"Amphy, Reppy don't run!" labas ang litid sa leeg na sigaw ni Irvin sa dalawang bata dahil parang nakawala ang mga ito sa kulungan kung makatakbo sa loob ng mall. "Those walking mushrooms. Jeez."
Naki-usap kasi sa kanila si Aling Susan kung pwedeng ipasyal muna nila ang kambal para makapagpahinga siya saglit. Bigla kasing tumaas ang BP nito dahil na rin marahil sa pagid sa byahe tas may kasama pang dalawang bata.
"Hayaan mo na kasi." natatawang sabi niya habang sinusundan ang dalawa.
"That's why I don't want to get married and have children anymore."
"Kaya ba nagbago ang isip mo?" Bigla itong natigilan. Fudge. She and her out of control mouth!
"Ang ingay mo." maikling sagot nito bago hinabol ang sina Reppy at Amphy dahil tumakbo na naman ang mga ito papuntang National Book Store. Walang magawa na patakbong sumunod na rin siya.
"I want this."
"No Reppy." naabutan niyang may kanya-kanyang dalang libro ang kambal. Nakapameywang naman si Irvin na nakatayo sa harap ng mga ito. Para itong tatay na nauubusan na ng pasenys. Bigla siyang napa-isip. Kung parang tatay ng kambal si Irvin, sino ang nanay? Siya? Bigla niyang sinampal-sampal ang pisngi. Kung anong mga walang kwentang bagay na naman ang pumapasok sa utak niya.
"Me too, Kuya. It has a lot of snakes with many colors."
"Do you have money to buy that?" umiling ang dalawa.
"No but it's very pretty. It has many pictures of sidewinder, boomslang, and it has pit vipers too."
"Your Ate Jeeanine can draw all of that."
"Ano ka ba, Irvin? Bilhin mo na lang kasi. Hindi ka ba naaawa sa dalawang 'yan?" napatingin ito kina Reppy at Amphy na parang maiiyak na.
"Hindi sila dapat sanayin na binibili lahat ng gusto nila. I'm telling you, if you spoil them through buying anything that they want, they won't know the value of money when they grow up. I saw their mini library at home with the same book na gusto nilang ipabili." may point nga naman ito.
"Ate Jeeanine pleaseee." sabay na yumakap sa kanya ang kambal. Hindi niya tuloy alam ang sasabihin."
"Naku, ma'am at sir bilhin niyo po para sa mga anak ninyo. Limited edition lang po iyan." biglang lumapit sa kanila ang saleslady.
"Hindi po naminsila mga anak, Miss." namumulang tanggi niya.
"Ay sorry po. Akala ko kasi anak niyo ang dalawang batang ito. Mukha po talaga kasi kayong mag-asawa. Ang cute niyo pong tingnan. Bagay na bagay po kayong dalawa."
"Give us all the copies of anything with reptiles and amphibians in it." sabay silang napatingin ng saleslady kay Irvin. "Bibilhin ko lahat."
"Ano?" nanlaki ang mga matang bulalas niya.
"Talaga po? Naku, maraming salamat po. Saglit lang po sir." ani ng saleslady na agad lumapit sa manager nila.
"Seryoso ka ba, Ambrosio? Parang kanina lang ay talo mo pa ang child psychologist kung maka-litanya ah tapos bibilhin mo lahat?"
"Ang ingay mo." iyon ang ikalawang beses na sinabihan siya nitong maingay. Napasimangot tuloy siya. "Come on, guys." hinawakan nito sa magkabilang kamay ang kambal na tuwang-tuwa naman.
Dalawang box yata ng mga libro ang dala nila pauwi, tatlong teddy bear na napanalunan nila sa arcade, at dalawang supot ng take out nilang pagkain na hindi naubos ng kambal. Hindi na nga niya nakayanan ang pagod at antok kaya nakatulog na siya sa kahihintay sa kotse habang naglalaro ang tatlo. Nagising na lang siya nang pauwi na sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/314137044-288-k773972.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.