"W-what do you mean?"
"Nang araw na iyan. I remember myself eating a lot after ng improntu painting number ko. Tapos bigla akong naihi pero hindi ko mahanap ang CR kaya kung saan-saan ako napunta. At nakita ko ang room na 'yan! Anak ng banana cake, Makoy! Nasa Ocassus Museum of Contemporary Arts ang hinahanap natin!" Nanlaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon.
"Damn! So, it's damn right under our noses." bigla itong nainis. "Ninang Glenda knows this but she didn't even give us a clue."
"Because it is a game, Makoy. Nakalimutan mo na ba?" Muli itong napamura ng mahina.
"We should go there right now." sabi nito bago siya tiningnan. "I mean, only me and Irvin. Hindi ka kasama because you're not doing well yet."
"Hindi maaari. Sasama ako sa ayaw o gusto mo." Pagmamatigas niya na nauna pang tumayo at pumasok sa loob ng bahay para mag-ayos."
"Jeeanine!" Dinig niyang tawag nito sa pangalan niya ngunit niya ito pinansin. Hindi siya papayag na hindi siya kasama na puntahan ang lugar kung saan posibleng makapagtuturo sa kanila kung nasaan ang nanay nila.
****
"So, this is it?" Wika ni Irvin. Nakatayo silang tatlo sa harap ng kuwarto na nakita niya noon. "Jeeanine. I can't believe it that this place really exists." Hindi makapaniwalang basa nito sa pangalan ng kuwarto na nakasabit sa bandang itaas ng pinto.
"Bubuksan na ba natin?" Kinakabahang tanong niya. Nakapasok na siya sa loob ng kuwartong iyon at nakita na niya ang nasa loob ngunit hindi niya mapigilan ang sariling kabahan.
"Ako na ang magbubukas." Sabi ni Irvin na pinihit na ang pinto. Tumambad sa kanila ang kabuuan ng kuwarto. Walang pinagbago ang loob niyon. Katulad pa rin iyon noong una at huling beses na nakita niya iyon. Puno pa rin ng painting at may nag-iisang mesa na nakapuwesto sa gitna.
"P-arang hindi ko gusto ang nasa isip ko." Sambit niya lalo na nang makita niya ang urn na may disenyong araw na nasa ibabaw ng mesa. Tiningnan niya ang dalawa. Katulad niya ay natigilan din ang mga ito pagkakita sa urn. Si Irvin ang unang nakabawi. Marahan itong lumapit sa mesa at kinuha ang card na nakapatong sa ibabaw ng urn.
"Sa oras na matagpuan mo ang huling piraso ng isang bagay na siyang kulang para mabuo ka ng tuluyan, huwag mo sanang hayaang balutin ka ng galit dahil ito ang magiging dahilan para muli kang mabasag magpakailanman. Tulad ng araw sa tanghaling tapat, hindi mo ito kayang titigan dahil ikaw ay masisilaw lamang ngunit maghintay ka ng ilang oras hanggang sa dumating ang dapit-hapon. Makikita mo kung gaano ito kaganda. Lahat ng bagay ay may tamang oras. Kapag ipipilit mo ang isang bagay na hindi pa handa ay masasaktan ka lang. Huwag kang mainip, magiging masaya ka rin sa tamang panahon. Hanapin mo ang susi at ako ay iyong matatagpuan." – Jamaine F." basa nito sa nakasulat sa card. "What does this mean?" Naguguluhang tanong nito sa kanila ni Mark.
"I-I don't know what to say..." Mahinang anas ni Mark na nilibot ang paningin sa mga painting na nakasabit sa kabuuan ng kuwarto. "Joy to the World." Una nitong nilapitan ang painting ng sanggol na nakabalot sa puting tela. Nasa loob ito ng isang basket tapos may isang babaeng nakatingin sa malayo na hindi makita ang mukha dahil nasisinagan ng araw.
Sunod nitong nilapitan ang painting na may title na A Silent Cry. Iyon naman ay isang babae ulit tapos isang bulaklak na gusto niyang abutin ngunit hindi nito magawa dahil ang background ng babae ay nasa papalubog na araw samantalang sa papasikat na araw naman ang bulaklak. Nilapag ni Irvin ang card na hawak at katulad nang kapatid ay lumapit ito sa ikatlong painting na may titulong "Never forget." at sa ikaapat na painting.
"I will always love you, M&I." Basa nito sa title. Painting iyon ng dalawang batang lalaki na naghahabulan. Napatingin si Mark kay Irvin. "I-s this for us? M is Mark and I stands for the initial of my name, right?"
![](https://img.wattpad.com/cover/314137044-288-k773972.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.