CHAPTER 8

547 5 0
                                    

Medyo na pagod ako sa ginagawa ko, at nakatulong sa akin dahil nababawasan ang lungkot at pagkabagot ko sa araw na ito. Ako lang naman ang nagluto sa lahat ng pagkain na inilista ko para sa party ni Harry , grabe ang cook nila dito parang walang alam sa pag luluto , ano bang niluluto lang nito dito ? Hotdog saka itlog ?

Nakasandal ako sa sink dito sa kosina sa bahay ni Harry habang umiinom ng kape , grabe ang laki din ng bahay nya. At mahilig sya sa black and white na color , halata naman dahil iyon ang color sa bahay nya at wala kang makikitang kahit anong color kundi itim at puti.

Nakatanaw lang ako sa mga katulong ni Harry habang inihahanda ang mga pagkain. The balloons were already set doon sa may pool nya , nilalagyan ko din ng mga maliliit na lights ang paligid para naman may kunting liwanag at with color ang paligid nito .

Pinagmamasdan ko ang cake na nakapatong sa malaking dining table niya, isang layer lang ito pero malaki naman dahil triangle ang shape nito at chocolate ang flavor.

" hey "

Napatingin ako kay Harry na papalapit sa akin kaya agad akong umayos ng tayo.

" mind to join us outside? "

Anyaya nya sa akin , nasa labas na kasi ang iba nyang barkada. At nahihiya akong makipagsalamuha sa kanila. Kaya mas okay na dito nalang ako kasama ang mga katulong nya at nakikinig lang sa mga kwento nito o pinag uusapan.

Umiling ako sa kanya at bago pa ako makapag salita ay nag salita naman sya ulit.

" no , sumama ka sa akin don at ipapakilala kita sa kanila. "

Agad nyang kinuha sa mga kamay ko ang cup na hawak ko at nilagay nya iyon sa lamesa tapos hinila ako papalabas ng kitchen nya , wala naman akong magawa kundi ay nagpahila nalang sa kanya.

Naku , bahala na.

Ng makarating kami sa may pool ay nakita kong tatlong lalaki ang nandoon sa kabilang dulo at hila parin ako ni Harry papalapit sa mga barkada nya.

" Hi I'm Niall"

Agad na bungad sa akin ng lalaking kasing tangkad lang ni Harry nakatayo sya sa harap ko at inilahad ang kamay nya sa akin , blond ang buhok nito at hindi ko masasabing pangit ito.. sorry talaga pero gwapo din sya ..

Agad kong tinanggap ang kamay nya with matching smile, halata sa mukha nya na napaka friendly nyang tao. Napatingin naman ako sa dalawa pang barkada ni Harry na nakatitig lang sa akin na para bang isa akong hindi pangkaraniwang bagay dito sa mundo ..

" Hi sa inyo "

Nailang na bati ko sa kanila at ng matauhan silang dalawa ay agad silang nakipag kamay sa akin isa isa , natatawa ako sa mga kinikilos nila.

" I'm Frank "

Pakilala nong isa sa akin na may earings sa tenga, he looks like addict but he's also handsome..

" and I am Rian "

Nakangiting pakilala sa akin nitong black guy. Parang may lahing negro ganon, but he's pretty naman.

Agad akong pinaupo ni Harry sa tabi nyang silya at kaharap namin ang tatlong kaibigan nya .. nakaka awkward at hindi ako mapakali sa mga tingin nila sa akin kaya namamasa na naman ang mga palad ko . Agad kong pasimpling pinupunas ito sa jeans ko sa ibabaw ng hita ko.

Napansin kong nakatingin si Harry sa akin sa gilid ko kaya napatingin rin ako sa kanya , salubong ang kanyang mga kilay na napatitig sa akin at bumaba ang mga mata nya sa mga kamay ko habang kinikiskis ko ang mga basang palad ko sa may hita ko.

" are you okay ? "

Tumango ako sa kanya pero nagkasalubong parin ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin.

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon