CHAPTER SEVENTEEN- BROKEN

1 0 0
                                    


"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya. Bigla na lang kasi siyang sinakay ni Irvin sa kotse nito matapos ang last period nila sa umaga.

"You'll know when we get there."

"Baka kung anong kabulastugan na naman ito Ambrosio. Makakatikim ka talaga sa akin."

"Relax. This isn't a prank." Nakahalukipkip na tumahimik na lang siya. Nagulat siya nang dinala siya nito sa Mega World kung saan naroon ang mga sikat na stores at boutiques. Kung tawagin nga iyon ng ilan ay Rich Heaven dahil lahat ng may pera ay doon bumibili hindi tulad nila na sa mall or mga bangketa lang. Bawal nga pumasok doon kung hindi presentable ang suot mo.

"Anong ginagawa natin dito? Alam mo bang hindi tayo makakapasok dito kung wala tayong membership-" hindi na niya natapos ang mga sasabihin dahil pinakita nito sa kanya ang hawak nitong card. Nakalimutan niyang mayaman nga pala ito. Kaya nga nitong rentahan ang buong bahay ni Aling Susan dahil ayaw niya ng maingay. "Umamin ka nga, anak ka ba ng mafia lord kaya marami kang pera?"

"Mafia? Are you kidding me? I earned it through my photos royalty. Baka nakakalimutan mong sikat akong photographer."

"Alam mo nagtataka ako minsan kung bakit kailangan mo pang mag-aral ng photography eh pwede ka naming mag apply kahit saan. Hindi mo na nga kailangang mag apply kung tutuusin dahil pinag-aagawan ka na."

"Gusto ko pa ring magkaroon ng diploma at graduation photo na ilalagay ko sa kwarto. Pandagdag kapogian." napa-irap siya sa kayabangan nito.

"Mas maraming magandang school sa America di'ba? Bakit mas pinili mong dito tapusin ang kurso mo?"

"Bakit ba napakarami mong tanong?" mas lalo nitong binilisan ang paglakad kaya halos lakad takbo na ang ginagawa niya. Humihingal tuloy siya nang marating niya ang boutique na pinasukan nito.

"Elegant?" basa niya sa pangalan ng boutique. Bakit siya nito dinala sa isang sikat na store ng magagarang damit?

"Anong ginagawa mo riyan? Come here." alanganing lumapit siya kay Irvin na may kausap na isang lalaki or mas tama yatang sabihin na babaeng nakulong sa isang katawan ng lalaki. "Meet Tita Mags."

"Is she the one?" magiliw na hinawakan nito ang pisngi niya. "Tama nga ang sinabi ng gwapong nilalang na ito, napakaganda mong dalaga." namula siya sa sinabi nito. Marami rin naman ang nagsasabi na maganda siya pero hindi siya naniniwala kasi hindi siya marunong mag-ayos ng sarili. Once a day nga lang siya magsuklay tapos maganda? Pinagpala na talaga siya kung totoo man. Pero sinabi rito ni Irvin na maganda siya? Mabuti naman at hindi pala pangit ang paningin nito sa kanya.

"Ambrosio bakit mo ako dinala rito? Anong gagawin natin dito?" pabulong na tanong niya rito ngunit hindi siya nito pinansin. Prente itong naupo sa napakagandang upuan sa harap.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Tita Mags." Sabi nito sa pinakamagandang bakla na nakita niya sa tanang buhay niya. Kung hindi nga ito nagsalita ay aakalain talaga niyang babae ito sa sobrang ganda ng mukha nito maging ng katawan.

"Sure. Halika ka, Iha."

'Hoy Ambrosio! Hindi mo man lang ako tinanong kung papayag akong bilhan mo ako ng damit ah!" sigaw niya ngunit wala na siyang magawa nang hinila siya nito papasok sa loob kung saan naroon ang mga engrandeng gown at sapatos.

Dati ay sa TV niya lang nakikita ang ganito kagandang mga damit pero mapapanganga ka pala talaga kapag nakita mo iyon nang malapitan. Parang gusto niyang suutin lahat ng mga naka-display doon.

"Irvin told me na Victorian era ang theme ng isusuot niyo for this year's Arts Night. Noong nakaraan pa niya sinabi sa akin kaya nakagawa na ako ng mga designs na babagay sayo. Dresses worn by women in Victorian period showed resemblance to those worn by women in the Georgian age. Ang damit nila ay halos natatakpan na ang buong katawan ng babae dahil sa panahong iyon ay bawal ipakita ang ankles ng mga kababaihan. I think your waistline is 25? with bust 32?" Anak ng banana cake. Paano nito nalaman? Kungsabagay, ganyan marahil kapag matagal mo nang ginagawa ang isang bagay, sa isang tingin pa lang, kuha mo na kaagad.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon