Wala silang imikan sa loob ng simbahan. Napagitnaan nila ni Mark si Aling Susan samantalang si Irvin naman ang katabi ni Mark. Patawarin siya ng Diyos ngunit wala talagang may pumapasok sa utak niya dahil sa nangyari kanina. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil ngayon niya napatunayan kung gaano siya karupok pagdating kay Irvin. Apektado pa rin siya samantalang ito ay parang wala lang. Hindi ba nito naisip na naguguluhan na siya sa kung ano talaga ang gusto nito?
"Peace be with you."
"Jeeanine, okay ka lang ba?" untag ni Aling Susan sa kanya.
"Po?" napatingin siya sa lahat na nagbibigayan ng kapayapaan sa isa't-isa. Hindi niya namalayan na halos patapos na pala ang misa. Sa loob ng halos isang oras ay kung saan-saan na lumipad ang kanyang isipan. "Peace be with you, Aling Lola Susan." niyakap niya ito nang mahigpit pagkatapos ay lumapit din siya kay Mark na nakadipa na ang mga kamay.
"Peace be with you, sis." sumimangot siya sa pagtawag nito sa kanya. Babalik na sana siya sa kanyang upuan nang mapatingin siya kay Irvin na para bang naghihintay na puntahan din niya.
"Peace?" anito. Tumango lang siya bilang tugon ngunit nilahad nito ang kamay para makipag shake hands. Alanganing tinanggap niya iyon, hindi dahil gusto niya kundi dahil ayaw niyang mapahiya ito.
"Peace." sabi na lang niya bago tinaggap ang pakikipag kamay nito. Akala niya ay pure shake hands lang ngunit nagulat siya nang hapitin siya nito palapit at yakapin nang mahigpit. Gusto niya itong itulak palayo ngunit nabaliw yata at nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay niya dahil imbes na itulak ay gumanti siya nang yakap kay Irvin. Anak na banana cake! Ano ba itong ginagawa niya? Hindi niya alam kung bugso lang ba ng damdamin o sadyang nahihibang na talaga siya.
"Go back to you seat now, Jeeanine." Narinig niyang seryosong sabi ni Mark kaya dali-dali siyang bumitaw at bumalik sa kanyang kinauupuan. Deritso siyang napaluhod at humingi ng patawad sa pagiging mahina niya.
***
"Wow, lugaw!" pumalakpak pa talaga siya habang inaamoy ang bagong serve na lugaw sa harap nila. After nilang magsimba ay dito sa paborito nilang lugawan nila ni Mark sila dumeritso. Bigla niya tuloy na miss ang lugaw dito. Matagal na rin kasi noong huli siyang nakakain dito.
"I know, you missed this kaya dito ko kayo dinala para matikman din ni lola Susan ang pinakamasarap na lugaw sa buong Ocassus."
"Ang sweet naman ng apo ko." Kunwaring napaiyak pa si Aling Susan na may papahid pa ng invisible nitong luha. Natawa tuloy siya. Ito talaga ang pinakagusto niya sa lahat nang malaman niya ang totoo, na nagkaroon siya ng isa pang lola na kayang sabayan ang mga tulad nilang millennial.
"Masarap po talaga ang lugaw nila rito, Aling lola Susan. Mas lalong masarap kapag ipinares niyo sa puto na may itlog na maalat." pagsang-ayon niya. "Kaya nga kapag nagtatampo ako sa kanya dati ay lugaw agad ang ipampalubag lubag niya sa akin."
"Jollibee still the best." biglang singit ni Irvin sa usapan nila. Bigla silang natahimik na animo'y may dumaan na isang anghel at napipi sila. Mula nang dumating sila sa lugawan ay hindi ito nagsalita. Tahimik lang itong nakahalukipkip sa gilid. Kanina pa ito kontra sa plano ni Mark na kumain dito dahil mas prefer nitong kumain sa jollibee ngunit majority wins kaya nandito sila.
"Hindi ka ba nagsasawang kumain ng pritong manok?" tanong ni Mark sa kapatid.
"Correction, chicken joy not pritong manok. There's a big difference." Mataas ang boses na sagot nito. Ano ba ang pininaglalaban nito?
"Puwede ba mga apo, tigilan niyo na muna ang sagutan dahil nasa harap tayo ng pagkain? Isa pa, baka nakakalimutan niyong galing tayo sa simbahan." Paalala sa kanila ni Aling Susan. Napayuko naman siya nang maalala niya ang nangyari kanina sa simbahan. Bakit ba kasi nasambit pa ni Aling lola Susan niya ang salitang iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/314137044-288-k773972.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.