KABANATA 42: STRANDED

32 1 0
                                    

ALEXA'S POV

" Alexa, kumalma ka nga. Kaloka to! " saway sa akin ni Rhea saka ako hinatak paupo sa bench na kinauupuan niya.

Andito kasi kami ngayon ni Rhea sa campsite na pina-reserve nila ni Caleb. Nauna kaming dumating kaysa doon sa dalawa naming lalaki kaya heto ako at hindi mapakali kung paano ko kakausapin si Ken. Kung paano ko ba dapat siyang pakitunguhan.

" Fix yourself, nasa entrance na daw sila, " turan ni Rhea kaya huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Bahala na mamaya.

Maya – maya ay natanaw na namin si Caleb at Ken. Kumaway naman sa amin si Caleb nang mapansin niya kami saka hinatak si Ken at tumakbo papunta sa kinaroroonan namin. Pinigilan ko ang aking sarili na matawa sa itsura ni Ken ngayon sapagkat mukhang bagong gising pa ito.

" Hi, Alexa. Hi, pangit " bati sa amin ni Caleb na nginitian ko lamang habang binatukan naman siya ni Rhea dahil sa tinawag nito sa kaniya.

" Hi, Rhea " bati ni Ken kay Rhea saka nakipag – apir pa.

" Hi, " bati niya sa akin nang dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ko.

" Hi " tanging nasambit ko habang nagsusukatan kami ng tingin. Ano ba naman to, napaka-awkward naman.

" Ahh, bakit pala tagal niyo ha? " rinig kong komento ni Rhea kaya naman napatingin ako sa kaniya.

" Eh paano ba naman kasi tong si Ken, Tinalo pa ang babae sa tagal kumilos. " nabuburyong na sagot ni Caleb.

" Masakit kasi katawang ko dahil sa training kagabi, palibhasa ikaw di ka na namang sumipot ng training, " pagalit ni Ken kay Caleb saka pabirong sinuntok sa balikat.

" Well, sinamahan ko kasi yung isa diyan na bigla – bigla na lang magyaya ng camping in the middle of school year, " sagot pabalik naman ni Caleb kaya sabay – sabay naming nilingon si Rhea.

" Ano to? Nagtanong lang naman ako, bakit parang kasalanan ko na? " kunyaring naiiyak na turan niya kaya naman natawa na lang kaming apat sa inasal niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag pagtapos kong tumawa. Tingin ko naman ay nawala na ang ilangan sa pagitan naming apat dahil sa birong iyon ni Rhea.

" So, ano muna gusto niyong gawin? " masiglang tanong ni Caleb kaya naman nabalik sa kaniya ang atensyon ko.

" Matulog, " sagot naman ni Ken.

" Boring, " sabay na turan ni Caleb at Rhea kaya naman nagkatinginan sila at sabay na natawa.

" Ano ba recommended na gawin dito sa campsite? " tanong ko kay Caleb at Rhea.

" Well, sabi nung reviews na nabasa ko, may maganda daw na batisan dito. Pwede daw tayong maligo, " na-eexcite na paliwanag ni Rhea. Hmm, that was a good idea.

" Baka naman mamaya, may mga something na lumutang doon, " komento naman ni Caleb

" Ang duwag mo talaga, " pataray na turan ni Rhea kay Caleb.

" Hindi naman iyon ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin baka may lumutang na madumi ganern, " depensa naman ni Caleb kaya di ko mapigilang mapangiti. Bagay talaga sila.

" Ang dumi ng utak mo, no? Hindi daw, crystal clear daw yung tubig sa batisan na iyon. At mayroong kwento ang matatanda na kapag daw ang nag-iibigan ay sabay na lumublob doon sa batisan, hindi na daw sila maghihiwalay, " kwento sa amin ni Rhea. Kaloka tong bestfriend ko, naniniwala pa sa mga kwentong ganun.

" Pero, " sambit ni Caleb pero agad din siyang pinutol ni Ken.

" Malalaman lang natin yan kung pupuntahan natin yung lugar, " seryosong turan nito.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon