CHAPTER TWENTY-TWO- LOST AND HURT

1 0 0
                                    


"We need to talk to her." tatayo na sana si Irvin ngunit pinigilan ito ni Mark.

"Not yet. Ayokong biglain siya dahil baka hindi niya kayanin. To know that we're siblings, na ang tinatawag niyang teacher Jam ay ang totoo niyang nanay at higit sa lahat, ang malaman na lola pala niya si Aling Susan ay masyadong mabigat para malaman niya sa ngayon. Ayokong magalit o magtampo siya sa atin."

"I agree with Mark, Irvin." segunda naman ni Miss Glenda. "Kung kayo ay halos hindi kayanin ang lahat nang nalaman niyo ngayon, paano pa si Jeeanine. She's strong but deep inside; she's more like a little child na iiyak kapag hindi nabilhan ng chocolate."

"Can't you just tell us where mom is? Para siya na mismo ang magsabi ng totoo kay Jeeanine?"

"Y-you know the rules, Mark." nauutal na sabi ni Miss Glenda sabay iwas ng tingin sa dalawa. "I-I can't tell you more aside from the instructions na iniwan niya sa akin. Gusto niyang kayo mismo ang makahanap sa kanya."

"This is very frustrating." anas ni Irvin. "Why is it mom loves puzzles and games? Why is it so hard to find her?"

"Jam always loves puzzle and mysteries. Favorite niya si Sherlock Holmes. Inaabot pa siya ng madaling araw sa kakapanood ng Detective Conan. She believes that life isn't about finding pieces of puzzle. She said, not all puzzle pieces of life seem to fit together at first, but in time, you will realize they do, perfectly. It takes time for all pieces to come together pero kapag nabuo na, magiging kompleto ka naman bilang tao. Gusto niya yatang maging misteryo ang buhay niya kaya pati kayo ay sinali niya sa kanyang ginawang laro."

"I think, we should start thinking of plan on how we able to tell everything to Jeeanine para mahanap na natin si mom. We're really running out of time. Malapit nang matapos ang sem." suhestiyon ni Irvin na sinangayunan nilang tatlo.

"Good idea, I must say." ani Miss Glenda. "I'm sorry if I can't help you anymore. Kahit gusto ko man ay wala akong magagawa. Basta tatagan niyo ang inyong loob, okay?" naawang tumayo ito sa kinauupuan at nilapitan ang dalawa pagkatapos ay niyakap ang mga ito nang mahigpit.

"We can't breath." reklamo ni Irvin ngunit hindi pa rin ito bumitiw.

"Hindi niyo kung gaano ko kagustong gawin ito nang malaman kong anak kayo ni Jam. Lalo na kay Jeeanine. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa lalo na noong ninakaw mo, Mark ang painting niya. Akala mo hindi ko alam? Mabuti na lang at nauna ka nang nagpakilala na anak ni Jam dahil kung hindi ay sa kulungan ka talaga pupulutin nang mangyari iyon." bumitaw na ito sa pagyakap sa magkapatid at pinandilatan ng mata si Mark na napatungo na lang. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ito sa ginawa niya sa kapatid.

"Sorry."

"Sorry is just a word unless may aksyon kayong gagawin. If you really feel sorry about what you've done, finish the game. Tell Jeeanine the truth. Kapag kailangan niyo ng tulong ko, I'm always ready to help. You can always count on your ninang anytime." Ginulo nito ang buhok ng dalawa na parang aso.

"Okay, okay." nag-unahang tumayo sina Mark at Irvin para makalayo kay Miss Glenda na tuwang-tuwa na guluhin ang kanilang mga buhok.

"I'm gonna cheer you two." nakangiting tinitigan nito ang dalawa. "Finish the game para mayakap ko na rin si Jeeanine."

"Gagawin namin iyan." ani Mark. "Thank you." sa pagkakataong iyon ay ito naman ang yumakap kay Miss Glenda.

"Enough with cuddles already." nakasimangot ni reklamo ni Irvin na tinawanan lang ni Miss Glenda.

"Off you go then. Don't forget to give me a ring. May dugo akong chismosa kaya aasahan ko ang updates mula sa inyong dalawa." inihatid nito sa pinto sina Irvin at Mark. Hindi ito umalis sa pintuan hangga't hindi pa tuluyang nawala sa paningin ang mga ito. "My poor godsons. I hope na mahanap niyo na siya at kung dumating man ang panahon iyon ay sana handa kayong tatlo." walang magawa na napabuntunghininga na lang ito. Papasok na sana ulit sa loob ngunit nahagip ng mata nito si Jeeanine na luhaang nakasalampak sa gilid.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon