CHAPTER 24

284 6 4
                                    

I heard him sighed on the other line,  I'm mad at him. Kahit isang text lang hindi nya talaga na gawa. Anong klaseng busy ba sinasabi nya, iba nga dyan makapag contact pa kahit gaano sila ka busy. Para sa taong imporntante kahit gaano kapa ka busy makakahanap ka ng time kahit isang minuto lang , pakiramdam ko tuloy hindi ako importante talaga sa kanya.

Gaano nga ba ako ka importante kay Louis ?

" I'm going to sleep. Magpahinga ka na rin"

Oo at tumawag nga sya sa akin pero ngayon lang ba na natutulog na ako?. I want to talk to him pero alam kong kailangan na din nyang magpahinga.

" okay, just sleep then. I'm so tired Yvoree at ayoko sanang makipag away sayo, pero ginagalit mo talaga ako. Nagsorry na nga ako sayo tapos ganyan ka pa makipag usap sa akin "

Napahilamos ako sa sariling mukha dahil naiirita na ako sa kanya, hindi nya kasi ako naiintindihan.

" hindi mo kasi ako naiintindihan, sige magalit ka rin sa akin. Pag uwi mo nalang tayo mag usap ng maayos "

ani ko ..

" I understand you Yvoree, ako lang naman to ang hindi mo naiintindihan. Pinapairal mo na naman yang pagka immature mo. I'm so fucking tired, mas mabuti ngang dyan na nalang tayo mag usap pag uwi ko "

hindi na ako nagsalita pa at binabaan ko sya ng tawag, napabuntong hininga ako at namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Sya pa ngayon ang may ganang magalit sa akin, alam ko namang pagod sya,ang gusto ko lang naman kahit sigundo lang naisip nyang mag text sa akin na nasa Tokyo na sya at safety sya. Hindi nya kasi alam kung ano ang pakiramdam ng naghihintay.

well, ganon naman na siguro ang buhay ko sa kanya.. laging ako iyong naghihintay.

Naghihintay na hindi na kami magtatago pa sa publiko, naghihintay kung kailan ko sya makakasama lagi. There are times na gusto ko nalang sumuko , pero natakot ako baka ako rin ang magsisisi sa huli, I love him.. at totoo pala yung ' too much love will kill you ' nasasaktan ako kahit kami nga pero parang wala lang naman. Nagmahal pa kasi ako ng taong career lang iyong iniisip at priority.

I'm hoping that he will call back pero wala .. galit na galit talaga siguro sya sa akin. Kailan siguro ako maging priority ?

HARRY POV

              After I parked my car I immediately went to the kitchen, I found my friends just sitting there and eating the foods i prepared for Yvoree. Nawalan ako ng gana at gusto kong ihagis lahat ng pagkain nakahain sa lamesa.

" Please throw that foods away Ninang "

sabi ko sa katulong ko na naghuhugas , napatingin silang lahat sa akin at halata sa mukha nila ang pagtataka .

" teka lang bro, kakadating mo lang ipapatamon mo na ito lahat ? hindi ka pa nga kumakain.. ang sarap kaya "

ani Rian pero hindi ko na sya pinansin .

" Ninang I said throw it all away , kung hindi mo pa yan itatapon lahat lalabas ka sa bahay na to at hindi ka na makakabalik pa "

I commanded again and walk away..

nagtungo ako sa pool area ko at iniwan ko ang mga kaibigan kong nakatanga sa akin doon sa kosina. Alam kong susunod din ang mga iyon sa akin dito. I need to relax, nanginginig pa ang kamay ko sa galit at sama ng loob .

Bakit ba lagi nalang nya akong nerereject ? I can feel that there's something on her, like she's hiding something. Wala naman siguro syang boyfriend dahil sinabi nga nyang wala at hindi ko sya nakita na may kasamang lalaki. Kung meron man, ako lang naman iyong laging lumalapit sa kanya at bumibisita sa  kanya.

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon