"Hurry up! Ang bagal mong maglakad." Nakabusangot na sabi ni Irvin sa kanya. Paano ba naman kasi, alas syete na pero paalis pa lang sila ng bahay. Nawalan kasi sila ng tubig at kailangan pa nilang magpa-igib sa mga tambay na kapit bahay nila. Mukhang nahawaan niya yata ito ng sakit niyang palaging late sa klase.
"Halos mapudpod na nga ang suot kong sandal sa bilis kong maglakad. Sisihin mo ang tubig at hindi ako." Inis din na sikmat niya na mas lalo pang binilisan ang paglakad para mahabol ito. Sumasakit na ang kamay niya dahil sa may bitbit pa siyang painting na project niya. Ni hindi man lang siya nito tinulungang magbitbit. "Bakit kasi hindi pinagawa ang kotse." Pasaring pa niya. Nasira raw ang makina ng pinakamamahal nitong kotse na ang pangalan ay si "Delilabs" at sa darating na sabado pa ito kukunin doon talyer. Idagdag pa na inuulan yata talaga sila ng malas dahil walang sikad na bumibiyahe, nag strike ang mga sikad driver at naroon ang mga ito sa harap ng munisipyo nagpa-planking at nanawagan na itaas ang pamasahe ng dalawang piso.
"Whatever."
"Whatever." Gagad niya. Para silang sumasali sa triathlon sa sobrang bilis nilang maglakad. Dalawang kilometro rin kasi ang layo ng boarding house nila sa unibersidad.
Pagdating sa classroom ay naroon na lahat ng kaklase nila. Maging si Mark ay naroon na rin at naka de kwatrong upo. Si Sir Ciriaco naman ay nag-aayos ng projector dahil may isang magkapartner na nagsisimula nang mag present sa gitna.
Pagpasok nila ay nagpalakpakan lahat ng kaklase nila. Kulang na lang ay lagyan sila ng sampaguita at certificate.
"Good morning everyone, I'm sorry we're late." Sabi ni Irvin bago hinawakan ang kamay niya at hinila papuntang upuan.
"Mukhang nahawa ka na sa sakit ni Miss Lim, Mr. Ambrosio?" Nanunudyo ang mga tingin ni Sir Ciriaco sa kanilang dalawa. Pagkaupo pa lang nila ay parang bubuyog na nagbulungan ang halos lahat.
"Bakit sabay silang pumasok?"
"Anong meron sa dalawang iyan?"
"Look! Look at their hands! Irvin is holding her hands! Kill me now! I'm jealous."
Bigla niya tuloy binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Irvin. Bakit ba kasi nito hinawakan ang kamay niya? Naisipan pa talaga nitong hawakan ang kamay niya pero ni hindi man lang siya nito tinulungan bitbitin ang canvass. Wow naman, na touched siya ng sobra.
"Any problem guys?" Seryosong tanong ni Irvin sa lahat. "Stop staring us, will you? We're just late, not a fugitive criminals." Sabay ang mga itong napatingin sa harap dahil sa tanong ni Irvin. Hindi niya napigilang ngumiti. Ang galing talaga nitong mag English. May accent pa kadalasan. Kunsabagay nasambit nito minsan na sa America ito lumaki dahil doon nakatira ang tatay niya.
"Stop staring at me, too." Baling nito sa kanya.
"Hindi ako nakatingin sayo." Ingos niya. "Good morning, Mark." Nakangiting bati niya kay Mark. Itinaas lang nito ang kanang kamay bago muling ibinaling ang tingin sa harap. Nagkibit balikat na lang siya sa naging reaksyon nito. Masama pa rin siguro ang pakiramdam. Sabi kasi ni Irvin na nagkaroon daw ito diarrhea kahapon. Hindi nga niya alam kung paano ito nalaman ni Irvin. Baka hindi niya lang alam at mag textmate na pala ang dalawang ito.
Itinuon na lang niya ang pansin sa mga nag pe-present. Nangapal nga yata ang palad siya kakapalakpak. Ang gaganda kasi ng mga gawa ng kaklase niya. Maiihalintulad ang mga iyon sa gawa ng propesyonal. Kung pagkain lang marahil ang mga iyon, baka kanina pa siya nabusog. Kinakabahan tuloy siya. Todo effort talaga siya sa project na 'to dahil gusto niyang makapasok sa Ocassus Art Competition. Childhood dream niya 'yun.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.