"Jeeanine, welcome back!" susugurin sana siya ng yakap ni Thea ngunit agad itong nahila pabalik ni Rowena. "Ano ba, Rowena?" Nakasimangot na reklamo nito. Halos dalawang buwan din siyang hindi nakapasok dahil sa nangyari. Ayaw pa nga sana siyang papasukin kaso siya na ang nagpumilit. Medyo humihilom na rin kasi ang sugat niya at hindi na masyadong kumikirot.
"Hindi mo puwedeng yakapin si Jeeanine dahil hindi pa magaling ang sugat niya. Remember? Sa dibdib siya binaril ni You Know Who." Inalalayan siya nitong maupo sa bench sa Butterfly Garden.
"You know who?" Takang tanong niya.
"Si gurl na bumaril sa iyo. Dahil kasi sa ginawa niya ay parang nagkaroon ng instant rule dito sa school na bawal nang banggitin ang name niya para, you know, iwas negative vibes."
"Bet ko 'yan." natatawang wika niya. "Kaya huwag na natin siyang pag-usapan. Turuan niyo na lang ako ng mga na miss kong klase para hindi ako mangulelat sa exam."
"Ay, pass ako riyan. Mas lalo mong hindi maiintindihan kapag ako ang nagturo sa iyo. Si Rowena ang magaling sa mga ganyang bagay." Natawa sila sa sinabi ni Thea.
"Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga." Nakaingos na sabi ni Rowena.
"Oh, mag-aaway na naman kayong dalawa riyan." Saway ni Benny.
"Whatever. Oo nga pala, Jeeanine. Seryoso ba talaga na kapatid mo si Mark?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thea.
"Alam mo ba kung gaano kami nagulat nang makita silang dalawa ni Irvin na mukhang napapraning noong gabing 'yun? Nakakatakot pala silang magalit, lalo na si Irvin."
"Guys please, huwag na nating pag-usapan ang pangyayaring iyon." Sabay na natawa sina Thea at Rowena sa paki-usap ni Benny.
"Palibhasa kasi muntikan ka nang maihi sa pantalon mo dahil kay Irvin."
"Bakit naman?" Kunot ang noong tanong niya. Tumayo si Thea at umarte na parang lalaki pagkatapos ay ginaya ang mga sinabi ni Irvin.
"And who the fuck in hell would shot her? Who would dare to shot someone inside of a fucking school campus?" Napahagalpak siya nang tawa dahil kuhang-kuha nito kung paano magalit si Ambrosio. Ang akward nga lang dahil hindi nito kuha ang accent ni Irvin.
"Baliw!" Natatawang sabi niya.
"Promise. Nakakatakot siya. After nga ng insidenteng 'yun ay naisip namin kung meron ba talaga kayong relasyon ni Irvin kaya nagalit si You Know Who sa iyo. Iba kasi ang reaksyon niya. Alam mo 'yung parang nawala ang isang bagay na pinakaiingatan niya?" Biglang nawala ang ngiti niya sa labi dahil sa sinabi ni Rowena. Bigla siyang nag-iwas ng tingin dahil ramdam niya ang pag-iinit ng mukha.
"Alam mo, Jeeanine, ang suwerte mo dahil may mga guwapong nilalang na sobra kung mag-alala sa iyo. Nakakainggit ka talaga."
"Ang landi." Ingos ni Rowena.
"Totoo naman kasi. Imagine mo na may isang tulad nina Mark at Irvin na humahangos na pumuntang ospital dahil sa iyo. Shet, parang eksena lang sa pelikula." Kulang na ay mamilipit ito dahil sa kilig.
"Ano ba kayo. Akala ko ba tuturuan niyo akong tatlo?" Pumagitna na siya sa dalawa bago pa siya tuluyang mawala sa sarili ay maunahan pa niya si Thea sa paggulong sa lupa dahil sa kilig.
***
"Sir..." Marahan niyang kinatok ang cubicle ni sir Ciriaco. Sinabihan kasi siya nitong pumunta sa faculty room after ng last class nila sa hapon.
"O, Jeeanine, halika ka." nakangiting wika nito nang makita siya. "Please make yourself comfortable."
"May sasabihin po ba kayo, sir?" Tanong niya matapos maupo.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
Roman d'amourIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.