon ni Ken. Tiim niyang tiningnan si James

" Kung ako sayo bibitawan ko na si Alexa. " malamig niyang turan dito

" Eh kung ayaw ko?! " nakangising wika ni James

" Di ko na ulit to sasabihin sayo kaya makinig ka. Bitawan mo ang girlfriend ko. " mariin niyang wika kay James

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni James. I see in his eyes the pain.

"Why James? Bakit pinahihirapan mo pa tayong dalawa?" tanong ko sa aking isipan

Dahil sa pagkakaluwag ng pagkahawak ni James ay hinatak ako ni Ken kaya nabitawan na ako ng tuluyan ni James. Hinayaan ko lang n ahatakin niya ako dahil gulong-gulo na din ang isip ko. Tumigil na rin kami ilang sandali. Pinagmasdan ko ang paligid, nasa likod kami ng building. He gave me a handkerchief. Dun ko narealize na umiiyak na naman ako.

" Do you love him? " parang nahihirapang tanong niya sa akin

Nabigla ako sa tanong niya. San naman yun nanggaling?

" Well I guess, silence means yes. " mapait niyang turan

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko nang magsalita siya ulit.

" I want us to be real. " wika niya habang diretso na nakatingin sa mga mata ko na may pagsusumamo

Wait? What? Does it mean he likes me too? Este anong too Alexa, you are not inlove with him. You just ano. I sighed; I gave up to you self. Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Aaminin ko na na pinapasaya niya ako pero natatakot pa ako. Gusto ng puso ko pero ayaw ng isip ko.

" Ano kasi " nauutal kong wika sa kaniya

" Wag ka mag-alala, di ko pa naman kailangan ng sagot ngayon. " nakangiting turan niya kahit may lungkot sa mga mata niya

" Ehem! " sabay kaming napatingin sa boses na narinig namin

Dun ay nakita ko ang nakangising si Caleb at kinikilig na si Rhea. Seriously?! Kanina pa ba sila diyan

" Well, sorry lovebirds or kung ano man ang label niyo ngayon pero nagugutom na po kami baka lang naman gusto na niyong kumain? " natatawang tanong ni Caleb kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Ken

" Oo nga, tara na kasi. " wika ni Rhea na nakangisi sa akin.

Tumalikod na ang dalawa at saka nagsimula na maglakad. Nagsimula na ring maglakad si Ken kaya hinatak ko siya na nagpalingon sa kaniya. May pagtatanong sa kaniyang mga mata

" Give me some time. " wika ko saka ko tinakbo sila Rhea.

Di na ako lumingon kasi di ko alam magiging reaksyon niya pero ako heto nakangiti. Well, I guess I also like my fake boyfriend.

KEN'S POV

" Give me some time. " wika ni Alexa saka tumakbo papunta kila Rhea

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nun, may pag-asa ako sa kaniya? Tumakbo na din ako sa direksyon nila at sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumain.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon