Napatingin ako sa sarili sa malaking salamin na nasa harapan ko, I can't believe I am doing this right now. Kung maganda naman kalalabasan nito, why not ? Diba ? Maybe, ito na rin yung way pag maging sikat na model na ako, handa na rin kami ni Louis na ipakilala sa buong mundo ang relasyon naming dalawa.
Baka pag maging sikat na model na ako, pwede na iyon para maging bagay na ako sa mga mata ng fans ni Louis.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ng dressing room kaya agad ko itong tinungo at binuksan.
" Ready ? "
Tanong sa akin ng babae na nag make up sa akin kanina.
Tumango agad ako sa kanya, nagbuntong hininga muna ako bago tuloyang lumabas ng dressing room.
Agad na naglanding ang mga mata ko kay Harry na nakatayo lang malapit sa dressing room ng mga babae. Inaabangan nya ba ako? Huminto ako sa harap nya. Pansin ko ang galaw ng mga mata nya na nakatitig sa akin, parang manghang mangha sya na nakita ako.
" You look so good. Kaya lang, di mo ako kasama sa shoot. Bakit ba kasi sumama ka sa lalaking yun ? You can approach me Yvoree if you want to be a model, anytime. But Why him ? "
" Harry, di mo na kailangan pang malaman lahat ng gusto kong gawin sa buhay. We're not even close friends "
Kita ko ang pag kurap sa mga mata nya ..
" What do mean ? So ano pala ako para sayo? All this time, ano pala ang Turing mo sa akin Yvoree ? Dahil ako, I am expecting so much about us. At yan lang maririnig ko sayo ? "
Napalunok ako at napayuko sa sinabi nya. Bakit nasasaktan na naman ako sa mga sinasabi nya ?
" Miss Yvoree ? Your turn "
Agad kaming napatingin sa manager at sinulyapan ko nalang saglit si Harry saka ako sumunod kay manager.
Ng nasa harapan na kaming dalawa ng partner ko, hindi ko maiwasang kabahan, first time ko tong gagawin at kailangan ko tong gawin.
" Okay, listen to me, first shoot tayo, yung boy hawakan mo ang pisngi ni girl habang ang isang kamay mo naman iyakap mo sa beywang nya. Ikaw naman girl, ilagay mo ang mga kamay mo sa dibdib ni boy .. kailangan yung nga tingin nyo, parang inlove kayo sa isat isa .. okay ? "
Agad naman naming inaksyon yung sinabi ni manager at nahagilap ng tingin ko si Harry, ang sama ng tingin nya sa akin
Mas lalo ata akong na stress ..
" Hey, ilagay mo na ang kamay mo sa dibdib ko .. "
Napakurap ako ng magsalita ang partner ko saka pinilit kong mag focus sa gagawin namin. Niyakap ng right hand nya ang beywang ko, saka hinawakan naman ng left side nya ang right cheek ko. Kailangan kong makipag titigan sa kanya.
" Okay yan! Stay still .. okay in one... Two... Three.. click that "
Utos ng manager sa camera man.
" Very good ! Next, tumalikod ka girl saka yayakapin ka ni boy patalikod "
" Fuck! "
Napatingin kami lahat kay Harry ng bigla syang nagmura. Kita kong inirapan lang sya ni manager at pinatuloy ang shoot .. gago ka talaga Harry. Napabuntong hininga nalang ako at di ko na pinansin ulit ang mga titig ni Harry ..
" Okay that's good. Next .. "
Ang dami nyang pinagawa na posisyon sa amin. At lahat naman yun ay sigurado akong maganda rin ang kinalalabasan. I did all my very best para mapakita ko sa kanila na kaya ko, at kahit ilang na ilang na ako sa mga mata ni Harry sa akin na para akong papatayin.
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
Romance" I'm happier when I'm with you " Warning : 18 above only. . She's satisfied sa relationship nya sa kanyang boyfriend na si Louis Tomlinson, masaya na sya sa piling ng nobyo, kasal nalang ang kulang nilang dalawa dahil alam nyang mahal naman nila...