" i hate you but I don't want to lose you Yvoree. Siguro, Ganon talaga ang magmahal, pagmahal mo patatawarin mo. Ayoko rin masayang lahat ang mga pinagsamahan natin , ayokong magsimula ulit at magmahal ng iba, gusto ko ikaw lang Yvoree. "
" I admit, marami akong pagkukulang . But even then I never thought of cheating on you"
Dagdag pa nya na syang ikinabagsak ng mga luha ko.
I saw tears fall down from his eyes. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Sobra na yung guilt na nararamdaman ko ngayon, ayoko ng makita silang nasasaktan dahil lang sa akin.
Gusto ko nalang umalis ng walang paalam at wag nalang magpakita sa kanilang dalawa ni Harry.
" I know this sounds crazy, but if I'm begging you to stay . Will you stay? "
Nagtama ang mga mata namin at di ko kayang magsalita. Napayuko nalang ako at lumingo.
Alam kung masasaktan sya sa desisyon ko, pero mas masasaktan lang sya pag pinagpatuloy namin ang relasyon namin at malaman lang nya na hindi ko na sya mahal.
Siguro kong manatili man ako sa kanya , ang tanging rason lang ay ang awa at hinayang ko sa aming dalawa. Masasayahangan ako kasi, dalawang taon na yung relasyon namin, mahaba na ang pinagsamahan namin, minahal ko sya, at sinayang ko lang lahat yun sa isang pagkakamali na hindi ko namalayan na paulit ulit ko na palang nagawa, hinayaan ko lang ang sarili kong magpadala sa tukso. Hanggang sa , nahulog na ang loob ko kay Harry.
" I'm sorry "
Tanging nasabi ko at agad kong binuksan ang pintoan ng kotse nya saka bumaba ako. I have to do this, gusto ko lang naman maging masaya at malaya sa lahat, gawin lahat ng bagay na gusto kong gawin. At dalawang taon akong nag hintay para magawa iyon, pero wala. Huli na ang lahat, dahil di ko na sya mahal.
Di na ako lumingon pa sa kotse nya at naglakad ako pabalik. Umaasang nandon pa si Harry, gusto ko syang yakapin at kahit paulit ulit pa akong hihingi ng patawad sa kanya ay gagawin ko . Pati kay Louis, kailangan ko ring gawin yun ang hihingi sa kanya ng patawad hanggat mapatawad na nya ako. Pero wag na muna ngayon, mag uusap rin kami ulit ni Louis sa tamang panahon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit madilim, wala akong pakialam sa paligid, di ko na naisip ang matakot . Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay lungkot at galit sa sarili ko.
I don't deserve to be love, ganon na ang nasa isip ko ngayon. At di ko mapigilan ang maluha nalang, kahit pa siguro ma ubos ang luha ko ngayon ay di parin mawawala ang nararamdaman kong galit at sakit .
Habang naglalakad ako di ko rin mapigilan na maalala lahat ng masasayang araw namin noon ni Louis twing magkasama kami kahit sa bahay lang.
Napatigil ako ng makita kong nakatayo parin si Harry doon kung saan iniwan namin sya kanina. Di ko namalayan na ang haba na pala ng nilakad ko at umabot ako dito . Nakayuko lang sya at parang umiiyak kaya agad akong naglakad para mas malapit ako sa kanya saka lang sya nag angat ng tingin at nagsalubong ang aming mga mata. Kahit medyo madilim nakikita ko ang mga luha sa pisngi nya.
Kaya napaiyak nalang rin ako lalo.
Dahan dahan naman syang lumapit sa akin habang di nya pinuputol ang tingin sa akin.
" I'm sorry.. please patawarin mo ako Harry "
Nagulat ako ng bigla nalang nya akong niyakap, at naging mahigpit iyon na para bang ayaw na nya akong bitawan.
" Did you come back to apologize? Or because you chose me ? "
Pabulong nyang wika habang yakap nya parin ako. I lost words, parang hindi ako makapaniwala na bigla nalang nya akong niyakap despite of what I did to him.
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
Romance" I'm happier when I'm with you " Warning : 18 above only. . She's satisfied sa relationship nya sa kanyang boyfriend na si Louis Tomlinson, masaya na sya sa piling ng nobyo, kasal nalang ang kulang nilang dalawa dahil alam nyang mahal naman nila...