CHAPTER 27

236 8 0
                                    

I'm now in the airport, susunduin ko si Louis. We're not okay, huli kasi naming pag uusap ay yung nag away kami. At bilang girlfriend niya alam ko ang buong pagkatao nya. Alam kong balewala na sa kanya yung away namin at kalilimutan na nyang nag away kami. Yung parang wala lang nangyareng away sa aming dalawa. Ganon sya.

Ako naman, na marupok at ayaw kong magalit sya sa akin at bigla nalang akong iwan , pinipilit ko nalang rin na kalimutan yung away naming dalawa since the day na naging kami.

Nagsimula ng maglabasan ang mga pasahero at hinanap agad ng mga paningin ko si Louis.

And there, I saw him with his bodyguards pati mga kasama nya doon sa concert nya.

Pero napatingin ako sa isang babae na katabi nya at dala ang maliit na bagahe na binigay ko noon kay Louis para magamit nya at madala nya ang mga  importanting bagay kahit saan sya pupunta.

They're both wearing sunglasses. Lalapit na sana ako sa kanya ng hinarangan ako ng isa sa mga bodyguards nya. Napatingin sa akin si Louis at tinanggal nya ang suot nyang sunglasses , napatigil naman sila lahat.

Siguro naman , alam lang nila lahat na isa akong Personal assistant ni Louis.

" Who is she ? "

Mataray na ani nong babae. Tinitigan ko sya at hindi nya tinanggal yung sunglasses nya.

Maputi sya at may katangkaran din, pero mas matangkad ako sa kanya.

Muli akong napatingin kay Louis ng hindi sya sumagot sa tanong nong babae.

" I'm His personal assistant , and you? "

Bigla itong nag smirk sa akin at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Tinatarayan lang ba talaga ako ng babaeng to ? Sino ba sya sa tingin nya ?

" Excuse me miss , I'm his new personal assistant. Sorry, hindi ka ba nya na inform?  So, please move at padaanin mo kami. Marami pa kaming gagawin "

Napatanga ako sa sinabi nya and I feel so embarrassed.. sinubokan kong makipagtitigan kay Louis pero umiwas lang sya ng tingin sa akin at bigla nalang silang dinumog ng maraming tao.

Napaatras nalang ako at napatingin sa mga taong nagsiksikan para makakapag picture kay Louis habang hinaharangan naman ito ng mga bodyguards nya.

Hindi ko enexpect na ganito ang mahihinatnan ko ngayon.

Bakit nya ako pinapunta dito kung wala naman pala syang balak pansinin ako . Or kahit sabihin nya lang na ginawa nalang nya akong katulong nya at hindi na personal assistant.

Napagdesisyonan ko nalang na lumabas sa airport at maghintay ng taxi .. uuwi nalang ako. Ano pang gagawin ko dito? Hindi na naman nya ako kailangan. At saka, tumaas yung dugo ko sa babaeng personal assistant nya. Kung makapagtaray sya sa akin..

Hello? Girlfriend ako ng lalaking pinagsisilbihan mo girl !.

Kung alam nya lang..

Ng makarating ako sa labas ng airport agad akong sumakay ng taxi na nakaparada lang sa labas.

Ang sama sama ng loob ko ngayon.

" Ikaw lang po ba mag isa maam ? "

Tanong sa akin nong taxi driver..

" Opo "

Sagot ko naman sa kanya.

" Nako maam, di po ako tumatanggap ng isang pasahero lang. Lugi ako nyan eh. "

Napairap ako at lalabas na sana ako ng biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. He's wearing sunglasses at  leather jacket.

" Saan po tayo sir? "

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon