CHAPTER TWENTY ONE (Part Two)

1 0 0
                                    


"Kahit ano po ba?" tanong ng isa nilang kaklase.

"Kahit ano pa iyan as long as may sentimental value sa iyo ay tinatanggap namin. Doon ko kayo dadalhin ngayon." Sumunod sila kay Miss Glenda paakyat ng third floor.

Nagpahuli siya dahil hinanap niya si Mark ngunit hindi niya ito makita. Wala tuloy siyang maka-usap. Hindi niya namalayan na bigla na lang itong nawala sa tabi niya. Maging si Irvin ay hindi na rin niya makita. Hindi naman sa binabantayan niya ito pero hindi naman sila ganoon karami kaya kapag may nawala ay mahahalata kaagad or siya lang dahil maging si Jonah ay mukhang hindi napansin na nawala sa tabi nito si Irvin.

"This is the Room of Memories." wika ni Miss Glenda matapos nitong buksan ang isang malaking pinto. Bumungad sa kanila ang iba't ibang mga gamit na nakalagay sa salamin na sisidlan. "Everything here are things connected to someone. Ang mga bagay na narito ay something na nagbigay saya, lungkot, galit, o pagsisisi sa iba't ibang tao and they wanted to preserve that memory through donating it here." lumapit ito sa pinakamalapit na glass box. "For example, this cellphone. The story behind this cellphone ay nagpaiyak sa akin. It was given to her by her mom who died working day and night mabilhan lang siya ng cellphone para sa online class niya."

"What about that book, Miss Glenda? Ano po ang kuwento sa likod niyan?" turo ng isa niyang kaklase sa isang libro ni Paulo Coelho na The Alchemist.

"This one? This was donated to us by a very successful man. According to him, he's a traveler, a soul searcher na gustong mahanap ang sarili niya after a hurtful break up with his girlfriend. Pumunta siya sa napakaraming lugar para makalimot ngunit kahit saan man siya mapunta ay hindi pa rin siya naging masaya. Nakakulong pa rin siya sa masakit na mundo dulot ng break up and then he found this book. He read it then he realized something na hindi naman pala niya kailangang lumayo para hanapin ang nawawala niyang sarili at kasiyahan dahil ang lahat nang iyon ay matatagpuan naman niya sa kanilang tahanan- his family. Napagtanto niya na sa huli ang pamilya pala niya ang makakaintindi sa sakit na nararamdaman niya. The scars we received from outside world, from our disappointment and failure, even the scars caused by our own family. The people who'll embrace us in the end is our family." salaysay ni Miss Glenda.

"Ang galing...." maging siya ay hindi napigilang mapanganga sa kuwento ni Miss Glenda. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay pumapasok sa kanyang isipan sabay tagos sa kanyang puso.

"Ang lahat nang narito ay may sariling kuwento at bilang isang artist at curator ng museum na ito ay hindi ako magsasawang sabihin sa ibang tao ang mga kuwentong iyon. In that way, we could preserve not just the tangible thing but also the intangible one- the emotions it brings to whomever heard the story and the memories na nakakabit dito." Sumasang-ayon siya sa sinabi nito. Para sa kanya, ang pinakaimportanteng bagay na maiiwan mo sa mundo ay hindi material na bagay kundi ang mga magagandang bagay na nagawa mo at masasayang memories na naibahagi mo sa ibang tao. That's why she wanted to paint. Gusto niyang i-share sa ibang tao ang mga imahinasyon na paikot-ikot sa loob ng utak niya.

"But among these things here, this one is my favorite." lumapit ito sa pinakadulong bahagi at tumapat ito sa isang painting ng isang sanggol. Hindi siya sigurado kung babae ba iyon o lalaki. "The donor called this as her masterpiece." dumako ang tingin nito sa kanya habang nagsasalita ito.

"Masterpiece." mahinang anas niya. Hindi maintindihan ang sarili ngunit bigla siyang nakaramdam nang lungkot habang pinagmamasdan ang painting na iyon.

"She painted this to remember the pain and the guilt. Sabi niya, ayaw niyang kalimutan ang sakit sa tuwing titingnan niya ang painting na ito. Para sa kanya, iyon ang parusa niya sa sarili dahil sa kasalanan na kanyang nagawa."

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon