"Mark?" nanlaki ang mga mata niya nang may umagaw sa bulaklak. Kinuha nito ang kulay pink na bulaklak at nilagay sa kaliwang kamay niya. "Akala ko hindi ka pupunta?" para maiiyak na sabi niya dahil sa sobrang saya. Tiningnan niya ang itsura nito. Mas lalo itong naging gwapo sa suot nito. Mukha itong prinsipe na nagmula sa kapanahunan ni Isaac Newton.
"Alam kong napopogian ka sa akin pero hindi mo ba ilalagay sa kamay ko ang bulaklak na 'yan?" iniabot nito ang kanang kamay sa kanya. "Bakit parang batang maiiyak ka diyan?" natatawa nitong sabi habang tinatali niya ang bulaklak sa pulsuhan nito.
"Akala ko wala akong makakasama." pilit niyang pinigilang ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. "Sabi mo kasi hindi ka pupunta."
"Well, I'm here. Shall we go inside, Mahal na Prinsesa?" kinuha nito ang kamay niya at nilagay sa braso nito.
"Let's goo." excited na sabi niya.
Pagpasok sa loob ay halos lahat ng mata ay sa kanila nakatuon. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Mark.
"Just relax." bulong nito sa kanya.
"Nakatingin silang lahat sa atin."
"Dahil baka akala nila artista tayong dalawa." anito sabay tawa. Tatawa na rin sana siya kaso nahagip ng mga mata niya sina Irvin at Jonah na parang sawa kung makalingkis sa braso nito. Bigla siyang nanlamig nang magtama ang mga mata nila ni Irvin. Walang ekpresyon ang mukha nitong hindi binabawi ang tingin sa kanya kaya siya na ang unang nag-iwas. "Are you okay?"
"O-oo. Okay lang ako."
"Saan mo gustong maupo? Gusto mo doon sa bandang dulo malapit sa buffet table para tayo ang mauna sa pila mamaya?"
"Baliw. Pero pwede rin." doon na nga sila naupong dalawa.
"You look like a real princess." anito nang makaupo na silang dalawa.
"Ikaw rin naman ah. Akala ko nga prinsipe ka kanina."
"Seryoso. Ikaw ang dahilan kung bakit ako pumunta rito ngayon. Ayokong isipin na mag-isa kang uupo sa isang gilid at walang kasama." May kung anong humaplos sa puso niya sa sinabi ni Irvin.
"Salamat ng marami, Makoy."
"I don't want you to feel like you're alone. Mula ngayon, kapag nalulungkot ka, hanapin mo lang ako. Kapag gusto mo ng kasama, tawagan mo ako."
"Sinabi mo 'yan ha." ngumiti ito sa kanya habang pinagmamasadan siya nito ng mabuti na parang bang may naaalala ito habang tinititigan siya nito.
"You really look like her."
"Anong sabi mo?" hindi niya narinig ang sinabi nito dahil biglang nag static ang microphone.
"Nothing."
"Magsisimula na yata."
"Good evening ladies and gentlemen. Welcome to Arts Night 2020. My name is Love and I am the host of tonight's event. To formally start our event, may I request everyone to please stand for the prayer to be followed by singing of our National Anthem
Matapos ang manalangin at kantahin ang lupang hinirang ay nagsalita ang kanilang dean para sa opening remarks na sinundan ng isang intermission number ng pambato ng kanilang eskwelahan sa mga dance contests.
Maraming pakulo ang kanilang department ngayong taon. Highlights nila ang Painting Character Parade kung saan bawat year level ay may kanya-kanyang pambato na gagayahin ang mga sikat na personalities sa painting katulad ni Mona Lisa, at ilang mga sikat na tao sa painting. Para itong pageant ngunit rarampa lang ang mga kalahok tapos pagandahan na lang ng pag-arte na katulad nang sa painting.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.