"Let's go home, Jeeanine." tiningnan niya lang ang kamay ni Irvin na nakalahad sa kanya.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" hindi tumitinging tanong niya rito. Nagtataka siya kung paano siya nito natunton doon.
"Let's go home first."
"Ayokong umuwi." pagmamatigas niya.
"Nilalamig ka na."
"Wala akong pakialam. Wala kang pakialam. Wala kayong pakialam kung ano man ang gusto kong gawin. Kahit lunurin ko ang sarili ko ay wala kayong pakialam dahil buhay ko 'to!" sigaw niya rito. Akala niya ay papatulan siya nito tulad nang dati ngunit hindi man lang niya ito nakitaan ng pagka-inis. "Buhay ko 'to!" Naiiyak na naman siya. Kahit anong pigil niya ay para bang may sariling buhay ang mga luha niya na walang tigil sa pagdaloy sa kanyang pisngi.
"Everything's gonna be fine. Trust me." hindi na siya nakahuma nang bigla siya nitong hapitin at yakapin ng mahigpit. "Cry all you want. Isigaw mo lahat ng galit mo. I'm willing to hear all of it. Huwag mong pigilan ang sarili mo. If you want to punch me, do it."
"I-I hate you." aniya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Sintuntok niya ang likod nito kahit alam niyang wala naman iyong epekto. "Galit ako sa inyong lahat... galit ako sa inyo."
"It's okay, it's okay." patuloy lang ito sa pagkayakap sa kanya. Marahan nitong hinahaplos ang likod na para bang sa ganoong paraan ang maibsan ang galit na kanyang nararamdaman.
"Ano ang nagawa kong kasalanan bakit nangyayari sa akin lahat ng 'to? Bakit?! Pinagkatiwalaan ko kayong lahat pero lahat kayo, nagsinungaling sa akin! Ano ba ang ginawa kong mali sa inyo, ha?!" nanghihinang sinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Irvin habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Mas lalo niyang nailabas lahat ng kanyang nararamdaman nang yakapin siya nito. Kanina pa siya nagpipigil na humagulgol nang malakas ngunit ngayon lang niya nagawa. Wala na siyang pakialam kung naghalo na ang luha at uhog niya sa damit nito basta ang importante ay nailabas niya lahat ng kanyang sama ng loob.
***
"Are okay now?" tanong ni Irvin sa kanya ngunit umiwas lang siya ng tingin. "Let's go home now. Nag-aalala na sa'yo sina A-Aling Susan at M-Mark."
"Ayoko." pagmamatigas niya. Dinig niya na napabuga ito ng malakas.
"If you don't want to home, fine pero hindi kita hahayaang manatili rito. Look at you, you look like a ghost." tinapunan niya ito ng matalim na tingin ngunit hindi ito natinag man lang. "Come on, ayusin mo ang sarili mo. Let's find some hotel where you can stay for tonight."
"Ayoko—Ano ba, Ambrosio! Ibaba mo ako!" nagulat siya nang bigla na lang siya nitong buhatin at kahit anong palag niya ay hindi man lang ulit ito natinag. Parang isang sako lang siya ng bigas na walang effort na binuhat ni Irvin. Hindi man lang niya nakita na nahirapan ito sa pagbuhat sa kanya kahit na pumapalag pa rin siya. Tumigil lang siya nang matamaan niya ito sa pisngi. Nagdulot iyon ng maliit na sugat dahil sa suot niyang singsing na nabili niya kanina sa isa sa museum na napuntahan nila. Gusto niyang mag-sorry ngunit dinaig siya ng kanyang pride. Ibinaba siya nito sa tabi ng isang motorsiklo. Pinaghalong kulay puti at itim ang pintura kaya sigurado siyang kay Irvin iyon. Ngayon niya lang nalaman na marunong din pala itong mag-motor.
"This is mine. Ito ang ginamit ko para mas mabilis akong makaikot habang hinahanap ka." mukhang nabasa yata nito ang laman ng utak niya kaya kahit hindi siya magtanong ay alam na nito na curios siya. "Do you want eat first?"
"Ayoko—" tanggi niya ngunit biglang tumunog ang tiyan niya. Nakita niyang pinigil nito ang pagtawa. Inis na humalikipkip na lang siya para itago ang hiyang nararamdaman. Nagugutom na rin kasi talaga siya kanina pa.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.