"Lilipat na daw ng boarding house si Irvin, Jeeanine. Nasabi na ba niya sa'yo?"
"P-po?" biglang niyang nabitawan ang hawak na baso dahil sa sinabi ni Aling Susan. Silang dalawa lang sa bahay dahil may pinuntahan si Irvin. Holiday kaya wala silang pasok sa araw na iyon. "S-sorry po, Aling Susan." Natarantang pinulot niya ang mga nabasag na bubog kaya nasugatan siya sa daliri. Maging si Aling Susan ay nataranta na rin para daluhan siya.
"Susmaryusep, Jeeanine. Hayaan mo na iyan diyan at ako na bahalang magligpit niyan mamaya. Gamutin muna natin ang sugat mo." Agad itong kumuha ng first aid kit. Nakatulalang naupo siya sa salas.
"Hindi naman masakit." Bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang sugat sa kamay. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa sugat o dahil sa narinig niya mula sa kasera. Ilang saglit pa ay bamalik na si Aling Susan dala ang kit.
"Akin na ang kamay mo." Ramdam niya ang hapdi nang buhusan nito ng alcohol ang sugat niya. "Jeeanine?" kunot ang noo nito nang napatingin sa kanya.
"Po?"
"Bakit ka umiiyak?" takang tanong niya sa kanya. "Sobrang hapdi ba ng sugat mo?"
"Hindi naman po ako umiiyak-" pinahid niya ang pisngi. Maging siya ay nagulat dahil hindi niya napansin na umiiyak pala siya. "B-baka dahil po sa sugat, Aling Susan. Huwag po kayong mag-alala, hindi po masakit promise."
"Hindi masakit pero naiiyak ka?" marahan nitong nilagyan ng betadine ang sugat niya. "Hayaan mo munang matuyo ang gamot bago natin lagyan ng band aid."
"Salamat po, Aling Susan." Naupo ito sa tabi niya at pinahid ang mga natirang luha sa kanyang pisngi.
"Kinausap niya ako kahapon. Sinabi niyang lilipat na raw siya."
"S-sinabi niya po ba ang dahilan kung bakit?" umiling ito.
"Wala ba siyang nasabi sa iyo? Hindi ba kayo nag-usap?" siya naman ang umiling. Matapos kasi ng insidenteng iyon ay nagkaroon na sila ng invisible wall ni Irvin. Parang nagkaroon ng napakataas na pader sa pagitan nila. Nag-uusap naman silang dalawa. Sinasabay pa rin siya nito papasok ng school pero alam mo 'yung may limitasyon na? Hindi na nga siya nito inaasar o iniinis man lang. "Wala naman tayong magagawa kung iyon ang gusto niya. Kahit napalapit na ako ng husto sa batang iyon ay wala akong karapatan na pigilan siyang umalis."
"Baka dahil po sa akin. Baka nahihirapan na siyang pakisamahan ako." Mahinang anas niya.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan."
"Kung hindi po ako ang dahilan, ano? Sino?"
"Hayaan na lang natin siya. Kung ano ang gusto niyang gawin ay suportahan na lang natin." Hindi na siya nagsalita ngunit sa loob-loob ay parang gusto niyang sumigaw. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang sikip-sikip ng dibdib niya na parang may nakadagan na mabigat na bagay. Akala niya ay okay na silang dalawa. Hindi man totally okay pero at least the "okay" word is enough. Time will come na babalik din sila sa dati pero paano iyon mangyayari kung nagdesisyon na pala itong umalis? O mas tamang sabihin na umiwas?
"Magpapaskil ako ng karatula na naghahanap ako ng boarders dito para kahit paano ay may makakasama ka rito." Marahan lang siyang tumango.
"Akyat na po muna ako sa kuwarto ko." Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid ay tinakpan ng unan ang mukha. Doon niya binuhos lahat ng nararamdamang sakit.
***
Isang lingo na mula nang makalipat si Irvin ngunit aaminin niyang apektado pa rin siya. Kapag nagkikita sila sa school ay simpleng hi lang tapos wala na. Mabuti na lang at kahit paano ay nandiyan pa rin si Mark sa tabi niya ngunit palagi naman itong wala. Gusto niyang magtanong kung ano ba ang ginagawa nito at palagi na lang itong may lakad o pinupuntahan. Minsan na nga silang kumakain ng lugaw. Feeling niya tuloy ay may mali sa kanya kasi lahat na lang ng mahal niya ay umaalis. Sanay naman siya na mag-isa lang ngunit mula noong dumating ang dalawa sa buhay niya ay narealize niya na masarap pala sa pakiramdam na may tinatawag na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.