Halos lahat siguradong sasabihin na isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo ang Italy- from craggy peaks and verdant hills to turquoise waters lined by white-sand beaches. Maliban sa the best na art at architectural structures na doon lang makikita.
Mag-isa siyang nakaupo sa Piazza Della Scala or Pedestrian Central Park. Katatapos lang ng kanyang klase kay nagpasyang siyang mamasyal muna saglit. Magdadalawang taon na rin siya sa Italy. Tinanggap niya ang scholarship na offer ng Green Earth Society sa kanya. Noong una ay pinili niyang huwag iwan ang kanyang Lola Susan, ngunit ito na mismo ang nagudyok sa kanyang umalis. Ayaw daw nitong maging dahilan na may isa siyang napakalaking oportunidad na bibitawan. Tinapos lang niya ang kanyang on-the-job training sa Ocassus Contemporary Museum of Arts. Hindi na siya naka attend ng kanyang graduation dahil lumipad na siya agad papunta rito. Marami na siyang natutunan sa Ocassus ngunit mas marami pa siyang natutunang ngayong nasa Italy na siya.
Hinapit niya ang kanyang jacket sa kanyang katawan. Winter ngayon kaya sobrang lamig ng klima. Halos lahat ng nakikita niyang dumadaan ay may sout na makakapal jacket. Nang maramdaman niyang sumasakit na ang kanyang puwet sa kakaupo ay nagpasya siyang pumasok sa Galleria Vittorio Emanuele II total ay malapit lang naman iyon. Ilang hakbang lang mula sa kinauupuan niya.
Napatingin siya sa orasan bago pumasok sa mismong galleria. Maaga pa naman. May dinner kasi sila mamaya ni Miss Glenda. Naroon ito ngayon dahil may lecture itong ginawa tungkol sa Museum Management. Ito ang rason kung bakit hindi siya nahirapang mag-adjust dito sa Italy. Palagi itong pumupunta roon para kumustahin siya. Halos buwan-buwan nga ay lumilipad ito papunta rito para lang makita siya. Pagmamay-ari rin nito ang apartment na tinitirhan niya ngayon. Ilang beses na niya itong sinabihan na hindi na kailangan ngunit nagpupumilit pa rin ito. Ayaw daw nitong multuhin ng kanyang mama Jamaine.
Maraming tao. Halos siksikan na. Kahit saan ka man tumingin, sa kanan man o kaliwa ay puro mga stores ng bags, shoes, at damit ang makikita mo. Versace, Prada, Algani, name it, halos lahat ng mga mamahaling brands ay may store dito.
Ang Galleria ay nicknamed Il salotto di Milano or Milan's drawing room, dahil sa napakaraming stores and importance as a common Milanese meeting and dining place.
Sikat ang lugar na ito for being home to some of the oldest shops and restaurants in Milan, such as Biffi Caffè, the Savini restaurant, Borsalino hat-shop and the Art Nouveau classic Camparino. Halos nakainan na rin ang mga restaurant na nabanggit dahil kay Miss Glenda. Hindi nga yata ito kumakain kapag hindi mamahalin.
Winter walk ang tawag ng ilan sa ginagawa niya. Like lakad ka lang ng lakad habang nagsa-sight seeing sa mga magagandang lugar sa Italy. Piazaa del Duomo or Cathedral square ang bubungad sa inyo pagkalabas mo ng Galleria Vittorio Emanuele II. Kapag tumingin ka sa kaliwa ay makikita mo ang napaka engrandeng sturktura ng Milan Cathedral. Maraming tao, iba't ibang lahi na halos lahat ay busy sa pagkuha ng mga pictures. Nagkalat din ang mga kalapati na hindi man lang natatakot sa napakaraming tao. Nakikipagsabayan sila sa mga tao.
Ni minsan ay wala sa hinagap niya na makakapunta siya sa lugar na ito. For an art enthusiasts na tulad niya, this place is heaven, a cloud nine. Babalik n asana siya sa kanyang apartment nang may mahagip ang kanyang peripheral version. Nakatingin ito sa kanya ngunit bigla itong tumalikod at naglakad palayo.
"Irvin?" bulalas niya habang binilisan ang mga hakbang hanggang sa maging takbo na ang ginagawa niya mahabol lang ang kung sino man iyon. Hindi siya maaaring magkamali, si Irvin talaga ang nakita niya! Humihingal na lumusot siya sa nakaraming tao pero hindi na niya ito nakita. Kagat ang labing naitukod niya ang mga kamay sa kanyang tuhod dahil sa pagod. Kahit halos dalawang taon na silang nagkita ay kilala niyasi Irvin kahit na likod lang ang makita niya. Sa loob kasi ng dalawang taon na iyon ay dalawang beses lang din sila nagkausap nina Mark at Irvin, madalian pa. Ang huling mensahe na natanggap niya ay babalik daw ang mga ito kahit anong mangyari. At hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari bakit hindi na ito nakakontak sa kanila ngunit may tiwala siya sa dalawa. Alam niyang tutuparin ng mga ito ang pangakong kanilang binitiwan.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.