CHAPTER 5

728 7 0
                                    

Nagkatitigan kami ni Louis sandali at napatingin ako kay Sabrina na nasa gilid nya , magkasama nga silang dalawa kaya ba hindi man lang nya ako hinanap at sinundan ?

" san kayo galing dalawa ? "

Nakangiting tanong sa amin ni Sabrina, napatitig ako kay Louis ng walang emosyon ang mukha nyang nakatingin sa akin at kay Harry. Alam ko na kung ano ang iniisip nya , sigurado akong pag aawayan na naman namin ito.

" uhm, lumabas lang kami sandali. There's nothing wrong naman diba kung makikipag kaibigan sa mga bagong nakikilala ? "

My eyes went wide at napatingin ako kay Harry. Ano bang sinasabi ng lalaking to ? Sekreto akong napakagat sa sariling labi , dinadagdagan lang talaga ng lalaking to ang problema ko ngayon.

" oo naman , but sana nagpa alam ka muna sa akin brother. Para naman hindi kami magtaka kung nasaan na kayong dalawa "

Napatingin ako ulit kay Louis na ngayon ay malalim na ang tingin sa akin. Napalunok ako at agad na nilapitan sya.

" uuwi na tayo "

May galit ang tuno nya at tumango nalang ako . Nakatingin lang sa amin ang magkapatid, natatakot ako baka magtataka sila sa kinikilos ni Louis.

" okay sir , uuwi na po tayo. "

Pilit akong ngumiti kay Louis at umiwas naman agad sya ng tingin sa akin saka nag paalam na sya kay Sabrina. Napatingin ako kay Harry na ngayon ay naka smirk sa akin. Ginagalit talaga ako ng lalaking to.

" lets go Yvoree "

Napaigtag ako ng marinig ko si Louis at agad na naglakad kaya mabilis naman akong sumonod sa kanya..

" what the hell was that ? "

Agad na bulyaw nya sa akin ng makapasok kami sa kotse nya . Wala akong imik at napabuntong hininga ako , hindi ko alam kung saan ako magsisimula , magpapaliwanag ba ako kung bakit kasama ko yung Harry na yun ? O e susumbat ko sa kanya na sya ang dahilan kung bakit ako umalis sa party na yun.

" speak Yvoree .. "

Halata sa tuno nya na pinipigilan nyang maglabas ng galit kaya napayuko nalang ako at iniisip kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ako mag sosorry dahil wala akong kasalanan. Ma pride na kung ma pride , pero yun talaga yun.

" hindi mo lang ba ako tatanongin kung okay lang ako ? Kung ano ang nararamdaman ko? Kumosta pala kayo ni Sabrina sa twing may taping kayo at magkasama lagi ? Nakalimutan kong tanungin yan parate sayo sa twing uuwi ka eh, kaya siguro hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyayare sayo "

Napatingin ako sa kanya at umiling iling sya bago nag salita.

" kasama sa pagiging artista namin yun Yvoree , palabas lang lahat ng nakikita at sinasabi namin ni Sabrina sa twing may interview or events na ganon. Dapat alam mo na yun "

" ah ganon ba yun ? Kung ganon sorry ha dahil wala akong ka alam alam dyan sa pagiging artista nyo, at sana man lang sinabihan mo na ako agad na ganon pala yung mangyayare para naman aware ako.  Damn it Louis, kasalanan ko pala yon ? "

Sarcastic kong sabi at Napabuntong hininga sya at umiwas ng tingin sa akin , saglit syang natahimik..

" sana pala hindi na kita dinala dito ngayon"

I smirked..

" sana nga , nagsisisi nga ako na sumama pa ako sayo dito "

Hindi na sya umimik pa kaya nanahimik nalang rin ako , ganito talaga sya. Pag alam nyang may kasalanan din sya hindi na sya magsasalita pa , pero feeling ko kakausapin nya parin ako tungkol sa amin ni Harry. Kita ko yunh galit sa mukha nya nong nakita nyang magkasama kami sa lalaking iyon.

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon