CHAPTER 3

805 9 0
                                    

NAPANGANGA ako sa nakita ko dito sa loob ng hotel kung saan sineCelebrate yung birthday party, Grabe ang daming artista na nandito , ang ganda din ng desinyo sa paligid , kulay pula and gold at mas namangha ako sa mga wine na naka lagay sa isang malaking lamesa sa bawat gilid ng gusali. Habang nakasunod lang kay Louis lumapit sya sa isang babaeng nakasuot ng red dress at saka medyo maykatabaan at naka eyeglasses ..

I guess ito yung may birthday , and I have to act like his personal assistant.

Nilingon muna ako ni Louis at kinindatan nya ako, alam ko na kung ano ang ibig sabihin non. Gusto nya akong kumalma, at sumabay lang sa kanya.

Ng makalapit na kami ay agad napatingin sa amin yung kasamahan nong babaeng mataba at pati naman ito.

" hi , you're finally here.. where's Sabrina?"

Tanong ng matabang babae at saka sinulyapan ako nito. Kinakabahan ako tuloy lalo, Sabrina sya yung ka loveteam ni Louis sa drama nilang bago ..

" ahm, I dont know if she's right here now .. but I'd like to introduce you may new PA , miss Yvoree "

Nagkatitigan muna kami ni Louis saka ako nakangiting nag Hi sa kaharap namin ngayon..

" oh Hi.. "

Yun lang ang natanggap kong sagot ng lahat , at agad na napansin kong ang lahat ng mga mata nila ay hindi na sakin , kundi sa likoran ko .. kaya napalingon nalang rin ako sa likoran at papalapit sa amin ang isang napakagandang babae , with a very handsome long and curly hair man escorting her .. ang ganda at gwapo nilang dalawa .. bagay na bagay sila.. pero agad ko namang namumukhaan ang babae ng nakalapit na ito sa harapan namin , si ... si Sabrina ! Ang ka loveteam ng boyfriend ko, mas maganda pala sya sa personal. Swerte ko naman at nakikita ko sya in person at ang gwapo din ng ... boyfriend nya siguro itong lalaki .. sana all pwedeng mapakilalang jowa .. samantalang ako .. hay.. medyo nalungkot ako sa part na to..

" hello everyone , sorry I'm late .. this is my brother , Harry my escort slash bodyguard for tonights event "

Nakangiting wika nya , at habang ako naman napa awang ang bibig ng pinakilala nya itong kapatid nya ang lalaki.

Napansin siguro nong lalaki na napatitig ako sa kanya kaya sa hindi ko malamang dahilan ay nanlamig ako ng bigla itong napatingin sa gawi ko at umangat ang gilid ng labi nito..

Napakurap ako sa ginawa nya kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at nilingon ang boyfriend kong nakangiting nakikipag usap sa mga kasama.

" so everyone I'd like to announce our successful new movie tonight , and I want you two to be with me sa stage .. okay ? "

Turo ng manager kay Louis at Sabrina.

Nakangiting tumango naman ang babae , ang ganda talaga nya . At ngayon lang ako nakaka feel ng insecurities sa tanang buhay ko , lalo na at ka loveteam pa nito ang boyfriend ko ..

Napanguso ako at hindi sa malanang dahilan ay nalipat na naman ng mga mata ko sa kapatid ni Sabrina na si Hally..

Hally ba yun ? .. ewan ..

Nakatitig lang rin ito sa akin habang tinutonga ang alak na bitbit nito.

" Hi ? "

Napakurap ako ng biglang nasa harap ko na ang babaeng maganda na si Sabrina.

" are you with Louis ? "

Napasilip ako kay Louis saglit na busy sa pakikipag  usap sa mga katrabaho nya..

" uhm .. opo , bakit po maam ? "

Napakunot ang noo nyang nakatitig sa akin .. kaya kinabahan tuloy ako ..

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon