CHAPTER FOUR- HIS MOM

1 0 0
                                    


"Where are you going?" Tanong ni Irvin ng saktong pagbukas niya ng pinto ay palabas din ito ng kwarto. Napatingin ito sa hawak niyang gamit sa pagpipinta. Tinaasan niya lang ito ng kilay bago nagpatuloy pababa ng hagdan. "It's only four in the morning." Sumunod ito sa kanya.

"Wala kang pakialam kung ano man ang gagawin ko." Dumeritso siya kusina at kinuha ang baunan ng tubig sa maliit na ref.

"I'll go with you."

Huminto siya sa paglakad at tiningnan ito. Nakasuot ito ng puting t-shirt at jogging pants. May nakasabit ding camera sa leeg nito. Mas maliit nga lang kaysa sa palagi nitong bitbit. Base sa itsura nito ay alam na niya kung bakit ito gumising ng maaga tulad niya.

"Hindi tayo close para sumama ka-" Natigilan siya. Tumalikod siya lalo na ng nakita niyang gumuhit na naman ang signature na ngisi nito. "Ayaw ko ng distorbo." Mabilis na sabi niya bago lumabas ng .boarding house.

"Panagutan mo ang ginawa mo sa kilay ko kahapon." Pinigilan niya ang sarili matawa sa sinabi nito.

"Bakit ko pananagutan? Nabuntis ko ba ang kilay mo?" pamimilosopo niya.

"Whatever. Sasama ako sayo. Wala pa akong masyadong alam dito sa lugar niyo kaya i-tour mo 'ko"

Hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating siya sa sakayan ng sikad. Kahit alas tres pa lang ay may nagpapasada na ng sikad sa lugar nila. Kadalasan ay jeep ang sinasakyan papunta sa kung saan mo gusto pero mahirap makahanap ng sasakyan pag ganitong oras pa lang.

"Solis Ocassus manong." Aniya sa driver bago pumasok sa loob. Nang dahil kay Mark ay parang gusto na niyang umakyat doon araw-araw. Alm mo 'yung feeling na kapag natikman mo ulit ang isang napakasarap na bagay na matagal mo nang nakalimutan kung gaano kasarap ang lasa ay nahihirapan ka nang pigilan ang sarili mong tikman iyon ng paulit-ulit?

"Ako rin." Anito bago umupo sa tabi niya. Kinapa nito ang bulsa at naglabas ng isang libo. "Dalawa kami. Keep the change." Tuwang-tuwa naman na ibinulsa ng driver ang pera.

"Anong ginagawa mo?" Tinulak niya ito palabas ng sikad pero ni hindi man lang niya ito nausad kahit isang sentimetro lang.

"Hindi mo narinig ang sabi ko kanina? I'll go with you. Let's go, Manong." Utos nito sa driver bago kinuha ang earphone at sinuksok sa tenga. Ngumisi muna ito sa kanya bago tinuon ng ang tingin sa labas kahit wala naman itong makita dahil madilim pa.

Naiinis na akmang babatukan niya ito ngunit na freeze sa ire ang kamay niya dahil lumingon ito sa kanya. Bigla niyang naibaba ang kamay sabay irap dito.

Wala silang imikan habang bumibiyahe. Parang may sariling mundo ito na napapa head bang pa at kumakanta ng mahina. Ngumingisi ito sa kanya sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin. Katakot-takot na irap naman ang ganti niya. Dahil sa lalaking ito, naging mannerism na niya ang umirap.

Kahit madilim ay hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Iba ang mukha nito kapag hindi nakangisi. Nakangiti pero may kung anong lungkot sa mga mata nito. Iniisip niya tuloy kung may pinagdadaanan ba ito at sa kanya ibinunton ang lahat ng sama ng loob.

Mahigit isang oras din ang itinagal ng biyahe bago nila narating ang Solis. Nagmamadali siyang umakyat pagkababa niya ng sikad. Ayaw niya makasabay ito sa paglalakad. Ayaw niyang masira ulit ang umaga niya dahil dito.

"Hey! Ang bilis mong maglakad." Hinihingal na reklamo nito habang pilit na iniilawan ang dinadaanan gamit ang flashlight sa cellphone kaya mas lalo pa niyang binilisan ang paghakbang. "Witch!" Narinig pa niyang usal nito sa mahinang boses na sapat lang para marinig niya.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon