KABANATA 38: MS. CHEATER BEU

29 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hanggang ngayon ay nawiwindang pa rin ako sa mga naganap kahapon. Bukod kasi sa pagkapanalo ko bilang Ms. BEU ay nawindang din ako sa napag-usapan namin ni James.

*** FLASHBACK ***

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagpaaalam na din agad si Caleb at Rhea dahil may kailangan pa daw silang gawin. Samantalang nag-stay naman si Ken kaya ipinahatid ko na lang si Caleb at Rhea sa driver namin.

" Aakyat po muna ako. " paalam ko sa kanila

Tumango lamang sila dahil busy sila magkwentuhan. Paano kasi, si Dad ang kausap ay si James habang si Mom naman ay kausap si Ken. Si Kuya Sebastian naman ay sumama sa paghatid kay Rhea. I smell something fishy sa closeness ngayon ni Kuya Sebastian at Rhea kaso nga lang di ko alam ano mararamdaman ko para kay Caleb.

Tumayo na ako at tinungo ang kwarto ko. Kumuha lamang ako ng oversized na damit at tokong saka dumiretso sa banyo upang maligo. Nalalagkitan na kasi ako sa katawan ko kaya nagpaaalam ako sa kanila.

Makalipas ang dalawampung minuto ay natapos na ako maligo. Oo na, matagal na ako maligo. Nagrelax lang ako sa bathtub, it has been a while since nakapagbabad ako sa bathtub. Paglapas ko ng banyo ay nakarinig ako ng sunod – sunod na katok sa pinto ko.

" Sino yan? " sigaw ko habang kinukuha ang suklay sa cabinet ko

" Ako to. " rinig kong sagot ng kumakatok kaya naman napakunot ang noo kong napalingon sa pintuan.

" Anong kailangan mo? " kunot noong tanong ko

" Can we talk? " sagot naman niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang kanina pang kumakatok.

" Tuloy ka. " pag-aya ko sa kaniya

" Salamat. " nakangiting turan niya

Nginitian ko na lamang siya saka lumakad papunta sa veranda ng kwarto ko. Tahimik naman siyang sumunod sa akin.

" Anong pag – uusapan natin? " tanong ko sa kaniya pagkatapos kong umupo.

" Wife.. " usal niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Kung gusto mong kausapin kita, stop calling me like that. I am not your girlfriend anymore, James. " mataray kong saway sa kaniya. Yeah, si James ang kanina pang kumakatok sa pintuan ko.

" Soon to be. " nakangiti niyang turan sa akin kaya muling tumaas ang aking kilay

" I have heard that you ask my family's permission about courting me. " diretsahan kong turan sa kaniya

" Yeah, wala naman sigurong problema yun lalo na you are in fake relationship with Ken. You do not need someone to be your fake lover if you will have me. " maangas niyang turan sa akin.

" Threatened much? " Nakangisi kong turan sa kaniya

" C'mon, I know you much Alexa. You will never settle for less, especially a fake relationship. " Diretso niyang turan sa akin na parang sampal na din sa akin sapagkat may punto ang sinasabi niya.

" Gusto mo ba akong makausap to insult me and Ken? " tanong ko sa kaniya upang ibahin na ang usapan.

" Not really. Gusto ko lang ilatag sa iyo ang intension ko. Alexa, I love you since we were young and hindi rin nagbabago na ikaw ang gusto kong makasama panghabang buhay. " sinserong turan nito at alam kong totoo ang sinasabi niya sapagkat ganun din ang mensahe ng kaniyang mga mata.

" James, we are not young anymore. Marami na ang nagbago. I am not the Alexa you know anymore. " malungkot kong saad sa kaniya.

" You may be changed because of her death, pero I am sure na the Alexa I knew is still there inside. " turan niya sa akin na marahan ko namang inilingan.

" I do not know if I should believe you. Nasaktan mo na ako at hindi ko alam if kaya ko pang sumagal sa iyo. " pag – amin ko sa kaniya. Marahan niya namang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

" I am sorry if bumitaw tayo sa ating dalawa. But, I am here now, hinding hindi na ako papayag na may makapaghiwalay pa sa ating dalawa. " sinsero niyang turan sa akin habang hinihimas ang kamay ko

" Madaling sabihin yan, James. Pero mahirap panindigan. " seryosong turan ko sa kaniya habang pinipilit na bawiin ang kamay ko.

" Oo, inaamin ko na hindi kita napanindigan noon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Mahal na mahal pa rin kita, mahal mo pa rin naman ako diba? " tanong niya sa akin kaya natigilan ako.

" O mahal mo na si Ken? " muli niyang tanong ng mapansin niyang natigilan ako sa tanong niya kanina.

"James... "

" Alexa! "

Napatayo ako ng narinig ko ang tumawag sa akin. Agad ko ding hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak sa akin ni James.

" Ken " mahinang bulalas ko sa pangalan niya ngunit ang tingin niya ay nakatuon kay James

" Anong kailangan mo? " tanong ko sa kaniya upang kunin ang atensyon niya.

" Magpapaalam sana ako na uuwi na ako. Kaso mukhang nakakaistorbo ako sa inyo. " turan niya saka itinuon sa akin ang atensyon niya

" Ganun ba, ihatid na kita sa labas. " turan ko pero umiling lamang siya

" Hindi na, may pinaguusapan pa ata kayo. Mauna na ako sa inyo. " paalam niya sa amin

Hindi na niya ako hinintay na sumagot sapagkat tumalikod na siya at dali-dali ng lumabas ng kwarto ko. Susundan ko na sana siya ng pigilan ako ni James

" James, let go. " turan ko sa kaniya dahil hinawakan niya ako ng mahigpit

" I cannot and I will not. " makahulugang sagot niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang pag-arangkada ng sasakyan kaya tiningnan ko na lamang ang papaalis na si Ken mula sa veranda ng kwarto ko. Nang hindi ko na matinaw ang sinasakyan niya ay hinarap ko na si James.

" Lumalalim na ang gabi, you should go home. " turan ko sa kaniya

" We are not yet done talking, " sambit naman niya

" Yes, we were. Hindi kita pipigilan sa nararamdaman mo but I will not guarantee you anything. " turan ko rito na nagpangiti sa kaniya.

Loko to ah, I did not give him assurance pero nakangiti pa rin siya.

" Thank you, uuwi na ako. Kita na lang tayo bukas. " masayang paalam nito saka lumabas ng kwarto ko.

Isinara ko na lamang ang veranda ko saka humiga sa kama ko.

*** END OF FLASHBACK ***

Oh diba, sino ang hindi maloloko sa nangyari kagabi. Pero mas naloloka ata ako ngayon sapagkat pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko saka sila magbubulungan. Ano na naman kayang tsismis ang nakarating sa kanila?

Nakita ko na may nagkukumpulan sa bulletin board kaya naman pumunta ako roon. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante kaya lalo kong gustong makita ang nakapaskil doon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung ano ang nakapaskil.

" Ms. Cheater BEU! Anak ng may-ari kaya nanalo. "

Ayun ang nakasulat sa bulletin board habang may pulang ekis mark naman ang mukha ko na kinunan kahapon. Iisang tao lamang ang alam ko na pwedeng gumawa nito kaya naman agad akong umalis doon at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng taong yun.

Gusto niya ng gulo, pwes pagbibigyan ko siya. I am tired of being kind to her just because she is my ex-bestfriend.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon