KABANATA 58: WHERE IT STARTED

45 3 0
                                    

ALEXA'S POV

" Sandali lang," kakamot-kamot kong sigaw sa kung sinuman ang kumakatok sa kwarto ko na may balak atang gibain ito.

Napatingin naman ako sa orasan sa side table ko. Lalo akong napakamot ng makita ko na alas-siyete pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang kumakatok na ito? Binilinan ko naman sila manang na huwag na akong gisingin upang sumabay kila mommy sa agahan sapagkat napuyat ako sa kwentuhan namin ni ate Cassie kagabi.

" Sino ba naman kasi yan," reklamo ko habang kinukusot ng kanang kamay ko ang mata ko at ginamit ko naman ang kaliwa kong kamay upang buksan ang pintuan.

" Aba, Alexandra Lim Alcantara! Anong oras na at nakapajama ka pa?!" Tila naman nagising ang buong diwa ko dahil sa lakas ng boses niya.

" Ang aga mo naman mambulabog," komento ko saka naglakad muli papunta sa kama ko at humiga.

" Psh, kung hindi pa sinabi sa akin ni James na nakauwi ka na pala, hindi ko pa malalaman. Talaga bang pinagpalit mo na ako sa kaniya?" maktol niyang muli sa akin.

" Galing ka sa kanila?" inaantok na tanong ko saka pinikit ang mga mata ko.

" Aba malamang. Tumayo ka nga diyan," Saad nito saka hinatak ang mga kamay ko.

" Beshy, napuyat ako kagabi," paliwanag ko naman. Wala na akong nagawa kung hindi umayos ng upo.

" Look at you, your so gross!" nandidiring komento nito sa akin kaya napairap ako.

" Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na bisitahin mo ako nang ganitong oras?" tanong ko sa kaniya saka tumayo upang pumunta sa banyo para maghilamos.

" Well madami pa akong gagawin ngayon kaya dinaanan na kita ng maaga," rinig kong sagot niya sa akin.

Hindi ko muna siya sinagot sapagkat nagsisipilyo ako. Pagkatapos ay binasa ko lang muna ang mukha ko sapagkat hindi ko pa pala nailalabas sa maleta ko ang skin care ko. Nakasimangot naman akong lumabas ng banyo. Antok na antok pa talaga ako.

" At sa dinami-dami ng gagawin mo sa araw na ito, talagang inuna mo akong kulitin," reklamo ko sa kaniya saka umupo sa sofa.

" Well, akala ko kasi may balak akong tulungan ng maid of honor ko on my preparation to my wedding,"

" T-tama ba ang narinig ko?" Nagugulat kong pagkumpirma sa kaniya.

" Yes," Masayang turan nito saka pinakita sa akin ang kaliwang kamay niya na may singsing.

" O-em-gee!" Tili ko dahil sa saya. Agad naman napatakip ng tainga si Rhea dahil sa tili ko.

" Ano ka ba? Maghunos dili ka nga diyan," sita nito sa akin kaya naman napatikom ako ng bibig at nagpeace sign sa kaniya.

" So? Ikaw na ang maid of honor ko ah?" pagkumpirma niya sa akin.

" Of course! Magtatampo ako sa iyo kapag may pinalit ka sa akin no," mabilis kong turan sa kaniya.

" Ikaw nga pinalitan mo na ako eh," maktol naman nito sa akin.

" Sus, selosa yarn. Girl bestfriend kita tas si James ang boybestfriend ko no," paliwanag ko sa kaniya.

" Psh, hindi nga siya dumaan sa akin ng maayos noong niligawan ka niya. Tas kanina nung iniinterview ko tungkol sa relasyon niyo, aba pinalayas ba naman ako," parang batang sumbong nito sa akin kaya naman natawa ako.

" Ay sus, kasi naman palalayasin ka talaga noon. Inuungkat mo pa yung past namin eh," sagot ko sa kaniya.

" Past?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Napapikit naman ako nang maalala ko na hindi ko nabanggit kay Rhea na naghiwalay na ulit kami ni James.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon