KABANATA 44: PAGPAPALAYA

36 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Lumipas ang ilang araw matapos kaming mastranded ni Ken sa campsite at ilang araw na din ang nakakalipas na tila bumalik na kami sa dati lalo na yung samahan naming apat. Masaya ako na kahit papaano ay na-enjoy pa rin namin ang campsite kahit na nahiwalay sa amin si Caleb at Rhea. Kung tutuosin nga ay hindi camping ang naganap dahil magdamag ding umulan noong gabi na iyon.

* Tok, tok, tok *

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng kwarto ko noong marinig ko na may kumatok. Hmm, sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganitong oras. Alas – otso na ah,

" Sandali lang, " sigaw ko saka nagmadaling kunin ang night robe ko sapagkat nakanighties na lamang ako dahil naghahanda na ako upang matulog.

" Anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko sa kaniya pagkatapos ko buksan ang pinto ng kwarto ko.

" Pwede ka bang makausap? " seryosong tanong niya sa akin kaya naman nagtaka ako sa kaniya.

" Sa garden na lang tayo mag – usap. Mauna ka na doon, kukuha lamang ako ng jacket, " sagot ko sa kaniya na tinanguan niya na lang kaya isinara ko ulit ang pinto.

Mabilis kong tinungo ang cabinet ko upang kumuha ng jacket saka agad ding bumaba papunta sa garden. Bago ako tuluyang pumunta roon ay nag – utos muna ako sa maids namin na handaan kami ng makakain ni James. Yes, tama kayo ng nabasa, si James yung kumakatok kanina.

" Ahem, " umakto akong umubo upang kunin ang atensyon niya sapagkat naabutan ko siyang nakatulala sa kalangitan.

" Andiyan ka na pala, " saad niya saka umayos ng upo. Agad na rin akong umupo sa kaharap na upuan niya.

" Bakit ka pala nandito? " nagtatakang tanong ko sa kaniya

" Di ko rin alam eh. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko, " sagot niya habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Imbes na mailing ako sa mga titig niya ay may iba akong nararamdaman. Masyadong malungkot ang mga mata niya.

" Saan ka ba galing bago rito? " tanong ko sa kaniya upang mas malaman ang dahilan ng kalungkutan niya.

" Sa tagpuan nating dalawa dati, " malungkot niyang saad sa akin.

" James, " usal ko sa pangalan niya sapagkat wala akong masabi.

" Alam mo gustong gusto kitang ilaban. Yung dati kong fiancée, lagi niya akong minomotivate na ilaban ka, sayang lang kasi nahuli na ako ng dating, " garalgal na ang boses niya habang sinasabi iyon.

" James, hinintay naman kita talaga. Sadya lang ng bumalik ka, napalitan ka na niya. " pag – amin ko sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti sa akin sabay sabing, " Kasalanan ko din naman kasi binitawan kita. "

" Hindi mo kasalanan yun. We are really young back then. " saad ko upang maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.

" Kung sabay kaya kaming dumating, ako pa rin kaya ang pipiliin mo? " nagbabaka-sakaling tanong niya sa akin.

" Hindi ko alam, James. At sa totoo lang, hindi natin malalaman kasi nahuli ka ng dating. Pero alam mo, hindi ko siya minahal kasi napagod akong hintayin ka. Minahal ko siya kasi patuloy niya akong tinutulunangang makaahon sa pagkakalugmok ko, " mahabang paliwanag ko sa kaniya.

" M-mahal n-na m-mahal k-kita, " naluluhang saad niya sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

" Mahal din kita, James pero hindi na yung pagmamahal na gaya ng dati. Mahal kita kasi best friend kita noon at naging parte ka ng buhay ko, " malungkot na pahayag ko habang tinitingnan siya sa mata. Pinahid niya muna ang mga luhang pumatak sa kaniyang mata saka pilit na ngumiti.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon