CHAPTER 18

168 10 0
                                    

Chapter 18

RYS POV

   "Cafe tayo?"aya sakin ni Riah.bTumango ako saka ko inayos ang gamit ko.

  "Uyy sama!"napatingin naman kami sa aming likuran ng marinig namin ang boses ni Roy.

  "Sige ba pero..."pabitin ni Riah habang nakangisi. Natatawang umiling nalang ako,mukhang alam ko na ang sasabihin nito.

  "Pero?"tanong nito pero halata naman sa mukha nitong alam na ang karugtong ng sinasabi ni Riah.

  "Sagot mo hahaha!"sabi nito na ikinatawa namin ni Roy. Sabi na eh, Kuripot kasi yan, ang yaman yaman hindi naman gumagastos para sa pagkain niya. Gusto niya laging libre.

  "Pfft,lagi ko namang sagot ehh. Pano madamot ka, ang yaman yaman mo pero ayaw mung gumastos, tsk!"maktol nito kaya naman natawa si Riah.

  "Manlilibre lang ako kapag ka wala ka ng pera hahaha!"natatawa nitong sabi kaya naman napasimangot si Roy. Akmang sasagot ulit ito ng pumagitna ako sakanila.

  "Magtigil na nga kayong dalawa, tara na sa cafe!"aya ko sakanila na agad naman nilang tinanguan.

  "Nga pala Roy bakit bigla bigla kang nawawala at lumilitaw?"Taka kung tanong rito. Ilang araw kasi siyang nawala,tapos bigla ulit susulpot. Ewan ko kung saan to nagsususuot.

  "Bakit miss moko?"nang aasar nitong tanong, napairap ako.

  "Hindi ahh!"Tanggi ko kaagad. "Curious lang!"dugtong ko,tumawa naman ito.

  "Biro lang hahaha...May inaasikaso lang ako, alam niyo na. Ako ngayon ang  humahawak ng companya!"sagot nito na siyang ikinatango ko.

   "Edi matagal pa bago ako man libre. Sigurado marami pa pera mo haha!" Natatawang sabi ni Riah.

  "Kahit na, Mayaman ka din kaya. Tapos ang damot mo!"sagot naman ni Roy.

"Eh sa nag iipon ako para sa bagong kotse ehh!"sabi nito.

"Mag pabili ka nalang sa daddy mo. Marami naman pera nun!"asar nito.

"Ayaw ko nga. Gusto ko pera ko ibibili ko noe!"sagot naman nito.

  "Wow napaka bait mo namang bata!"natatawang sabi ni Roy saka ginulo ang buhok ni Riah na siyang ikinasigaw nito.

"Hinayupak ka ROY! Bakit mo sinira hair style ko!"sigaw nito pero sinagot lang ito ni Roy ng tawa sabay tago sa likod ko. Nakarating kami sa cafe na nag hahabulan ang dalawa. Hayst,bakit ba puros isip bata yung kaibigan ko? Kung si Riah at Roy ang magkasama sakitan ng sakitan. Kung si Vhane at Riah naman bangayan ng bangayan. Kung si Vhane at Roy asaran ng asaran. Sakit sa ulo sila.

  "Eyy Rys, asan Si Hades?"tanong ni Renz na biglang sumulpot sa likuran namin kasama ang mga kaibigan niya. Mabuti nalang pabulong yung pag tanong niya kung nagkataong marinig ni Roy yun magtatanong nanaman yun. Palagi pa namang curious sa mga bagay bagay yun.

  "Nasa Companya ehh!"sagot ko. Tumango ito saka inilapag ang dala niyang tray.

  "Ahh,makiki upo kami ahh?"tanong nito na tinanguan ko lang.

"Sige lang!"sagot ko.

  "Kuya libre mo kung milktea!"sabi ni Riah sa kapatid nito,Umismid si Renz.

  "Aba naman Havana, Binibigyan ka ni Daddy ng pera araw araw para may gastusin hindi para mag pa libre!"Sabi nito na syang ikinasimangot ni Riah.

  "Pwede ka namang tumanggi! Hindi yung sasabihin mo pa yung fisrt name ko!"nakasimangot nitong sabi. Here she go again, complaining about her first name, she's cute though.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now