CHAPTER FIFTEEN- BABYSITTER

1 0 0
                                    


Silang dalawa na lang ang umuwi ni Irvin pabalik sa Ocassus dahil nagpa-iwan muna ng ilang araw si Aling Susan para mas makasama ng matagal ang mga apo. Balik sila sa dating gawi, asaran at kulitan na para bang walang nangyari. Siguro nga ay parehong choices ang napili nila at mas okay na rin 'yun. Mahirap nga lang sa parte niya kung minsan ay hindi niya mapigilan ang sariling bigyan kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa nito para sa kanya. Kung minsan ay hindi niya namamalayan na nakatulala siya habang nakatitig sa gwapo nitong mukha, marahil ay masasanay din siya sa habang tumatagal.

"I'll do the dishes and cooking, you do the cleaning. Deal or deal?"

"Deal" sa susunod na linggo pa kasi babalik si Aling Susan kaya hati sila sa gawaing bahay habang wala ito.

"Anyway, ano ang gusto mong treat?" natanggap na kasi nito ang premyo mula sa pagkapanalo sa Ocassus Art Competition. Saglit siyang nag-isip.

"Punta tayo sa Fun Zone!" matagal na rin niyang hindi nagagamit ang kanyang loyalty card. "Isama natin si Mark." biglang nagseryoso ang mukha nito nang banggitin niya si Mark.

"He's busy." maikling tugon nito.

"Naka-usap mo siya? Ilang ko beses ko siyang tinawagan ngunit hindi naman niya sinasagot. Ilang araw na rin siyang absent sa klase. Tinatanong na nga ako ni sir Ciriaco ngunit wala rin akong maisagot dahil hindi ko rin alam. " Hindi ito sumagot. "May nangyari kaya sa family niya?" padabog na tumayo ito.

"Mauna na akong matulog. Night." inatake na naman yata ito ng topak. Kung hindi niya lang nakita na may abs ito, marahil ay iisipin niyang babae ito. Talo pa ang babaeng dumating ang buwanang dalaw kung topakin.

"Weird." anas niya sa sarili na pinatay na ang ilaw sa sala at kusina. Umakyat na lang din siya sa kanyang kwarto at tumawag sa lolo at lola niya para kumustahin ang mga ito.Sinabi ng mga ito na kung kaya ng katawan ay baka umuwi ang mga ito sa birthday niya.

***

"Morning." nag-iinat na bati niya kay Irvin. Nakaluto na ito at kasalukuyang umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Hindi man lang siya nito hinintay.

"Breakfast is ready, Princess." naupo siya sa harap nito. Nagluto ito ng sinangag at nagprito ng ham. "Magtimpla ka ng sarili mong kape dahil hindi iyon kasali sa deal natin." sinimangutan niya ito. So it's final, the old Irvin is back.

"Ang aga mo yatang nagising? Alas diyes pa naman ang klase natin di'ba?"

"I have to go somewehere before our class kaya hindi kita maisabay papuntang school." sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"Pwede naman akong sumabay. Tambay na lang muna ako sa BG."

"Okay." maikling tugon nito kaya hindi na siya nagsalita pa. Nagmamadali niyang tinapos ang pagkain at agad na nag-ayos.

After thirty minutes ay nasa harap na siya ng Butterfly Garden. Matagal din siyang hindi nakapunta rito kaya patakbo siyang pumasok sa loob.

"Mang Roman!" masayang bati niya sa matandang nagbabantay. Busy ito sa pag-aayos ng mga halaman.

"Jeeanine! Maligayang pagbabalik." natawa sila pareho sa sinabi nito. "Akala ko ay hindi ka bibisita rito sa akin."

"Hindi iyon mangyayari, Mang Roman. Alam mo naman na ikaw ang pinka paborito kong tao rito sa school di'ba?"

"Ang galing mo talagang mambolang bata ka. Pumasok ka na sa loob. Libre."

"Salamat po. Kaya kita paborito dahil sobrang niyo po." natawa na lang ito na sinenyasan siyang pumasok na sa loob.

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon