CHAPTER 13

472 4 0
                                    

Humiwalay ako ng tingin kay Louis at tiningnan si Harry na nasa gilid ko.

" I'm surprise that you're here.. and you look perfect tonight with that white dress"

Sanay na akong purihin pero pag sya parang tumataba ang puso ko. Weird at ayokong maramdaman iyon.

" thank you , and you look good too"

Ngumiti lang sya saka lumapit pa sa akin kaya biglang nanginig ang tuhod ko at natapilok ako , kinabahan ako don baka matumba ako pero buti nalang at nasalo nya ako,  ramdam ko ang braso nya na nasa beywang ko at ang lapit ng mga mukha namin sa isat isa.

Napatingin ako sa labi nyang sadyang mapula. Pasikreto akong napalunok, ayoko na talaga sa puso ko! Bakit ba ganito nalang lagi nararamdaman ko sa lalaking ito ? Hindi kaya...

No! Its impossible, mahal ko si Louis at hindi ang lalaking ito ..

" Excuse me ? "

Naitulak ko agad si Harry ng marinig ko ang boses ni Louis at pareho kaming napatingin lang sa kanya, sa titig palang ni Louis parang gusto ko na agad mag explain sa kanya sa nakita nyang posisyon namin ni Harry kanina.

" are you okay ? "

Tanong ni Louis sa akin pero yung mga mata nya parang hindi naman nagtatanong na parang nag aalala kung anong nangyare sa akin , yun bang may galit na titig at sinasabihan ka sa mga mata nyang anong ginagawa mo ? ...

" yah .. I'm.. okay "

Nautal kong sagot sa kanya , galit na sya at halata talaga. Baka ano pa isipin ni Harry sa inaasta ni Louis..

" okay lang po ako sir , muntik lang po akong matumba.. "

Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango tango lang si Louis saka tinitigan nya naman si Harry na tahimik lang din na nakatayo sa gilid ko.

" you wanna drink ? "

Anyaya nya kay Harry , na agad naman sya nitong tinanguan.. bago nila ako iniwan binigyan muna ako ng isang sulyap ni Harry at binigyan ako ng matamis na ngiti bago tumalikod sa akin at sumama na sya kay Louis.

Napabuntong hininga nalang ako saka naghanap ng maiinom , mag isa nalang ako kaya e enjoy ko nalang sarili ko dito sa  party na ito, alam kong magiging busy na naman si Louis sa mga kasamahan nya sa trabaho.

Nasa isang gilid lang ako nakaupo, kung saan makikita ko lang sina Louis at mga kasamahan nyang nakaupo rin sa gitna kung saan nandon din ang manager nila, pati si Sabrina at pamilya nito syempre kasama na doon si Harry. Nakakahiya naman kung sasalo pa ako sa kanila, ang nalalaman lang naman nila tungkol sa akin ay isang personal assistant ni Louis.

Lumipas ang ilang minuto at nandito parin ako sa inuupoan ko at nakaramdam na ako ng pagka boring talaga, ayoko namang makipag usap sa iba na hindi ko naman kakilala...

Hanggang sa hindi ko na makayanan talaga ang boring kaya naisipan ko nalang na lumabas lang muna.

Mukhang hindi naman ako mapapansin ni Louis na lalabas kaya agad akong tumayo saka naglakad palabas ng bahay hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa isang garden na nasa gilid lang ng bahay ni Sabrina.

Ang ganda ng hardin at lalo na dahil sa mga nakapalibot ditong mga maliliit na bombilya na kulay puti ang ilaw nito.

Agad akong umupo sa swing na nasa gitna ng hardin at pinagmamasdan ko nalang ang bawat bulaklak na nasa paligid ko.

Napangiti ako ng maramdaman kong sobrang peaceful ng paligid at nare-relax talaga ako.

nahagilap ng mga mata ko ang isang kulay yellow na bulaklak kaya agad akong naglakad at lumapit sa bulaklak.. pinakatitigan ko ito ng mabuti at napansin kong kahugis ng petal nito ang isang babae na naka suot ng gown na sumasayaw .. ang ganda nya ..

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon