Silang tatlo na lang ang naglalakad nina Irvin at Tinong paakyat ng bundok. Marami rin silang kasabayang umakyat. Marahil ay maganda nga ang talon na sinasabi nila dahil marami ang dumadayo para makita iyon. Nakakahingal kaya tumitigil sila saglit para magpahinga at kumuha na rin ng mga litrato.
"Alam niyo bang sinasabi nila rati na may diwata raw na nakatira sa bundok na ito?" ani Tinong habang naka-upo sa nakausling bato.
"I'm not interested to hear more of your story." nang-iinsultong sabi ni Irvin. Mabuti na lang hindi ito pinansin ng isa.
"Pagpatuloy mo, Tinong. Hayaan mo na ang lalaking ito. Dumating yata ang kanyang buwanang dalaw kaya ganyan 'yan kasungit. Actually, masungit na talaga siya kaso doble lang ngayon kaya habaan mo na ang pasensya mo." tinaasan siya ng kilay ni Irvin ngunit dinilaan niya lang ito.
"Sabi ng lolo ko, noong unang panahon raw ay walang tao ang umakyat dito sa bundok ang nakabalik sa pamilya nila. Kung may nakabalik man ay sila 'yung nakapasa sa pagsubok na binigay ng diwata."
"Pagsubok?" bigla siyang naging interesado sa kwento nito. Sa totoo lang ay mahilig siya sa mga ganitong uri ng kwento dahil sa Lolo niya palaging nagku-kwento sa kanya ng mga aswang, duwende, at marami pang iba bago sila matulog. Kung hindi nga siya painter ay siguradong isa siyang manunulat ng mga fairytale at horror stories ngayon.
"Oo." pagpapatuloy nito habang naglalakad na sila. "Isa nga ang Lolo ko sa nakapasa eh. Sabi niya, inutusan daw siyang ng tatay niya na kumuha ng gabing pula sa bundok para gawing gamot sa sakit ng nanay niya. Kahit takot ay wala siyang magawa dahil kung hindi siya susunod ay siguradong papaluin siya nito. Hindi raw kasi ito naniniwala sa mga ganyang bagay hindi tulad ng Lolo ko."
"Tapos?" excited na wika niya.
"Ayon nga, pabalik na siya nang may nakita siyang batang babae na humihingi ng tulong. Lalapit n asana siya kaso nakita niyang nakalutang ito sa hangin kaya agad na kumaripas ng takbo ang lolo ko. Naiwan pa nga ang gabing pula na kinuha niya eh kaso kahit anong takbo niya ay hindi siya makalabas sa bundok kaya kahit nanginginig sa takot ay tinanong niya ang batang babae kung ano ang kailangan nito. Sabi ng bata ay anak daw ito ng diwata na nagmamay-ari sa bundok. Naghahanap daw ito ng kalaro at swerteng ang Lolo ko ang nakita niya. Para daw makalabas sa bundok ay kailangan niyang mamili sa dalawa, ang makalabas siya ng buhay na hindi dala ang gamot na kinuha niya o mamatay pero gagaling ang nanay niya."
"Ano ang pinili ng Lolo mo? Thanks." tinulungan kasi siya nitong hindi madulas sa daan dahil nasa loob na sila mismo ng bundok. Naririnig na nga niya ang tunog ng talon sa hindi kalayuan.
"Seriously?" narinig niyang bulong ni Irvin na kanina pa reklamo ng reklamo sa madulas na daan.
"Nagmakaawa itong ibahin ang tanong."
"Coward.." bigla niyang sinamaan ng tingin si Irvin. Mabuti na lang talaga at hindi ito pinapatulan ni Tinong dahil kung ibang tao marahil ay siguradong kanina pa ito naitulak sa bangin.
"Pumayag ang batang diwata. Pinalitan nito ang tanong. Tinanong siya nito na kung darating ang panahon na kung sakaling iibig raw siya ay ipaglalaban daw ba niya kahit mali o titigil siya dahil iyon ang tama."
"Anong sinagot ng Lolo mo?"
"Pinili niya ang ipaglaban kahit mali dahil kahit kalian daw ay hindi naging mali ang umibig. Natuwa ang diwata sa sagot niya kaya ayun, naisilang ako sa mundo. Parang laro nga ng tadhana dahil sa totoong buhay ay nangyari iyon sa kanya. Kailangan niyang pumili sa dalawa pero tulad nang dati, mas pinili niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Lola kahit na ayaw ng pamilya nito. Sa lahat nga raw ng laban na naranasan niya mula pa noong panahon ng hapon, ang laban para sa pagmamahalan ni Lola ang ipinagmamalaki niya sa lahat."
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.