CHAPTER 18

354 3 0
                                    

I cant speak, and I cant even look at him ..natatakot akong tignan ang expression ng mukha nya..

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ? I cant even think kung ano ang sasabihin ko sa kanya .. kahit ano ang gawin ko nandito parin sya at hindi ko alam kung hanggang kailan ang pasensya nya .. pero sa nakikita ko , parang hindi talaga sya titigil ...

" Yvoree .. "

I force my self to look at him..

" Just stop Harry "

Sabi ko nalang at sabay iwas ng tingin sa kanya..

" no, Yvoree .. look at me and say you dont like me or you do "

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kanya ulit , bakas sa mga mata nya ang lungkot  at pag aalala..

Iniwasan ko na sya pero heto sya at nasa harapanan ko. Bakit nya ba pinipilit ang sarili nya sa akin ? Wala na ba syang ibang babaeng magugustohan ?

" I dont Harry .. "

Yun lang naman ang dapat nyang marinig galing sa akin para iwasan na nya ako. Ayokong saktan ang damdamin nya pero ito ang dapat kung gawin ..

Agad akong humiwalay ng tingin sa kanya nong napakurap sya, ramdam ko ang lungkot sa kanya.. sekreto kong nakagat ang labi ko habang naghihintay na may sasabihin sya ..

Ilang sandali pa ay napatingin nalang ako sa kanya ulit ng bigla syang tumayo at deretsong lumabas ng bahay ng walang paalam, napatitig nalang ako sa may pinto habang nakaupo parin sa sofa dito sa sala habang tanaw syang naglakakad hanggang sa hindi ko na sya makita.

Ba't ba ako nakaramdam bigla ng lungkot?

Napayuko nalang ako at napasandal sa inuopoan ko, Hindi ba dapat kampante na ako ngayon dahil siguro naman iiwasan na ako ni Harry at hindi na kami magkikita pa ulit at hindi na sya mamakalapit pa sa akin ulit ..

Pero bakit baliktad ata yung nararamdaman ko ?

" Yvoree ? "

Napaangat ang tingin ko kay Dad at nagtataka sya kung nasaan na si Harry.

" ahh , umuwi na sya dad gabi na po kasi "

Sabi ko sa kanya , alam ko namang itatanong nya rin sa akin kung nasaan na si Harry .. tumayo nalang ako at hinila sya patungo sa kosina namin ..

" Nagluto ako ng paborito nyo dad , kain na po tayo "

Ngumiti ako sa kanya at napansin kong tinitigan nya lang ako ..

" okay ka lang nak ? "

Umiwas ako ng tingin sa kanya at sa lamesa ko tinuon ang mga mata ko , ganon ba ako ka halata ?

" sino ba yun ? "

Muli akong napatingin sa kanya at umupo na sya sa silya.. umupo nalang rin ako ..

" Si Harry po "

Sabi ko habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko .

" si Harry nga ang pangalan nya , ang ibig kong sabihin anak.. sino ba sya sa buhay mo?"

Napatigil ako at napatitig kay dad , seryoso syang nakatitig lang rin sa akin at hindi pa nya nilalagyan ng pagkain ang pinggan nya ..

" dad .. "

" sagotin mo ako Yvoree, ayokong naglilihim ka sa akin "

Sabi nya at nilalagyan na nya ng pagkain ang pinggan nya ..

Ganito si Dad , hindi ka nya papagalitan pag sasabihin mo lang ang gusto nyang malaman at hindi ka nagsisinungaling sa kanya.. pero kinakabahan ako , ano nalang masasabi nya sa akin ?

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon