CHAPTER TEN-THE BLESSING IN DISGUISE

1 0 0
                                    


This is it! Ang araw na pinaghandaan niya ng isang buwan. Kahit gabi na sila nakauwi ni Irvin kagabi ay wala man lang siya naramdamang pagod. Mukhang effective nga yata ang pizza at pagsakay nila ng hot air balloon.

"Jeeanine, bilisan mo naman. We're running out of time." Malakas na sigaw ni Irvin sa labas ng kwarto niya na may kasamang malakas din na katok. Ayun nga sa sobrang effective ng mga pinagagawa nila ay nakatulog siya ng mahimbing kaya hindi siya nagising ng maaga. Mabuti na lang at alert si Aling Susan. "Nasa kotse na ang painting mo. Ikaw na lang ang hinihintay."

"Andiyan na!" nagmamadaling lumabas siya ng kwarto. Sa kotse na lang siya magsusuklay. "Give me your bag." Bago pa niya maibigay ay hinablot na nito ang bag niya.

"Sorry talaga. Nag-alarm naman ako kagabi pero iwan ko ba kung bakit hindi ako nagising."

"Stop talking. Bilisan mo na lang ang paglakad." inis na utos nito. Lumalabas talaga ang pagka mainitin nito ng ulo. "I thought nag-aayos ka na kaya I didn't bother checking on you and I regret because I didn't. Buckle up, Princess." Mabuti na lang at sinunod niya ang sinabi nitong mag buckle up siya dahil kung hindi ay baka sa langit ang punta ng kaluluwa at hindi sa museum dahil hindi aakalaing pwede palang lumipad ang kotse kahit walang pakpak.

Nanginginig pa ang mga tuhod niya nang bumaba siya ng kotse. Mabuti na lang at inalalayan siya ni Irvin.

"You okay?" pinandilatan niya ito ng mata. May gana pa talaga itong magtanong sa kanya kung okay lang ba siya. Ni hindi na nga niya magawang magsuklay. Para siyang sabog at nalasing na mangkukulam sa itsura niya. Nanghihinang kinuha niya ang kanyang bag at painting.

"Anak ng....masusuka yata ako." Nagmamadaling tumakbo siya papasok ng museum. Narinig niyang tinawag siya nito ngunit hindi na niya pinansin. Mabuti na lang at nakita niya agad ang signage kung nasaan ang restroom sa labas bago pa pumasok sa loob mismo ng musem. Akala niya ay hindi na siya aabot at doon na magkalat, tamang-tama lang pagpasok niya sa bakanteng cubicle ay inilabas niya lahat ng laman ng kanyang tiyan. "Anak ka talaga ng banana cake, Ambrosio." Inis na sambit niya nang makalabas na siya. Another good thing dahil mag-isa lang siya sa loob ng rest room. Walang may nakarinig kung paano niya isinuka lahat doon sa loob.

Kung pwede lang na matakot siya sarili nang tumingin siya salamin ay baka kumaripas na siya ng takbo. Lantang gulay, dugyot, dinaanan ng buhawi, at marami pang iba. Amoy suka pa siya.

Mabilisang nagsuklay siya ng buhok at naglagay ng konting pulbos at liptint. Lahat ng mga inisip niyang mga preparation kagabi ay wala siyang may nagawa kahit isa. Nagtatali na siya ng buhok nang may pumasok at karagdagang panira ng araw, si Jonah pa ang bumungad sa kanya.

"Pagong ka ba?" nakataas ang kilay nitong tanong sa kanya.

"Ano? Bakit?"

"Ang bagal mo kasing kumilos. Hinahanap ka nila sir Ciriaco sa labas. Sabi ni Irvin narito ka raw sa restroom dahil sumama ang pakiramdam mo so I volunteered na hanapin ka kaysa naman si Irvin pa ang maghanap sayo eh busy na nga 'yung tao."

"Hindi pa ako tapos eh."

"Alam ko kaya pinapakuha na lang sa akin ang painting mo. Need pa daw 'yan I register at lagyan ng number." Alanganing tiningnan niya si Jonah ngunit inirapan lang siya nito. "Come on, Jeeanine. Baka gusto mong ma-disqualify na lang?"

"Ingatan mo 'yan. Pakisabi na lang na susunod ako agad."

"Whatever. Akin na." walang pasabi na kinuha nito ang painting niya at padabog na sinara ang pinto.

"Buhok ka ba, Jonah? Ang sarap mo kasing sabunutan." Inis na sabi niya nang makaalis na ito. "Akala mo ang ganda pero ang chaka naman." Bulong niya pa matapos talian ang buhok. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Much better kaysa kanina. Inayos niya na lang ang suot na blazer dahil naka corporate attire sila bago lumabas ng CR.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon