"Dahan-dahan lang sa paglalakad, apo." Sina Mark at Irvin ang nakahawak sa kanang braso niya, samantalang sina Tita Noraine kasama ang dalawang lola at lolo naman niya ang nasa kabila.
"Ano ba kayo? Kaya ko naman pong maglakad nang mag-isa dahil nabaril po ako sa dibdib hindi sa paa." Natatawa niyang wika sa mga ito.
"Shhh. Mula ngayon ay bawal na sa pamamahay ko ang salitang iya." Nakasimangot na sabi ni Aling Susan
"Buksan niyo ang pinto, dali!" Si Irvin ang patakbong nauna para pagbuksan sila ng pinto. Pagpasok sa loob ay marahan siya ng mga itong inalalayan na maupo sa upuan.
"Welcome home!" Halos mabingi siya sa lakas ng sigaw ng mga ito. Ngayon lang niya napansin na may malaking banner na gawa sa apat na pirasong cartolina na pinagdikit-dikit sa harap ng sala at mga mga balloons na iba iba ang kulay.
"Since I'm the one who planned it all, I will appoint myself as the host of this momentous event in Jeeanine's life." natawa na lang siya sa sinabi ni Tita Norraine. "Ito ay extended celebration of Jeeanine's birthday and celebration na rin ng kanyang paglabas sa ospital."
"I'm her assistant." Biglang singit ni Irvin na nagtaas pa ng kamay. "Ako ang nagpalobo ng mga balloons while, yeah Rephy and Amphy help in the doodling part sa banner. I want to applaud their efforts." Mas lalo siyang natawa nang makitang puno nga ng drawings ng ahas at dinosaur sang banner.
"Tumulong ako kay Lola Susan at Lola Carmelita na magluto." Sabi naman ni Mark na nagtaas din ng kamay. Magkapatid nga ang mga ito. Parehas pa talaga ng gesture.
"Ako naman ay..." napatingin silang lahat kay Lolo Pedring na walang maisagot. "Basta, may naitulong din ako, apo. Nakalimutan ko lang kung ano." Napakamot na lang ito ng ulo.
"Ang sabihin mo, natulog ka buong oras na hindi na kami halos makaupo rito." Sikmat dito ng lola Carmelita niya dahilan para magtawanan silang lahat. Pinagmasdan niya ang lahat. Magkaharap na tumatawa ang kanyang dalawang lola. Si Tita Noraine naman ay bitbit ang dalawang anak na nag-aaway na naman at sina Mark at Irvin, Nagtatawanan din ang mga ito habang magkaakbay. Ito ang pinaperpektong regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan. Kung ito ang resulta ng pagkabaril sa kanya, mukhang siya pa pala dapat ang magpasalamat kay Jonah sa pagbaril nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nakatapos siyang magpinta ng kanyang obra maestra dahil sa sayang nararamdaman niya ngayon.
***
"Remember what I told you?" tanong niya sa dalawa dahil nag-aaway na naman ang mga ito dahil lang sa crayons, na naman. "Ang magkapatid ay hindi nag-aaway. Gusto niyo bang magalit si Jesus dahil hindi kayo nagkakasundo?"
"No. Please, we're sorry. We don't want Jesus to hate us." Nag-aalalang sabi ni Amphy.
"We should pray, Amphy." sabi naman ni Rephy na mukhang maiiyak na. "Let's find some Jesus pictures here." Hinila nito ang kapatid palabas ng kuwarto niya. Siya naman, kahit nahihirapan ay pinilit sundan ang dalawa. Pumasok ang mga ito sa kuwarto ng Aling Lola Susan niya
"Okay, Rephy, let's cup our hands." wika nito sa kakambal na sinunod naman ng isa. "Dear Jesus, here's our yucky attitude and we give it to you. Hope you forgive us both." Magkasabay na itinapon ng dalawa ang invisible na laman ng kamay ng mga ito at nagyakapan.
"I'm sorry, Amphy. I love you."
"I'm sorry too, Rephy. I love you too." Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. Para siyang natutunaw sa nakita niya. Ang sarap sa mata at tenga na makita at marinig ang kanyang mga pamangkin na ginagawa ang bagay na tulad nito. Tahimik siyang bumalik sa kanyang kuwarto para hintayin ang dalawa. Ilang segundo lang siya nakaupo ay magkahawak kamay na ang mga ito sa pumasok sa kanyang kuwarto.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
Storie d'amoreIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.