"Miss Glenda?" bulalas niya.
"Tita ninang?" duet naman ng dalawa.
"The one and only." nakangiting wika nito sa kanilang tatlo. "Nagbigay ako ng instructions sa lahat ng empleyado ko na sabihin sa akin kapag nakita nila ang kahit isa man sa inyo na papasok dito sa museum. I never expect na makikita ko kayong tatlo ngayon. Looks like, ang gusot ay naplantsa na nang maayos."
"We're here because of the clue." nagulat ito sa sinabi ni Mark. "Masterpiece."
"Naalala ko ang painting na may title na Masterpiece noong pumunta kami rito." turo niya sa Room of Memories. "Sabi mo, iyon ang pinakamalapit sa puso mo. Thinking about that, naisip ko na baka ito ang isa sa mga clue na binigay ni teacher Jam- I mean mom." nakita niyang napangiti si Miss Glenda sa sinabi niya. Bigla tuloy lumakas ang pakiramdam na tama siya ng hinala.
"That's kind of awkward, hearing someone na may tumatawag sa kanyang mom but nevertheless, I'm so happy that you finally know that she's your mother, Jeeanine. And yeah, you're right, that painting was hers." pinihit nito ang seradura. Walang imik naman na sumunod silang tatlo. Huminto ito sa tapat ng painting.
"I've seen that picture!" bulalas ni Irvin na napatingin kay Mark na mukhang nagulat din. "I thought, isa sa amin ni kuya ang nasa picture na palaging tinitingnan niya but it's you..."
"Yes, that's Jeeanine. Kuha iyan ilang araw palang siyang naipanganak. I could still remember, kung gaano siya katakot during that time but at the same, masaya dahil kamukhang-kamukha mo siya Jeeanine." Bigla siyang napaiwas ng tingin. Gusto niyang kurutin ang sarili dahil parang maiiyak na naman siya.
"So, this painting is a clue to find her location?" tanong ni Irvin para ibahin ang usapan dahil nahalata siguro nitong nagiging emosyonal na naman siya ngunit nagkibit-balikat lang si Miss Glenda.
"Sorry but I can only tell you the story behind this painting."
"Jeez." mahinang anas ni Mark.
"Wait," lumapit si Irvin sa painting at may binasa sa bandang ibaba. "What is this?" curious na lumapit na rin silang dalawa ni Mark. Masyadong maliit ang nakasulat kaya kailangan mo talagang ilapit ang mata mo para mabasa.
"Find Jeeanine. I'm there." kunot-noong basa ni Mark sa nakasulat.
"We've already found you. May iba pa bang Jeeanine maliban sa iyo?" nagtatakang tanong ni Irvin. "Baka naman, hindi ikaw ang tunay na Jeeanine? Holy macaroons, you're an impostor!" tinuro-turo pa siya nito.
"Gusto mong mamatay?" Pinanlakihan niya ito ng mata. Kung makainis ito sa kanya ngayon ay parang walang nangyari sa kanila nitong nakaraan. Back to Irvin na mahilig mag-asar ang peg nito.
"Just kidding." nag-peace pa talaga ito sa kanya pagkatapos ay agad ding nagseryoso. "Back to our business, so from all the clues that we had, we're all brought down to one major clue left and that's capital Jeeanine."
"Do you have any idea what this means?" tanong ni Mark kay Miss Glenda ngunit nagkibit balikat lang ito. "Kahit isang clue lang kung ano ang ibig sabihin nito?"
"Well, all I can say is that, read between the lines." maikling sagot nito. Hindi niya tuloy maiwasang tumaas ang kilay. Bakit pakiramdam niya ay may tinatago sa kanila si Miss Glenda? Ang tingin kasi nito sa kanila ay kombinasyon ng takot at lungkot? Hindi siya sigurado pero iyon ang nakikita niya at hindi niya maikailang nakakaramdam siya ng kaba na para bang may naghahabulan sa dibdib niya. Natatakot siya sa isang bagay na hindi niya alam kung ano.
"Jeez. I think, before we able to find mom ay mauuna na akong mapunta sa mental hospital. This game is harder than I expected. Dati, ang laman ng clue niya is to find cellphone, find the key, find tita's number lang but now, it's way more complicated and mind boggling." reklamo ni Irvin.
BINABASA MO ANG
Finding Her (Completed Story)
RomanceIt is a story about two young man looking for a missing masterpiece.