CHAPTER ELEVEN- I LIKE YOU NOT

1 0 0
                                    


"Ohh. This is new." nagulat ang amcee nang basahin nito ang dinagdag sa program. "Okay, someone will be doing an impromptu painting for everybody. This is actually the first time that this kind of intermission will happen in Ocassus Art Competition. I know that everyone is curious about this young lady so without further adeu, Ladies and gentlemen, from Central University let's give a round of applause to Miss Jeeanine Lim."

Malakas ang tahip ng dibdib niya nang marinig ang pangalan na tinawag ng emcee para pumunta sa gitna ng stage. Nanginginig ang mga kamay na naglakad siya sa gitna. Naroon na ang canvass at palette pati na ng mga oil paints na ni-request niya kanina. Wala siyang naririnig habang naglalakad. Para bang ang lahat ay nawalan ng boses dahil ang mga atensyon nila ay nasa kanya, nagtatanong kung ano ba ang kaya niyang gawin. Hindi niya rin magawang tumingin sa ibaba kung nasaan ang mga judges at lahat ng kalahok sa competition dahil sa pinaghalong kaba at hiya. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakatuntong siya sa entablado at pinagtitinginan ng halos lahat. Dinig niya ang malakas na tambol na dibdib pero nang sinalubong siya ng malakas na palakpakan ay nakahinga siya ng maluwang. Akala niya ay napipi na ang lahat.

Yumuko muna siya sa harap bago naupo. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ba ang pipinta niya sa loob lamang ng maikling oras. Mayroon lamang siyang tatlumpong-minuto para tapusin ang painting. Masyadong maikli para sa isang buong obra. Nakatalikod ang canvass sa mga nanonood dahil mamaya para raw ipapakita ang ginawa niya. Para hindi ma bored ay may tinawagang sand artist si Miss Glenda kanina para doon mapunta ang atensyon ng lahat habang nagpipinta siya. Ewan niya kung anong pakulo iyon ni Miss Glenda. Nagsimulang tumunog ang musika nang kunin na niya ang brush. It's Pachelbell's canon in D piano. Siya mismo ang nag-request ng kantang iyon dahil sa hindi niya malamang dahilan ay palagi niya iyong napapaginipan. Sa sobrang ganda ng musikang iyon ay naisip pa niya na kung sakaling ikasal siya ay iyon ang kanyang gustong marching song.

Huminga muna siya ng malalim bago inumpisahang kulayan ng kulay itim ang buong canvass. Hindi tulad ng nakasanayan niyang ipinta na araw ang kanyang naisipang gawin. The theme is darker and sad. Siguro dahil nasobrahan na siya ng iyak kanina at naapektuhan na ang kanyang choice pagdating sa pag-iisip ng tema. It's an experiment at hindi siya sigurado kung maganda ang kalalabasan.

Five minutes....

Three minutes...

Two minutes....

Ten seconds...

Nine,

Eight,

Seven,

Six,

Five,

Four,

Three,

Two,

Her thirty minutes is up. Kasabay ng huling segundo sa oras na binigay sa kanya ay ang pagkamatay ng ilaw na kanina ay sa kanya lang nakatutok.

"That was such an amazing thirty minutes and very enthrallingly beautiful start to officially begin this years' Ocassus Art Competition. Pero dahil gusto naming kayong ma excite kung ano ba ang final outcome ng ipininta ni Miss Jeeanine ay mamaya naming ito ipapakita. You know, our beloved Miss Glenda Artuz loves to stir your imaginations first before giving what you want to satisfy your hunger for it." nagtawanan lahat sa biro nito. Nilapitan siya nito at inalalayan patayo. "Thank you, Miss Lim. You may take some rest for a while. We'll give you the spotlight once again before this competition ends." May dalawang staff naman ang kumuha sa painting niya at dinala muna sa backstage.

"Good job, Miss Lim." tuwang-tuwang sinalubong siya ni Miss Glenda. "I saw it from here and I must say, it is good. Much better than that actually." nakangiting puri sa kanya ni Miss Glenda. Para tuloy siyang nakalutang sa ire sa sobrang saya. "You are really her masterpiece." anito sa pabulong na paraan kaya hindi niya masyadong narinig.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon