Masakit ang ulo na nagising siya dahil sa alarm ng kanyang cellphone. Naka- set kasi iyon ng alas-sais. Nakalimutan niyang i-off kagabi dahil sa Arts Night. Fudge! Bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa eksenang pumasok sa isip niya.
"Then kiss me. Be my first kiss, Irvin Klein Ambrosio." ngumuso pa siya rito. Hindi man lang siya nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Lasing na nga siguro siya.
"J-Jeeanine..."
"Gusto mo bang ako na ang humalik sa'yo?" hinawakan niya ang batok nito at tumingkayad para abutin ang labi nitong kanina pa siya tinutukso.
"Fuck Jeeanine." narinig pa niyang anas ni Irvin na hinawakan siya sa beywang para mas lalong pagdikitin ang mga katawan nila na napahirap gawin dahil sa suot niya.. Ilang centemetro na at magdidikit na ang kanilang mga labi ngunit bigla siyang naduwal.
"Masusuka yata ako." tatakbo pa sana siya sa CR ngunit hindi na niya kinaya kaya tinungo niya ang fish pond at doon nilabas lahat ng kinain niya. "Don't worry fishes. Hindi iyan poisonous." nanghihinang napa-upo siya sa gilid.
"You okay?" agad naman siyang dinaluhan ni Irvin.
"Shall we continue the kiss?" napa-aray siya nang pinitik nito ang noo niya.
"I don't kiss someone na amoy suka." napasimangot na bumuga siya ng hangin at inamoy iyon. Amoy suka nga. "Let's go home. I'll report this incident to sir Ciriaco para makauwi ka na."
"Nakakahiya ka, Jeeanine!" sinabunutan niya ang sarili. Ang huli niyang naalala ay nagalit si sir Ciriaco sa mga kaklase niyang pinalitan ng vodka ang laman ng wine na nainom niya.Nagpamilit si Irvin na ihatid siya ngunit mas nanaig si Mark kaya ang huli ang naghatid sa kanya pauwi. Nagtalukbong siya ng kumot dahil sa sobrang hiya na nararamdaman. Gusto niyang matulog na lang buong araw bakasakaling paggising niya kinabukasan ay parang may amnesia ang lahat at makalimutan ang mga ginawa niya. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na siya dalawin ng antok. "Fudge.." ang sakit ng ulo niya at nagugutom pa kaya muli siyang bumangon.
Marahan siyang bumaba ng kama at binuksan nang konti ang pinto. Tahimik ang buong bahay at wala siyang nakitang tao. Marahil ay tulog pa sina Irvin at Aling Susan dahil maaga pa naman kaya tinanggal niya ang suot na tsinelas para hindi siya makagawa ng kahit anong ingay at naka tip toe na bumaba ng hagdan.Marahan niyang tinungo ang reef para kumuha ng malamig na tubig.
"What are you doing?" Lasing pa rin ba siya o talagang narinig niya ang boses ni Irvin?
"Anak ng-" bigla siyang napatayo nang tuwid nang makitang nasa salas naka-upo sina Aling Susan at Irvin ngunit nanlaki ang mata niya nang dumako ang paningin niya sa babaeng katabi ni Irvin. Si Jonah!"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?!"
"Gusto mo ba ng mainit na sabaw, Jeeanine?"
"Hindi Aling Susan. Mas gusto kong malaman kung bakit nandito ang babaeng 'yan?" nawala bigla ang hiyang nararamdaman niya at napalitan iyon ng inis.
"Dito ako natulog." ang lapad ngiti nito sabay hawak sa braso ni Irvin.
"A-ano? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na matulog dito ha?" susugurin na sana niya ito ngunit biglang humarang si Aling Susan.
"Jeeanine..." awat ni Aling Susan. Samantalang walang imik si Irvin na tinanggal ang kamay ni Jonah sa braso nito. "Ipinagluto kita ng mainit na sopas. Maganda iyan para matanggal ang sakit ng ulo mo. Halika na." hinila siya nito patungo sa kusina. Si Irvin naman ay hinila si Jonah paakyat sa taas.
"Aling Susan! Dinala niya si Jonah sa taas. Alam mo bang dito natulog ang bruhang 'yun? Bakit ka pumayag Aling Susan? Akala ko ba shipper ka namin ni Irvin. Bakit mo hinayaan na-"
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.