CHAPTER 31

179 3 2
                                    

I'm surprised that I found us standing in front of this unknown bar club to me. Sure ba si Layla na dito kami mag celebrate ng birthday nya ?

" Layla ! "

Pareho kaming napatingin sa gawi ng isang short hair na babae at may kasama itong dalawa pang babae at tatlong lalaki. Ito na siguro yung tinutokoy ni Layla na mga kaibigan nya. I can say that we're in the same age.

" Hi guys, by the way kasama ko ang amo ko ngayon si Ma'am Yvoree "

Ngumiti ako sa kanila halos sabay naman silang bumati sa akin .

" Sure ka bang dito tayo mag celebrate ng birthday mo Layla ? Alam ba ito ng tatay mo ?"

Pabulong kong tanong kay Layla.

" Opo, nagpa alam po ako ng maayos ni tatay kaya wag na po kayo mag aalala ma'am, saka sinabi ko naman po sa kanya na kasama po kita ngayon "

Nakangiti nyang sagot sa akin, kaya tumango nalang ako at pumasok na kami sa bar club.

Pagkapasok palang namin ay agad bumongad sa amin ang maingay na tugtugin, it's only five in the afternoon at ganito na agad ka rami ang tao sa loob ng bar. Naamoy ko na rin ang mga wine na iniinom nila , but I'm still trying to ignore the smell. Di naman kasi ako sanay sa mga alak at lalong napaka sensitive ng pang amoy ko pag alak.

" Dito po tayo ma'am "

wika ni Layla at tinuro sa akin ang table na may dalawang round na couch. Agad akong umupo sa pinakagilid ng couch at may lumapit sa amin na lalaki na naka uniform.

" May I take your order ma'am sir "

Wika nito, pareho kaming walang imik ni Layla. Halata sa kanya na kagaya ko walang alam sa mga alak kaya ang mga lalaking kaibigan nya nalang yung nag order.

Napatingin ako sa kabilang table na bakante at may dalawang lalaki na kakarating at umupo doon, napatitig ako sa isa na naka sweatshirt dahil familiar yung mukha nya sa akin.

Maybe I saw him somewhere.

Maya maya pa ay may dumating din na dalawang babae, ang sexy ng mga ito at makikinis din parang models. Maybe girlfriends nila ang mga yan.

How i wish makasama ko rin si Louis sa mga ganitong lugar.

" here's your order ma'am sir , enjoy "

Wika nong waiter nila dito at isa isang nilapag ang isang case ng maliliit na beer at sa di ko familiar na alak sa table namin.

Napatingin akong muli sa mga lalaki katabi sa table namin dahil bigla nalang silang nagtawanan at laking gulat ko nalang ng makita si Harry sa grupo nila.

Is that really him ? Or I'm just imagining with him again ?

I blinked my eyes twice to make sure if Im having hallucinations right now. Pero kahit anong gawin kong mag focus ay si Harry talaga ang nakikita ko.

So it's really him!

Napatingin din sya sa gawi ko at halata rin sa mukha nya na surprise din sya na nakita ako dito ngayon.

After what happened to us last time na nagkita kami di ko alam kung anong e rereact ko, papansinin ko ba sya ? Or hindi.

Saglit kaming nagkatitigan when a blond girl sat on his lap. Agad akong umiwas ng tingin ng bigla nalang sila naghalikan.

Why do i feel like I'm jealous ? Gaga ka talaga Yvoree , if only I can bring Louis here too.

Nagsimula na pala silang uminom at ako nalang yung hindi, nakita ko rin na naka half battle na rin sa alak si Layla.

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon