Nakaramdam ako ng awa sa lalaking to , at kahit na yayabangan ako sa kanya hindi ko na magawang pagsungitan sya ..
" I planned to have a pool party tonight , and I'm hoping na dadalo kahit barkada ko, but I dont have any Idea kung paano ko gagawin iyon "
Huminga ako ng malalim at may naisip akong paraan para makatulong sa kanya.
" you need help ? "
Napataas ang mukha nya sa gawi ko at kita kong nag aalangan syang tumango pero sa huli ay tumango parin sya sa akin.
" tumayo ka dyan at pag usapan natin ang gagawin sa birthday mo "
Kita kong sumigla ang mukha nya at agad syang tumayo. Kumoha ako ng plastic chair at binigay ko sa kanya para upoan nya. Kaharap ko sya ngayon at mukhang excited syang planohin namin ang gagawin nyang pool party mamayang gabi.
" may budget kaba para sa party mo ? "
Tanong ko sa kanya at agad naman syang tumango..
" alangan naman na magpapaparty ako tapos wala naman pala akong pera para don ? "
Natatawa nyang sabi , at kahit pilosopo sya natatawa nalang rin ako ..
" okay , so what are the foods do you want to prepare ? "
Tanong ko na naman sa kanya , at kumoha ako ng papel at ballpen para e sulat yung mga gusto nyang handa sa party nya.
" uhm , honestly , I dont have any Idea.. pwede bang ikaw nalang ang magsa-suggest non ? "
Napatingin ako sa kanya at tumango nalang . Sinimulan ko ng isulat ang mga pagkaing naisip kong ihanda sa party nya, siguro naman okay na sa kanya yung mga apat na putahi at tatlong putahi ng dessert. Sinabi naman nyang mga barkada lang nya ang dadalo.
" siguro naman kailangan din natin ng balloons and cake ? "
Nag angat ang tingin nya sa akin at mukhang hindi nya gusto ang mga iyon.
" uhm, parang ang pangit naman ata na may ganon pa sa party ko. Baka pagkantyawan lang ako ng mga kaibigan ko"
Natawa ako sa sinabi nya ..
" bakit ka naman kakantyawin ? May birthday party bang walang cake at saka balloons ? Hindi mo feel ang birthday mo pag wala yun , promise .. "
Dahil naramdaman ko na rin iyong pakiramdam na walang mga ganon sa birthday ko , nagsimula lang naman yun ng mawala si mom .. oo at ginagawa ni Louis ang lahat para sa birthday ko pero iba parin pag kasama mo ang pamilya mo , mga kaibigan mo at ang mahal ko .. saka masaya lang .. may balloons and cakes pa .. tapos regalo ..
Noong bata pa lang siguro ako nakakapag handa ng ganon sa birthday ko , ngayon kasi .. wala na. Ibang iba na.
" uhm , okay .. game "
Napatingin ako sa kanya ng magsalita sya at okay lang sa kanya iyong may balloons at cake.
" dont forget wines please "
Sabi nya at nilista ko narin iyon .. ng matapos kong e check ang kailanganin sa party nya ay agad kong binigay sa kanya ang papel na sinulatan ko sa mga ihahanda sa party nya.
" bilhin mo yan lahat "
Nakasulat narin kasi doon ang mga ingredients sa mga foods na ihahanda nya at pati sa desserts..
Tumango sya at tinitigan lang ang papel na binigay ko sa kanya.
" hindi lalabas sa papel na yan ang mga kailangan mo kaya wag mong titigan lang yan dyan , umalis ka na para maka pag handa ka na kaagad "
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
Romance" I'm happier when I'm with you " Warning : 18 above only. . She's satisfied sa relationship nya sa kanyang boyfriend na si Louis Tomlinson, masaya na sya sa piling ng nobyo, kasal nalang ang kulang nilang dalawa dahil alam nyang mahal naman nila...