CHAPTER TWENTY FIVE - THE CLUES

1 0 0
                                    


"C-can I hug you?" alanganin nitong tanong. Nakalabi naman siyang tumango. "I'm so happy. I'm really happy right now." bulong nito sa kanya habang mahigpit na yakap nila ang isa't isa.

"A-ako rin. Ganito pala ang pakiramdam na yakap ng isang kapatid. Dati, inggit na inggit ako sa mga kapitbahay at kaklase ko dahil may ate sila pero ngayon, hindi ko na kailangang mainggit dahil may kapatid pala akong super gwapo. Huli ka man dumating pero it's better late than never hindi ba?" natawa sila pareho sa sinabi niya.

"Excuse me," tumikhim nang malakas si Irvin. "kapatid din ako. Bakit kayo lang ang nagyayakapan?" akma itong lalapit sa kanila ngunit agad itong binato ng unan ni Mark.

"My sister is off limit to you." seryosong sabi nito na ikinainis ng isa. Padabog itong naupo ulit.

"A-ako, puwede bang makisali sa yakapan niyo? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyong dalawa ngunit naiinggit din ako tulad ni Irvin na makitang kayo lang ang nagkasundo na." nagkatinginan sila ni Mark. "Kailangan ba munang hintayin ko ang oras na mapatawad muna niyo ako bago ako magkaroon ng karapatan na mayakap kayong dalawa?" Hindi talaga siya sanay na makitang umiiyak si Aling Susan kaya siya na mismo ang humila rito at niyakap nang mahigpit.

"Hindi po ako galit. Siguro, nagtatampo ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga kayang magalit sa inyo ng todo. Matapos ang ilang araw na pag-iyak ay nailabas ko na lahat ng mabigat dito sa dibdib ko, ang naiwan na lang ay ang kagustuhan na marinig mismo sa inyo ang totoo. Hindi ko nga yata kayang magalit sa inyo kasi sa tuwing iisipin kong galit ako sa inyo ay pumapasok sa isip ko kung paano niyo ako alagaan sa loob ng halos apat na taon. Kaya pala lagging kang nandiyan sa akin sa tuwing pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng mundo. Kaya pala ang bait-bait niyo sa akin at kung ituring niyo ako ay parang apo niyo na ako kasi a-apo niyo pala talaga ako."

"Patawarin mo ako, Jeeanine kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo. Pero dadating ang tamang oras na masasabi ko rin sa inyo ang lahat pero sa ngayon, gusto ko munang maging masaya dahil sa wakas ay alam mo na rin na l-lola mo ako." naiiyak na mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Ako naman ang nainggit ngayon." reklamo ni Mark na walang pasabing niyakap silang dalawa ni Aling Susan. "Nakakalimutan niyo yatang apo niyo rin ako."

"Me too!" natawa na lang sila nang yumakap na rin si Irvin. Kahit anong tulak ni Mark dito ay hindi ito nagpatinag. Ang dami pa nilang dapat pag-usapan ngunit nauwi na lang sa yakapan. Tunay nga ang yakap ay mas higit pa ang kahulugan kaysa sa mga salita.

***

"Jeeanine?"

"Po?" tiningala niya si Aling Susan. Magkayakap silang nakahiga sa kama niya dahil gusto raw nito na magkatabi silang matulog ngayong gabi.

"Kurutin mo nga ako." utos nito sa kanya. "Ayokong matulog kasi natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito, tapos bukas paggising ko ay bumalik ang lahat sa dati." kinurot niya nang mahina ang pisngi nito.

"Okay na po ba? Narealize niyo po ba na totoo ang lahat ng ito?"

"Hindi ko akalain na dadating ang panahon na mayayakap kita ng ganito, na makakatabi kitang matulog. Kung may bagay man akong ikinakatakot buong buhay ko, iyon ang malaman mo ang totoo at ipagtulakan mo ako palayo kaya mas pinili kong alagaan ka nang hindi mo alam."

"Sana sinabi niyo sa akin noon pa. Alam nina lolo at lola ang tungkol sa inyo hindi ba?" Tumango ito.

"Oo. Noong nalaman ko na nagkaanak pala siya, ay agad ko kayong hinanap at nagpakilala na ako na nanay ni Jamaine sa lolo at lola mo. Tulad mo, hindi rin sila nagalit sa akin, maging sa nanay mo. Kaya nang nalaman ko na dito ka sa Ocassus mag-aaral ay binili ko ang bahay na ito para may matitirahan ka at kahit papaano ay magampanan ko naman ang responsibilidad ko sa iyo bilang lola mo kahit patago. Naisip ko tuloy kaagad, tamang tao na sana ang napili ng aking anak kung hindi lang niya pinili ang kanyang pangarap. Lumaki ka sana na may kompletong pamilya ngunit wala na tayong magagawa. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan."

Finding Her (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon