KABANATA 41: CAMPING

31 1 0
                                    

ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nakatulala sa ceiling ng kwarto ko. Sabado naman ngayon kaya okay lang naman siguro na tumulala muna ako para i-proseso ang nangyari nitong buong linggo sa buhay ko. Aaminin ko na nagkaroon ng malaking espasyo sa pagitan namin ni Ken dahil sa pagtatapos ng pekeng relasyon namin. Idagdag mo pa na pati pagkakaibigan naming apat ay naapektuhan ng paghihiwalay naming dalawa. Hayss,

" Hindi ko alam kung mauunang pumuti yang mata mo o matunaw yung ceiling na kanina mo pa tinititigan, "

Natigil ako sa pagtulala at agad na napabalikwas ng bangon dahil sa narinig ko. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa panggugulat niya, ngunit nginitian lamang niya ako. Tsk!

" What? Buong weekends ka na lang ba magmumukmok diyan? " nakangising turan ni Rhea.

" Pwede rin naman, " sarkastiko kong sagot sa kaniya.

" Boring, " mapang – asar na komento niya saka lumapit sa kama ko at umupo.

" Bakit ka na naman ba nandito? " pagsusungit na tanong ko sa kaniya.

" Aray ha! Parang di mo ko bestfriend ah. For your information lang ha, pumunta ako dito para kamustahin ka tas gaganyanin mo lang ako, " nakangusong turan nito.

" Okay lang naman ako, Rhea. Salamat sa concern mo. " nakangiting turan ko sa kaniya.

" Alam mo totoo talaga yung kasabihang makakapagsinungaling ang bibig pero hindi ang mga mata, " komento naman niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

" Magiging okay din naman ako, " mahinang turan ko sa kaniya

" Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo? " tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya saka bumuntong hininga.

" Pareho kaya huwag ka na magtanong diyan, " inis na sambit ko sa kaniya.

" Haynaku Alexa, bakit kasi di mo na lang aminin sa kaniya yang nararamdaman mo? " tanong niya.

" Para saan pa? Tinapos na nga niya yung pekeng kami. Pasabi sabi pa siyang mahal niya ako. Tsk, imbes na ang marinig ko sa kaniya ay liligawan niya ako, aba talagang nakapaghiwalay, " mahabang sentimento ko, pero ang loka ay tinawanan lamang ako.

" Kasi naman ikaw, in denial ka masyado. Huwag mo na masyadong isipin yun si Ken, samahan mo na lang ako, " masiglang turan ni Rhea.

" Saan na naman? " kunot noo kong tanong sa kaniya.

" Camping tayo, " parang batang turan niya saka hinawakan ang kamay ko.

" Hmm, pwede naman since sa Wednesday pa naman ang resume ng class natin, " pagpayag ko rito.

" Yown, itetext ko lang si Caleb, " turan nito saka tumayo pero agad ko ding hinawakan ang braso niya kaya naman napalingon siya sa akin na may pagtataka.

" Wait, kasama si Caleb? " tanong ko sa kaniya upang masigurado kung tama ang narinig ko kanina.

" Oo naman, barkada outing, " turan niya.

" You mean, kasama din si Ken? " tanong ko muli sa kaniya.

" Of course, we are squad, right? " sagot naman niya na nagpanganga sa akin.

" H-hindi na pala ako sasama, " pagtanggi ko sa kaniya.

" What? No, di ako papayag na di ka sasama. " turan niya sa akin saka umupo muli sa kama ko.

" C'mon Rhea, andun naman si Ken at Caleb, for sure magiging masaya naman kayo, " pagkumbinsi ko sa kaniya na hayaan na akong hindi na sumama.

" Ayaw! " mariin niyang turan.

" Saka, hahayaan mo ba ako na mag – isang babae tapos dalawang lalaki ang kasama ko? " dagdag na tanong niya saka ngumuso at nagpa-cute sa akin.

" They are gentleman kaya alam ko na wala silang gagawin sa iyo, " tugon ko sa agam – agam niya kaya naman sumimangot ito.

" Sige na kasi, sumama ka na para naman makumpleto tayong apat. Puro ka kaya iwas kay Ken sa school kaya pati friendship nating apat nagkakalabuan na. " komento nito na tila ba nais niya na ma-guilty ako sa nangyari.

" Ayun na nga ang punto ko. Masyado pang awkward ang lahat ngayon dahil fresh pa yung nagyari sa amin. It is not a good idea na pagsamahin niyo kaming dalawa, " paliwanag ko naman sa kaniya ngunit tila hindi pa rin siya titigil.

" Hiwalay na nga kayo ni Ken tapos pati ba naman grupo natin, magbaba-bye na rin? " malungkot na turan nito kaya naguilty naman ako. Tama naman siya sapagkat relasyon lang naman talaga namin ni Ken ang natapos, hindi yung pagkakaibigan naming apat.

" Fine, " wala na akong nagawa kundi pumayag na lang din.

Sabi nga ng iba, if you cannot save the relationship, at least, save the friendship. Saka mas maganda na rin na lumanghap ako ng sariwang hangin sa campsite kaysa magmukmuk dito sa long weekend. Agad naming umaliwalas ang mukha ni Rhea dahil sa narinig niya.

" Sura na yan ha, wala ng bawian, " turan nito saka sinimulang yugyugin ako.

" Beshy, stop! Oo na, wala na pong bawian, " sagot ko sa kaniya.

" Let us do pinky promise, para sure talaga ako na hindi ka aayaw kapag last minute na, " turan niya saka tinaas ang kaniyang pinky finger.

" Para kang bata, " komento ko sa ginagawa niya.

" Sssh, just do it para matapos na, " sambit niya muli. Umiling iling na lamang ako saka nagpinky promise. Hayss, how childish this girl talaga.

" Relax ka muna diyan, Beshy. Tatawagan ko lang si Caleb to confirm kung napapayag niya na si Ken, " turan nito saka ako kinindatan.

" Ewan ko sa iyo, doon ka na nga, " pabiro kong pagtaboy sa kaniya pero inasar lamang niya ako saka tumakbo papunta sa veranda.

Napabuntong hininga naman ako pag – alis niya. Mayroong parte sa puso ko ang humihiling na sana hindi na kumbinsi ni Caleb si Ken na sumama pero mayroon din naming parte sa puso ko ang umaasang sumama si Ken upang muli ko siyang makita. Hay, ano kaya talaga ang mangyayari sa camping namin. Maging awkward kaya kaming dalawa pero mukha namang okay na siya eh. Sabagay, peke lang naman kami eh. Aish! Napailing na lamang ako sa mga tumatakbo sa isipan ko, bahala na sa campsite kung ano mangyayari.

UNKNOWN'S POV

" Oh, isa itong himala! Bakit ka napatawag? " di makapaniwalang sagot ko sa kaniya.

" Hiwalay na sila, " turan niya, saka pinatay ang tawag.

Imbes na mainis ako sa pagpatay niya sa tawag ng ganun-ganun lang ay napahalakhak ako. Tingnan mo nga naman, mukhang umaayon sa akin ang tadhana.

" Be ready, dear, I am coming back in the day you least expected! "

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon