CHAPTER 62

135 4 0
                                    

Chapter 62

    

   Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng ulan mula sa labas. Dahan dahan akung bumangon pero mabilis ding napahiga ng bahagyang umikot ang paningin ko,napapikit ako ng mariin. Napangiwi ako ng biglang kumirot ang ulo ko. D*mn, hangover! Saglit kung pinikit ng mariin ang aking mga mata  saka ito muling iminulat. This time hindi na  umikot ang paningin ko. I sign and help my self to sit up.

   Hawak hawak ko ang ulo kung hilong hilo. 'Ayan kasi Rys! Unwind pa.' Pagalit na sabi ko sa sarili ko. Nanghihinang isinandal ko sa headboard ang likod ko saka muling pumikit. D*mn,ang sakit talaga ng ulo ko! Nang hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko ay muli akung bumalik sa pagkakahiga saka nagtalukbong ng kumot.

  "Bahala na,umuulan naman. Mamaya na ako magluluto  ng agahan.Tulog pa naman siguro ang mga ba-"mabilis na napabalikwas ako ng bangon. Saka lamang nag sink in sakin na hindi ito ang kwarto ko. The room us so big. The bed is Queen size. The color is black and white and the smell... It's so manly... So familiar.

   Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyare kagabi. I was on the bar, drinking alone when someone sat beside me. I'm already drunk and about to go home when I lost balance and a guy help me. I was about to thank him but he cupped my butt. He's a maniac! I was about to slap him with all my strength when Hades came.

  Ibig bang sabihin nito nasa bahay niya ako? Pero hindi ito ang kwarto namin sa mansyon. Mas malaki yun. Iba din ang desenyo. Baka ibang bahay niya, mayaman siya. He can buy a house or a mansion anytime he want.

   "Señorita?"napalingon ako sa pinto ng kwarto ng makarinig ako ng katok kasabay ng pagtawag ng isang babae.

    "P-po?"sagot ko.

   "Pwede po ba akung pumasok, Señorita?"

   "Pwede po." Sagot ko sala hinila pataas ang kumot upang itabon sa lap ko. Dahan dahang bumukas ang pinto saka pumasok ang isang medyo may katandaan ng babae. The curve and some part of her face was familiar to me. She looks like on her fourties. She was holding a tray with milk and sandwich.

   "Binilin po sakin ni señorito na dalhan kayo ng agahan kapag gising na kayo. "Nakangiting sabi nito saka binaba ang tray sa mesa. I gave her a smile.

  "Thank you po." Sincere na pagpasalamat ko. "Nasaan po ba ang amo niyo?"

   "Umalis po siya eh. May kailangan lang daw asikasuhin. Wag po kayong mag alala babalik  ho yun agad."nakangiting sagot nito. "Oo nga po pala,wag niyo pong buksan ang glass door papunta sa veranda, masyado pong malakas ang hangin."

   "Ahh okay po. Salamat ulit sa agahan."

   "Walang ano man po señorita. Sige po,kumain na po kayo saka magpahinga. Kukunin nalang dito ng maid yang pinagkainan niyo. Mauna na po ako."paalam nito. I smiled as i nod at her.

   Nang makalabas siya ay agad kung kinain at ininom ang dala niyang breakfast. Gutom na rin kasi ako. Ilang saglit lang matapos akung kumain ay may kumatok na para kunin ang plato. Gusto ko sanang ako na ang maghahatid sa baba but she insisted kaya hinayaan ko nalang.

   Dahil wala akung magawa napagdesisyunan kung tumayo at maglakad-lakad sa kwarto. Saka ko lamang napansin ang suot ko. I was wearing a white oversized t-shirt and his boxer shorts. Old times.

  Napangiti ako sa naiisip ko.  Nakaka-miss  rin pala no? Yung mga panahon na okay at masaya pa kayo sa piling ng isa't-isa. Yung mga panahong sa inyong dalawa lang umiikot ang mundo niyo. The times where you just want to enjoy your life with the person you love.

THAT NERD IS MINEWhere stories live. Discover now