ALEXA'S POV
Pagkaalis ko ng office ay dali dali ko na ding binagtas ang daan papunta sa principal office. Kinakabahan akong kumatok sa pinto ng principal office ngunit agad din akong napasimangot ng makita ko kung sino ang nagbukas nito.
" Andyan ka na pala " wika niya
" Anong ginagawa mo dito? " inis kong tanong sa kaniya
" I just talked to Tita pero paalis na rin ako since may kakausapin pa ako." Paliwanag niya
Hinarap naman niya ang aking ina na seryosong nakatanaw sa aming dalawa. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaseryosohan ng mukha ni mommy.
" I will go ahead na po Tita. Salamat po ulit. " wika niya
" Sure iho, you take care James " nakangiting wika ni mommy
Yeah, tama kayo ng nabasa. Si James ang nagbukas sa akin ng pinto na labis ko din namang pinagtataka dahil kung pinatawag siya dahil sa nangyari kanina, bakit ako ang pinapatawag ngayon at hindi si Ken?!
" See you around Wife " wika ni James saka ako nilagpasan
Napairap na lang ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng "wife". Kung dati ay kinikilig pa ako sa tuwing tinatawag niya ako ng ganun, iba na ang sitwasyon ngayon. Bumuntong hininga muna ako saka tuluyang pumasok sa office ni Mom at isinara ang pinto.
" You may seat young lady " wika ni Mom saka itinuro ang vacant na upuan sa harapan niya
" Mom, if tungkol ito sa nangyari kanina, wala akong kinalaman doon " pagdepensa ko sa sarili ko
Bakas naman ang gulat sa mata ko ng marinig ko ang pagtawa ni mommy. Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan at maya – maya ay napansin niya ang pagtataka ko kaya naman sinubukan niyang tumigil sa pagtawa sa pamamagitan ng kaniyang pagtikhim.
" Sweetheart, alam ko naman kasing maganda ang nag – iisa kong anak kaya kung nagsuntukan man yung dalawang prinsipe, labas ka na doon. " natatawang wika ni mommy
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. I got nervous for nothing. Overthink pa Lex;
" But if it is not about it, why did you call me? " I asked with full of curiosity
Agad naman akong napalunok ng laway ng biglang nagbago ang mukha ni mommy. Bumalik siya sa pagiging seryoso.
" Well, I just wanna ask if how are you and Ken fake relationship? " seryosong tanong ni mommy
" W-w-what? " nagugulat kong tugon kay mommy
" You seem surprised iha, you tell me about it naman. " natatawang wika ni mommy
BINABASA MO ANG
BLIND DATE | COMPLETED |
Teen FictionThey say mapagbiro ang tadhana. At sa dinami-dami ng taong pwede netong paglaruan tayo pang dalawa. Will we win or we will just be a victim of fate - Alexa We started things wrong, will our ending be right. - Ken Tadhana ang nagsimula ng ating kuwen...