CHAPTER FIVE- FOREIGN FEELINGS

1 0 0
                                    


"S-Sandali ano 'to?!" Napahawak siya sa sliding door ng salon. "Akala ko ba gagawa tayo ng project?" Matapos kasing kumain ay umalis na kaagad sila. Akala niya ay sa napili ng mga itong lugar sila pupunta para magsimula gumawa ng project pero sa isang salon sa bayan siya dinala ng mga ito.

"Make-over." Simpleng tugon ni Mark na tinanggal ang kapit tukong kamay niya sa pintuan.

"Pero bakit?" Reklamo niya habang pilit siya nitong pinapa-upo sa swivel chair. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Hindi niya alam kung anong trip ng dalawa at kailangan pa niyang magpa salon. Hindi naman kasi buhaghag ang buhok niya.

"Can't you understand what make over means?" Nang-aasar na sabi ni Irvin na prenteng nakaupo sa upuan sa gilid. "Kailangan mong ayusan para mag mukha kang tao, Janet Lim." Anito pagkatapos ay tiningnan siya ng mula ulo hanggang paa.

"Hindi ako panget para ayusan at pwede bang paki explain sa akin ng mabuti kung para saan ang pakulong ito, Mark?"

"This is for the project so sit back and relax." Hinawakan nito ang pisngi niya at iniharap sa salamin. "Bibilhan kita ng lugaw after nito and after this, dederitso na tayo sa Mambukal."

"Mambukal?" Kunot ang noong tanong niya. Isang resort ang Mambukal na mayroong pitong talon na dinadayo ng marami.

"Doon natin gagawin ang project." Sabi nito bago bumaling sa baklang kulang na lang ay maghugis puso at bituin ang mata sa kakatitig kina Mark at Irvin. "Pwede na kayong magsimula."

"Aye, Aye Pogi." Malanding sabi nito. Ang landeng bakla. Parang bulateng nilagyan asin.

"We'll pay double dahil mukhang mahihirapan kayo." Inirapan niya sa salamin si Irvin. Nakakalokong ngisi naman ang iginanti nito bago kumuha ng magazine sa center table at nagsimulang buklatin iyon. Nakaupo si Mark sa tabi nito. Ngumiti lang ito nang magtama ang mata nila.

Walang magawa na umayos na lang siya ng upo. Para siyang hinehele habang ginugupitan. Siya pa naman ang tipo ng taong kahit maingay o nakaupo lang ay nakakatulog kaya ilang saglit pa ay hindi na niya namalayang tuluyan nang lumipad ang kaluluwa niya. Nagising lang siya dahil sa mahinang tampal sa kanyang balikat.

"We're done." Narinig niyang sabi ni Mark.

Hindi niya napigilang humikab na may kasama pang unat ng mga kamay.

"Sorry nakatulog ako. Tapos na ba- What the?!" Nanlaki ang mga mata niya nang dumako ang tingin niya sa kaharap na salamin. "Sino ka!" Para siyang tanga na napatayo at itinuro ang sariling repleksyon sa salamin. Biglang napuno ng tawanan ang buong salon dahil sa reaksyon niya.

"That was so funny! Mukha kang tanga! Haha!" Nilingon niya si Irvin na tawang-tawa na sapo pa ang tiyan.

"Tumigil kayo! Anong ginawa niyo sa akin!" Naiiyak na tanong niya na lumapit sa salamin at hinawakan ang buhok na dati'y itim na itim pero ngayon ay naging kulay mapusyaw na pula na. Hindi na iyon lagpas balikat. Ang ikli-ikli na na umabot lang hanggang panga niya. Pati kilay niya ay hindi pinalampas, parang pinadaanan din ng lawnmower sa sobrang nipis. Nilagyan din siya ng kolorete sa mukha at lipstick. "Ibalik niyo ang kilay ko!" Parang bata na nagpapadyak siya. Papatayin siya ng kanyang Lolo at Lola kapag nagkataon. Bibisitahin pa naman siya ng mga iyon sa susunod na buwan.

"Hey, please calm down okay?" Ani Mark sa kanya.

"Ginawa niyo akong clown!" Inis na nilapitan niya si Irvin na tawang-tawa pa rin. "Ikaw ang may plano nito? Gusto mong gumanti dahil sinabunutan kita ng kilay? Umamin ka!" Sinipa niya ang tuhod nitong may sugat.

"Damn it, Jeeanine! Mas lalong tatagal ang paggaling ng tuhod ko dahil palagi mo akong sinisipa!"

"Bakit ang sama-sama mo ha?!" Sisipain pa sana ulit niya ito ngunit pinigilan nito ang paa niya gamit ang kamay nito.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon