Inis na tinungo niya ang butterfly garden. Isa sa pinakapaborito niyang lugar sa unibersidad dahil bukod sa tahimik ay libre siya nakakapasok doon dahil ka close niya ang nagbabantay.
"Gandang umaga, Jeeanine. Mukhang makulimlim ang araw natin ngayon ah?" Bati sa kanya ni Manong Roman na kasalukuyang naglilipat ng mga larva sa maliliit na kahon. Mukhang may nag order na naman ng mga butterfly. Nagbebenta kasi ang school nila ng mga paru-paru na kadalasang ginagamit sa debut or di kaya ay kasal.
"Sisigaw ulit ako Manong Roman." nakasimangot pa rin na sabi niya. Napangiti lang ito. Sanay na ito sa pagsigaw niya roon sa tuwing naiinis siya at may problema. Para kasing ang gaan ng pakiramdam niya matapos niyang isigaw ang lahat ng inis o galit sa dibdib niya.
"Ilabas mo ang lahat kung ganoon. Huwag lang masyadong malakas at baka matakot ang mga paru-paro." biro pa nito.
Tumango lang siya bago tinungo ang pinakadulong bahagi ng hardin. Pinakapaborito niya ang pwestong iyon dahil mas maraming paruparo ang nagliliparan at malamig ang hangin sa bahaging iyon.
Humigit siya ng malalim na hininga bago sumigaw ng malakas.
"I hate you! Akala mo kung sino ka! Hindi porke't mayaman ka, sikat ka ay magagawa mo na lahat ng gusto mo! Kadarating mo lang sa buhay ko pero puro kamalasan at kawalang hiyaan na kaagad ang naranasan ko! Kasing kulay ng itim mong kotse ang budhi mo!"
Halos maubusan siya ng hangin matapos niyang makasigaw pero kahit nagawa na niya iyon ay hindi pa rin nabawasan ang ngitngit na nararamdaman niya.
"Done shouting?" Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses.
"Mark!" Gulat na bulalas niya. Ito ang una niyang naging kaibigan mula nang unang beses siya nitong marinig sumigaw sa butterfly garden. Transferee ito ngunit hindi katulad ng isang transferee na bwisit ay di hamak na mas mabait naman ito.
Umupo ito sa kalapit na upuan.
"Sinira mo na naman at masarap kong tulog." Kung siya ay mahilig sumigaw, ito naman ay ginawang tulugan ang BG.
Sinimangutan niya ito. "Nag skip ka na naman sa klase natin."
"Nakakatamad pumasok sa klase pero huwag kang mag-alala. Tapos ko nang ipasa kay Sir Ciriaco ang artwork number two natin kaninang umaga." sumimangot ulit siya bago umupo sa tabi nito.
"Ang daya mo talaga pero mas okay na rin na wala ka kanina." naiinis na sabi niya.
"May nangyari ba?" piningot nito ang ilong niya. Isang buwan pa lang silang magkakilala pero close na kaagad sila. Alam mo feeling na may koneksyon agad sila. Siguro ay magkaibigan silang dalawa sa past life kaya click kaagad ang vibes nila.
"May bagong salta na dumating. Nakakainis. Nakaka highblood!" Narinig niyang tumawa ito ng malakas.
"Bagong salta?"
Pinaikot niya ang mga mata bago tumango.
"Kwento ka." Tinapik nito ang balikat niya.
"Ayoko ko nga. Baka matumba na lang ako ng wala sa oras dahil sa inis dito."
"Come on." Pangungulit nito.
"Pinahiya niya ako."
"That's all?"
"Basta, mahabang kwento kaya hanggang diyan lang ang maikukwento ko sayo basta ang bottomline, bwisit siya sa buhay ko. Bakit kasi sa dinami-dami ng school dito sa Occasus ay dito pa nag enroll ang lintik na Irvin Ambrosio na iyon!"
"Irvin Ambrosio?" taas ang kilay na sambit nito.
"Kilala mo siya? Oh well, nakalimutan kong sikat nga pala siya. No wonder na kilala mo o narinig na ang pangalan niya. Pero sana kahit may pangalan na siya na kilala ng lahat ay nakatapak pa rin ang mga paa niya sa lupa." tinatamad niyang sabi bago tumayo at naghikab.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.